Chapter 9

9 1 0
                                    


AKO NA ang nagpatuloy sa paghahanda ng hapagkainan dahil mas nauna naman akong natapos sa pagligo kaysa kay Lucas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AKO NA ang nagpatuloy sa paghahanda ng hapagkainan dahil mas nauna naman akong natapos sa pagligo kaysa kay Lucas. Hanggang ngayon ay nasa lawa pa rin ata siya. Inilagay ko ang niluto niyang sardinas na nilagyan niya ng iba't-ibang sangkap pangpalasa. Ang sarap nitong amoy-amoyin. Sabi ni Lucas, lahat ng mga stocks ng karne ng hayop na naiwan sa mga tindahan at mall ay sira na at wala nang pag-asang kainin dahil hindi na ito na preserved sa refrigerators simula nung nawalan na ng kuryente kaya tanging mga can goods nalang ang p'wede naming kainin at iba pang instant foods. Paano kung mangaso kaya kami? Pero ang weird kasi wala na ako masyadong nakitang mga ligaw na hayop na pa gala-gala maliban sa dalawang aso na umatake sa'kin nung unang araw na nagising ako.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang bagong ligo na si Lucas. Wala pa itong suot pang-itaas at tanging ang sweatpants lang nito pang-ibaba. Kita rin ang strap ng suot nitong boxer pangloob na parehas lang din ng hiniram ko sa kaniya. Nakasabit sa leeg niya ang kaniyang tuwalya at may iilan pang butil ng tubig ang tumutulo mula sa kaniyang buhok pababa sa kaniyang leeg at tiyan. Umiwas ako ng tingin at itinuon ang atensyon ko sa mesa.

"Kumain na tayo," tawag ko at tumango naman siya bago naglakad papasok sa silid. Paglabas niya ay may suot na siyang olive green na plain t-shirt na fit sa kaniya. Bagay na bagay sa kaniya ang ganoong mga damit dahil medyo may kalakihan ang katawan niya kaya fit na fit talaga sa kaniya. Umupo siya sa upuang katabi lang nung sa'kin.

"Pupunta ako sa garden ngayon, sama ka?" Bigla niyang tanong sa'kin. Napatingin naman ako sa kaniya.

"May garden ka?"

"Oo naman. Hindi naman p'wedeng magdepende lang tayo sa stock foods. Mukhang sa unhealthy meals tayo mamamatay at hindi sa radiation," biro niya. Sumimangot naman ako. May punto naman siya. Hindi naman p'wedeng instant foods nalang kami palagi. Ba't di ko naisip 'yon?

Nag-usap lang kami sa mga bagay-bagay hanggang sa natapos kaming kumain at nagpresenta akong ako nalang ang maghuhugas ng mga pinggan at dumiretso na siya sa hardin na sinasabi niya. Nasa bandang likuran lang naman daw 'yon ng bahay, susunod nalang ako. Pagkatapos kong iligpit lahat ng pinagkainan namin ay sumunod na agad ako sa kaniya sa labas. Nakita ko naman siya agad na nagbubungkal ng lupa.

Hindi naman masyadong mainit kasi makulimlim pa rin ang panahon at maraming matatayog na puno ang nakapalibot. Nang makalapit ako ay nakita ko ang mga pananim niya. Marami-rami na rin pala ang mga 'to. May carrots, kalabasa, kamatis, talong, at iba pa. Siguro ito 'yong isa sa pinagkakaabalahan niya nung mag-isa pa lang siya rito.

"Ano sa tingin mo ang masarap ulamin mamaya?" Sambit niya habang hindi tumitigil sa pagbungkal ng lupa. Bahagya naman akong nag-isip sa sinabi niya. Ano nga ba ang masarap?

"Talong kaya?" Suhestiyon ko saka napatingin sa mga talong na nakalambitin sa kani-kanilang mga sanga. Huminto siya sa pagbubungkal at nakangiting tumingin sa'kin.

Ávrio: Seth & LucasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon