Chapter 18

5 0 0
                                    


HINDI siya makatingin ng diretso sa'kin habang sabay kaming pumepedal sa dalawang bisikletang sinasakyan namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HINDI siya makatingin ng diretso sa'kin habang sabay kaming pumepedal sa dalawang bisikletang sinasakyan namin. Gabi na kasi at hindi ko na maalala kung saan ko naiwan ang sasakyan kaya naisipan naming maghanap nalang ng bisikleta upang mas madali kaming makauwi.

Maliwanag naman ang buwan at may dala ring flashlight si Lucas kaya hindi naman kami nahihirapan sa daan. Nandito na kami sa parte kung saan madilim na mga kakahuyan nalang ang nadadaanan namin. Medyo malapit na rin kami sa kabina kaya konting tiis nalang.

Napatingin ako kay Lucas at Spot na ngayon ay mukhang aliw na aliw na nakasakay sa basket na nakakabit sa harapan ng bisikleta niya. Tahimik lang siya at parang hindi siya mapakali. Hindi ko maiwasang mag-alala at makonsensya. Galit kaya siya?

Kanina pa niya ako hindi kinakausap matapos niyang iyakan ang mga balikat ko. Hindi ko rin nais na magalit pa siya kaya hinahayaan ko nalang siya. Ngunit hindi talaga ako mapakali eh!

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" mahina kong tanong. Sinulyapan ko siya at tahimik lang siya at blangko ang mukhang nakatingin sa daan habang minamaneho ang bisikleta niya. Bakit hindi niya ako kinakausap? Hindi ko alam ang sunod kong sasabihin kaya ibinalik ko ulit ang tingin ko sa daan.

Ang malamig na simoy ng hangin ay malayang tumatama sa mukha ko habang tinatangay ng marahan ang buhok ko. Biglang nagsalita si Lucas.

"Hindi ba't ikaw dapat ang tinatanong ko niyan? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya ngunit diretso pa rin ang tingin sa daan. Hindi ko tuloy alam kung galit ba siya o ano dahil sa tono ng pananalita niya. Walang ka emo-emosyon.

Napalunok nalang ako dahil hindi ko alam ang isasagot. Nakokonsensya ako sa nangyari. Kung sana nakinig lang ako sa sinabi niya na hindi ako lumayo sa lugar edi sana nakauwi kami ng maaga ni Spot at hindi ko mawawala iyong sasakyan. Nakahanap pa sana kami ng maiinom na tubig. Parang nauwi sa wala ang buong araw kong paghahanap dahil mas inuna kong hanapan ng sagot ang mga tanong sa isipan ko.

"Pasensya na," 'yon na lamang ang naisagot ko. Narinig ko siyang bumuntong hininga saka sinabihan akong bilisan nalang ang takbo para makauwi na kami. Kanina ko rin napapansin na parang ang putla niya, ayaw niya lang ipahalata sa'kin. Nag-alala tuloy ako.

Ilang minuto lang din ay nakarating na kami sa kabina. Tanging ang apoy lang sa salas sa loob ang nagbibigay ng ilaw sa bahay. Inilagay namin sa likod ang bisikletang ginamit namin at dumiretso agad sa loob. Pagkakita ko sa sofa ay parang gusto ko agad humiga. Ngayon ko lang naramdaman lahat ng pagod at sakit ng pangangatawan ko. Gusto ko nang matulog. Ngunit kailangan ko pang ayusin ang sarili ko at magbihis dahil sobrang baho ko na siguro dahil sa natuyong pawis sa damit ko nang maghabulan kami ni Spot kanina.

Tiningnan ko si Spot na ngayon ay nakaupo sa ilalim ng mesa sa kusina at hinihintay matapos si Lucas sa paghahanda ng pagkain niya. Pinandilatan ko siya ng mata at bigla naman itong tumakbo papunta sa paa ni Lucas. Kung hindi rin dahil sa kaniya edi sana hindi kami naligaw kanina. Kabanas na aso.

Ávrio: Seth & LucasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon