Chapter 5

6 1 0
                                    


INIHANDA ni Lucas ang isang cargo truck na hindi ganoon kalakihan at may bahid na rin ng katandaan dahil sa ibang parte nitong kinakalawang na

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

INIHANDA ni Lucas ang isang cargo truck na hindi ganoon kalakihan at may bahid na rin ng katandaan dahil sa ibang parte nitong kinakalawang na. May malaking espasyo ito sa likuran kung saan p'wedeng pagkargahan. Ito ang sasakyan namin para mapadali ang pagpunta namin sa sentro ng siyudad kung saan kami kukuha ng mga pangangailanganin namin. May bitbit siyang galon ng gasolina saka nilagyan ang sasakyan.

"Paubos na 'tong gasolinang kinukuhanan ko sa isang refilling station, hindi ko alam kung may iba pang mapagkukuhanan dahil naubos ko na ata lahat," natatawa niyang sambit habang nilalagyan ng gasolina ang sasakyan.

"Bakit hindi nalang tayo maglakad papunta roon? Mukhang malapit lang naman siguro. Itabi mo na lang 'yan para sa mas importanteng bagay," suhestiyon ko pero umiling lang siya. Bakas pa ang basang tubig sa kaniyang makapal at kulot na mga buhok dahil kakatapos niya lang maligo sa lawa kanina.

"Matatagalan tayo, malayo-layo rin 'yon at wala akong tiwala sa panahon ngayon simula nung magkagulo ang mundo dahil sa radiation break. Kailangan nating mag-ingat dahil ano mang oras ay magsisimula na ang epekto ng masamang panahon dito," mahaba niyang paliwanag. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin sa masamang panahon na tinutukoy niya.

"Isa pa, paubos na rin ang baterya nito," dagdag niya.

"Hindi ba natin puwedeng i-recharge 'yan?" Tanong ko. Umiling lang siya ulit.

"Matagal nang nawala ang kuryente sa buong mundo. Lahat ng mga ilaw at iba pang de kuryenteng bagay ay wala nang silbi pa," tugon niya. Kaya pala lampara nalang ang gamit niya bilang ilaw. Sa tingin ko'y kahoy din ang gamit niya sa pagluluto kaya siya nagsisibak ng mga kahoy kanina.

"Bakit may mga radyo ka sa loob? Para saan 'yon? Hindi rin ba gumagana ang mga 'yon?" Patuloy ko sa pagtatanong.

"Ah 'yon ba? May nahanap kasi akong maliit na bateryang gumagana pa kaya nagbaka sakali akong gagana siya kapag dun ko ikabit 'yong mga wires. Nagbabaka sakali rin akong may masagap akong signal mula sa estasiyon sa itaas, baka biglang magkaroon ng himala at magpapadala sila ng sasakyan para muling bumalik dito sa Earth," ibinaba niya ang naubos nang galon ng gasolina saka isinara ang takip nito.

"Sinasabi mo bang nasa kalawakan ang mga tao ngayon?" Natatawa kong tanong sa kaniya. Tiningnan naman niya ako ng seryoso at parang nabigla pa siya dahil parang hindi ako naniniwala sa mga sinabi niya. Dahan-dahan siyang tumango.

"Uhmm oo?"

Hindi ko napigilan ang pagtawa ko. Mukhang hindi naman kasi kapani-paniwala ang mga sinabi niya. Anong space station ang pinagsasabi niya? Pagtingin ko sa kaniya walang bahid ng ngiti o biro ang kaniyang mukha dahil seryoso lang siyang nakatingin sa'kin at parang hindi pa makapaniwalang tinawanan ko lang ang mga sinabi niya.

"Hindi 'yon biro?" Pinigilan ko ang pagtawa ko. Napakagat-labi ako saka yumuko para hindi niya makita ang mukha ko.

"Hindi," simple niyang sagot at parang nawala lahat ng saya sa katawan ko at napalitan 'yon ng pagkalito. Hindi nga siya nagbibiro. Hindi ko maintindihan. Magtatanong pa sana ako pero bigla na niyang tinawag si Spot na kasalukuyang nagpapahinga sa balkonahe sa labas ng bahay. Agad naman itong bumangon at tumakbo papunta sa direksiyon ni Lucas.

Ávrio: Seth & LucasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon