Basketball player siguro.

Ang gwapo pa.

Grabe, ang macho, shocks.

Gusto kong sabihin na, fiancee ako ng lalaking pinagnanasaan nila ngayon. Pero sige, palalagpasin ko yan ngayon. Si Shaun, mawalan ng tagahanga ? How I wish. Hindi joke.

Natapos ang game. Naka-3 rounds, 200 points ? Wow.

Palakpakan ang lahat. Pati ako, hindi ko mapigilan.

Nilingon niya ako at nginitian saka kinabig saka hinalikan. Nagulat ako doon, pero mas nagulat ang lahat ng nasa paligid namin.

"Kita mo yun, baby ? Ang galing ko no ?"

Hala, girlfriend niya pala yun.

Naku, katabi pa naman natin.

Ang ganda niya, parang model.

Bagay na bagay sila.

Napangiti na lang ako sa mga comment ng ibang tao sa likod. Inakbayan ako ni Shaun.

"What's next ?"

"Bump car, please." Favorite ko yun kapag naga-arcade ako nung bata ako, eh.

"Are you sure, matatalo mo ako ?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Watch me." at ako naman ang humalik sa kanya. Natawa siya. We don't care if anybody sees us. Masaya ako. Sobra. Na kasama siya.

Pumila naman kami pagkatapos naming bumili ng ticket.

At pagkatapos ng naunang batch sa amin, it's our turn. Yes. Bubungguin ko siya ng bubungguin. Akala niya, ha.

"Sir, 30 minutes, pwede ? Here's 5,000. Kaming dalawa lang ng fiancee ko ang sasalang." sabi niya sa operator.

Nagulat ang lahat. At lalo naman ako.

"S-sir. Hindi po kasi ako pwedeng tumanggap ng pera. Tsaka, 10 minutes lang po ang allowed, eh. May iba pa pong customers na naghihintay."

"Shaun ... ano ba yang ginagawa mo."

"I just want my fiancee to enjoy this. So, please ? And sa mga customers na nakapila, dito. Sagot ko kayo lahat ng mcdo meal while waiting for us ! Hintayin niyo lang na matapos kami, okay lang ba ?"

Ano bang ginagawa ng lalaking to ? Tss.

Nalingon ko yung mga ibang customers na nasa likod namin. Sa simula nagbubulungan sila.

"O sige ! Payag kami !" sigaw ng lalaki mula sa medyo likuran na.

"O sige, sige ! Call !" sabi na rin ng iba.

Napangiti si Shaun. "Wait here, baby." at nabitawan niya ang kamay ko saka tumungo ng token booth. Nakita kong inabot niya ang ilang piraso ng 1000 bill.

Hindi ko akalaing gagawin niya yun.

He wants me to enjoy this. Hindi ko maiwasang kiligin. Lagi na akong kinikilig sa kanya. Napapadalas na to.

Agad naman siyang bumalik at hinolding hands ulit ako. "Okay na, sir. I've paid in the cashier. May we go in ?"

Napapangiti na Lang ang operator. Siguro iniisip ng lalaking to, nababaliw na tong kasama ko. Magbayad ba naman ng 5000 para lang sa 30 minutes time ng bump car ? Hahaha.

I chose a pink car while he gets the blue one. Nagsuot kami ng seat belt.

"Ready baby ?" nakangiting sabi niya. So, kami lang talaga ang maglalaban ? Hahaha.

You Are Mine (Published Under LIB)Where stories live. Discover now