Nagsalo salo kami sa pagkain matapos naming mag-usap usap. Masaya ako dahil masaya si Alon at sila Nanay at Tatay. Pinag-usapan namin habang kumakain kung paano nakapag pagawa si Deanna ng bahay sa loob ng isang linggo lang.
“Actually, buo na po talaga itong bahay when I bought it. Pina-renovate ko na lang po para mas maging maganda siya.” Sagot ni Deanna sa amin. “Yung interior ng bahay, based po siya sa pinakaunang project ni Ivy before as an architect. Ito po kasi talaga yung plano naming design kahit noong nag-aaral pa lang siya.”
Napalibot naman ako ng tingin sa loob. “Ibig mong sabihin.. tayo na noong college pa lang ako?”
“Yes.” Grabe, ang tagal na pala namin?
Natapos ang salu-salo namin sa bagong bahay at ngayon ay nandito na kami sa bahay. “Mama.”
“Po?” Sagot ko kay Alon na ngayo'y sinusuklayan ko na dahil tapos ko na siyang bihisan.
“Pwede po ba akong matulog sa tabi nila Lolo at Lola bago po tayo lumipat ng bahay bukas?” Napangiti naman ako sa paalam ng anak ko.
Inayos ko na ang buhok niya at itinabi ang suklay. “Oo naman. Mamimiss mo ba itong bahay natin?”
“Sobra po, Mama. Dito na po ako lumaki eh.” Napangiti ako at hinaplos ang buhok niya.
“O siya sige na at pumunta ka na kina Lolo at Lola mo.” Humalik sa pisngi ko si Alon bago kinuha ang unan niya at lumabas ng kwarto. Nasa banyo si Deanna kaya naman inayos ko na lang ang kama ko para komportable ang tulog namin mamaya.
“O? Asan si Alon?” Bungad ni Deanna pagpasok niya ng kwarto. Nagpupunas pa siya ng buhok, naligo pala siya.
Tinuro ko naman sa kabila. “Eh nagpaalam, gusto daw niya tumabi sa Lolo at Lola niya bago lumipat ng bahay.”
“Edi masosolo pala kita ngayong gabi?” Ngisi niya habang palapit kaya naman bahagya akong napaatras at napalunok. Bigla naman siyang tumawa at sinampay na ang twalya. “Kabado ka naman masiyado.”
“P–Puro ka kasi kalokohan.” Ay talaga naman, nautal pa nga. Pahamak talaga ‘tong bibig ko kahit kailan.
Tumabi na siya sa akin nang patayin niya ang ilaw. Para kaming tuod na hindi makagalaw kahit magkatabi lang kami. Alam mo yung pakiramdam na para kang estatwa? Ganon kami ngayon.
“Ivy,” Tawag nito sa akin.
Hindi ko naman inalis ang tingin ko sa kisame. “Hmm?”
“Minsan ba.. naiilang ka sa akin?” Naiilang? Bakit naman ako maiilang? “Kasi siyempre anim na taon ang lumipas tapos bigla akong susulpot sa buhay mo at sasabihing asawa mo ako. Iniisip ko baka naiilang ka sa akin lalo na kapag hindi ko nakokontrol yung sarili ko, yung kilos ko.”
Umayos naman ang ng higa at humarap sa pwesto niya. Inunan ko ang mga kamay ko habang nakatingin sa kaniya. “Hindi naman ako naiilang sa'yo. Siguro ganoon talaga yung pakiramdam ng isang asawa, magaan ang loob kahit na hindi ka naaalala ng utak ko.”
“Paano kung.. paano kung bumalik o dumating bigla yung ama ni Alon? Anong gagawin mo?” Tanong niya nang makaharap din siya sa pwesto ko.
Ngumisi naman ako. “Hindi na ako babalikan non. Nagawa nga niya akong itapon sa dagat eh, panindigan pa kaya yung anak niya?”
“Ano?” Kunut-noong tanong niya.
“May paonti onti kasi akong naaalala doon sa nangyari sa akin bago ako makita nila Tatay. Para bang may bisyon ako na pinagsamantalahan ako bago ako tinapon sa dagat.” Mapait kong sambit. Kita ko naman na mukhang nasaktan siya sa narinig niya. “May nakikita din akong parang.. babae? Na buhok lalaki? Na sinasaktan ako tapos.. ang naaalala kong sinasabi niya sa akin ay kaniya lang daw ako.. Hindi mo daw ako maaagaw sa kaniya.. mga ganon.”
Bumalik nanaman sa pagkunot ang noo niya. “Sa totoo lang, D, minsan pinagdadasal ko na sana ang maalala ko naman ay yung alaala ko lang sa'yo mismo at sa nga taong mahal ko. Kahit kako hindi ko na maalala kung ano ba talagang nangyari sa akin bago ako ihagis sa dagat.”
“Masalimuot kasi. Kahit sino hindi gugustuhing maalala yung pangyayaring yon.” Sambit ko at saka nagkibit balikat. “Pero kung hindi na rin naman talaga babalik ang alaala ko, ayos lang din sa akin. Sabi nga ni Nanay pwede naman tayong gumawa ng bagong alaala diba?”
Tumango naman siya sa akin. “Oo naman. Nandito lang naman ako palagi para sa'yo. Maalala mo man ako o hindi na, ang importante kasama na kita ulit.”
“D..” Tawag pansin ko sa kaniya. “..paano mo ba ako minahal dati?”
Ngumiti naman siya sa tinanong ko. “Sige, simulan natin dito.” at hindi na nga ako nakapalag pa nang unti unti niyang nilapat ang mga labi niya sa mga labi ko.
_______________________________________________________________________________
Hi, guys!
First of all, I would like to sincerely apologize for delaying this book's update and focuses on other things like my tiktok AUs and such. It's been a long time since I wrote an update and left you all hanging.
I was too busy to create another persona and write other stories without even ending these stories first. I was also busy focusing on my studies kaya nawala na din sa isip ko yung plot ng kwentong ito.
As a gift for all of my readers, I wanted to finish this book until this coming January para lahat ng sumubaybay sa kwento ni Miss Sungit at Kulit ay magkaroon na ng peace of mind at kalinawan sa mga nangyari sa buhay nila.
I also wanted to thank all of you for patiently waiting na makapag-update ako at matuloy itong kwento dito sa platform na ito. Thank you so much for your unending support for these characters. I will forever cherish your support and efforts to read my books and stories.
Again, maraming salamat sa pagsubaybay sa kwento nilang dalawa at sana'y makapag hintay pa kayo ng konting panahon hanggang sa matapos ang kwento ng buhay nilang dalawa 🤍
– Seven
BINABASA MO ANG
Red Strings
FanfictionAs Ivy graduated Architecture in National University, the last piece on her puzzle is still nowhere to be found. Being an organizer is her job aside from being an Architect. She grew to love organizing events, but what if one day.. a new client pops...
Red Strings 28
Magsimula sa umpisa
