Red String 12

1.6K 66 19
                                        









I V Y

"Ganito, Adi oh." Tinuro niya ang tinutukoy niya kaya tinignan ko iyon maigi. "Ilelevel dito yung sink para hindi masyadong mababa."

Tatlong buwan na akong nandito sa New York at heto nga't cinoconstruct na ang bahay na pinagawa ni Deanna para kina Tita Judin. Sila Ate Nicole at Ate Cy kasi ay hindi na nag-asawa, nag focus na lang sila sa pag-aalaga kina Hayley at Adie. Nung makita nila ako ay tuwang tuwa silang dalawa. Matagal daw nilang hinintay na magkabalikan kami ng kapatid nila eh.

Ako din po, Mga Ate hehe.

Tumango tango ako kay Deanna. "Sige, Adi. Kausapin ko si Engineer Lopez mamaya para dito." Sagot ko sa kaniya.

Nandito kasi kami sa isang restaurant dito sa New York. Naging favorite namin 'tong resto simula nung makita namin ang couple na owner nito. Kamukhang kamukha kasi naming dalawa at kapangalan din. Halos hindi kami makapaniwala ni Deanna nang mameet namin sila kaya ininvite nila kami dito sa resto nila. Ang sarap nga magluto nung owner eh, Deanna din ang name niya eh. May kakambal daw siya, Deanne naman ang name.

"Azi! Keith!" Napalingon kaming dalawa ni Adi sa tumawag sa amin at nakita namin si Deanna at Ivy. Ano ba to, nakakalito talaga! "Kanina pa kayo dito?"

Tumango naman si Adi sa kanila. "Nag-uusap lang kami ni Adi tungkol sa bahay na pinagagawa ko. Kakarating niyo lang?"

"Oo, Azi." Sagot ni Ivy bago bumeso sa akin. "Gumaganda ka lalo, girl! Blooming ah?"

Natawa naman ako. "Huy hindi no. Ikaw? Parang nagkakalaman ka ata? Bagay sa'yo, girl!"

"Oo, Keith." Sagot ni Deanna sa akin at niyakap si Ivy. "We're having a baby boy na kasi."

Nanlaki naman ang mata ko at napatakip sa bibig ko. "OMG! Congrats!"

Nakipag kwentuhan lang kami sa kanilang dalawa hanggang sa di na namin namalayan ang oras at hapon na pala. Nagpaalam din kami sa kanila kasi pupuntahan pa namin ni Deanna yung site. Hindi ko na natawagan si Engineer kaya pupuntahan na lang namin.

"Adi.." Tawag niya sa akin kaya naman napalingon ako sa kaniya. Nandito na kami kasi sa sasakyan at papunta na sa site. "I love you."

"Ang random ha? I love you more, Adi." Sagot ko dito at binigyan siya ng halik sa labi. Nagmaneho na siya papunta sa site pero napansin kong iba ang daan namin. "Saan tayo pupunta, Adi?"

Ngumiti naman siya sa akin at kinuha ang kamay ko saka hinalikan ito. Hindi na ako nagtanong dahil baka gusto niyang isurprise kung saan kami pupunta. Ilang minuto pa ay pumasok kami sa isang.. sementeryo?

Parang alam ko na kung bakit kami nandito.

Naunang bumaba si Deanna at pinagbuksan ako ng pinto. Bumaba naman ako at nilabas niya ang isang basket ng bulaklak, hindi ko napansin to kanina ah?

Sumunod lang ako sa kaniya papasok hanggang sa nakarating kami sa taas, paangat kasi yung sementeryo. Huminto si Deanna sa harap ng isang lapida kaya tumabi ako sa kaniya.

Si Tito.

Umupo siya sa lapag kaya umupo din ako. Nilapag niya ang basket sa gilid ng lapida ni Tito bago ito pinagpagan. "Hi, Pa. Sorry ngayon lang ako ulit nakadalaw ah? Naging busy kasi ako sa company at sa pinapagawa kong bahay natin."

"Last na punta ko dito, wala akong kasama pero ngayon meron na." Nakangiting kausap niya sa lapida habang hinahaplos ito. Kinuha niya ang kamay ko at tumingin sa akin. "Pa, kasama ko na ulit yung favorite manugang mo. Sayang lang kasi hindi mo siya naabutan ulit pero okay lang kasi hindi naman na kami maghihiwalay nito-- unless, gusto niya pang maghanap ng kapalit ko--"

Red StringsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ