Red Strings 14

1.2K 59 18
                                        









I V Y

Tatlong linggo na kaming hindi nag-uusap ni Deanna. Naging busy kasi ako sa site dahil yung second floor na ang cinoconstruct doon. Siya din naman busy na, hindi ko alam kung sa trabaho ba nya o doon kay Jovelyn bahala siya sa buhay niya.

Kausap ko ngayon si Carly, nangangamusta kasi. Gusto din daw ako makita ni Cadeann eh

"Mimi, where's Dada pala?"

Sumisilip pa bahagya si Cadeann, akala siguro niya nandito si Deanna. Umiling naman ako sa kaniya. "Dada is busy, baby. Nasa office ang Dada eh."

"Please tell her I miss her too so much!" Tumango naman ako sa kaniya habang nakangiti. "Mimi, I'll give the phone to Mommy na po ha? Take care, Mimi! I love you and Dada!"

"We love you too, Baby Cade." Sagot ko. Nakita ko namang inabot niya kay Carly ang phone.

"Hoy bakla, kausap ko nga pala si Deanna kahapon." Bungad ni Carly sa akin at tumango lang ako. "Bakit hindi kayo nag-uusap?"

"Busy kami pareho." Sagot ko sa kaniya, yung tingin naman niya ay parang nagdududa. "Focused ako sa pagpapagawa ng bahay niyo dito no. Ang ganda na nga eh, second floor na yung ginagawa."

Umiling iling naman siya. "Ano ba kasi pinag-awayan niyo? Ayaw din sabihin sa akin ni Deanna kung ano pinag-awayan niyo. Tanungin daw kita."

"Nagsinungaling kasi sa akin. Alam mo naman at alam niga namang ayoko non." Mahina kong sagot. "Three days na siyang hindi umuuwi non kasi ang sabi niya may meeting daw sa Miami, tapos makikita ko nandito lang pala sa New York kasama ex niya."

"Sinong ex? Si Jema?" Kunut noong tanong ni Carly.

Umiling naman ako. "Yung Jovelyn. Ex niya dito sa New York. Diba nabalita pa nga sila noon? Kalat na kalat kaya video nila noon sa social media."

"Ah si Jovs. Eh bakit daw nandyan pala siya?" Nagkibit balikat naman ako.

"Ayoko muna siyang kausapin. Hindi pa humuhupa inis ko sa kaniya baka kung ano pang masabi ko." Sagot ko naman. Tumango tango lang naman si Carly.

"Hayaan mo, Ivy. Kausapin ko si Deanna." Umiling naman ako.

"Wag na, be. Hayaan mo siya. Kung gusto niyang makipagbati at talagang hindi siya guilty, may paraan naman. Wala eh, umiiwas din kasi siya." Malayo ang tingin kong sagot. "Kung anong gusto niya, yun na lang susundin ko."

Nagsasalita pa si Carly nang mapakunot ang noo ko habang nakatingin sa malayo.

"Huy, Ivy! Natulala ka na diyan." Natauhan naman ako sa sinabi ni Carly at agad nilipat sa back camera ang video call. Kitang kita naming dalawa kung paano niyakap ni Deanna si Jovelyn nang makalabas sila sa isang shop, may bitbit pa silang dalawang paperbag. "OMG ka, Deanna Wong!" Rinig kong bulalas ni Carly.

Napahilot ako sa sentido ko at binalik na sa harap ko ang cam. "Pupunta na muna ako sa site, Carly. Call kita pagdating ko doon, papakita ko sa'yo yung bahay."

"Huy, te. Okay ka lang?" Nag aalalang tanong niya. Ngumiti naman ako at tumango kaya nagpaalamanan na kaming dalawa.

Lumabas ako ng shop at dumeretso sa sasakyan. Pupunta na lang talaga ako sa site. 2 months pa na natitira para sa bahay, kakausapin ko na lang si Engineer Lopez kung kaya na nilang tapusin yon in a month dahil uuwi na ako ng Pinas.

Red StringsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant