I V Y
"Hindi kami ikakasal ni Carly, Adi.." Sigaw niya na nakapag patigil sa akin sa paglalakad. Anong ibig niyang sabihin? "Mali yung iniisip mo--"
"I don't wanna hear it anymore, Deanna." Sagot ko at napahilamos sa mukha ko saka humarap sa kaniya. "Ke ikasal kayo o hindi, I don't fucking care anymore. Ayoko na, ayoko nang maubos nanaman ako."
Bumuhos nanaman ang mga luha ni Deanna hanggang sa nakapasok na ulit siya ng gate at lumapit sa akin. Hinawakan niya pareho ang mga kamay ko at hinalikan ito. "Please just give me a chance again, Adi. Babawi ako sa'yo. Sa lahat ng pagkukulang ko, pagkakamali ko. Gagawin ko lahat, mapatawad mo lang ako, Adi please."
"Deanna, hindi mo ba ko naiintindihan?" Ngawa ko sa kaniya. "Ayoko na. Tama na yung limang taong binigay natin sa isa't isa. Lagi na lang akong nasasaktan pag minamahal kita eh. Wala nang tigil yung mundo sa kakaparuda sa akin dahil sa ginawa ko sa'yo noon. Wag mo naman akong gantihan oh? Parang awa mo na, ayoko na.'
"Napapagod na ako. Sirang sira na ako. Bibigay nanaman ako sa'yo tapos ano? Kung kelan asang asa na ako sa'yo, bigla ka nanamang mawawala?" Humihikbi kong sambit sa kaniya. "Pagod na kong.. habulin ka. Pagod na kong hanapin ka kapag nasasaktan ka.. Nagsisi ako sa ginawa ko sa'yo noon pero alam mong hindi kita niloko.."
"Hindi kita ginagantihan, Ivy. Gusto ko lang na maging maayos tayo ulit.." Lumuluhang sagot niya na dahilan para lalong kumirot ang puso ko.
Sa totoo lang, ang sakit sakit makita siyang umiiyak sa harap ko. Ang sakit maramdaman na nasasaktan siya. Pero pagod na ko.. pagod na kong masaktan, pagod na kong maiwan.
Ssrkastiko naman akong natawa saka pinunasan ang luha kong walang tigil sa pag agos. "Kayong mga mahilig mang iwan.. akala niyo ba pag iniiwan niyo kami, nasasaktan lang kami? Akala niho ba pag bigla kayong naglalaho, nalulungkot lang kami? Namimiss lang namin kayo?"
"Sana nga ganun lang kadali." Dagdag ko, halos hindi ko na siya makita dahil tuloy tuloy ang pag agos ng luha ko sa mga mata ko. Nasa tabi ko na pala si Cait habang si Bea naman ay nakahawak kay Deanna. "Sana nga nung iniwan mo ko, paggising ko okay na. Hindi na masakit.. hindi na paulit ulit yung tanong sa utak ko.. Bakit niya ako iniwan? Anong mali sa'kin? Ano bang ginawa ko? Hindi ba ko naging sapat? Kulang ba yung pagmamahal na binigay ko? Hindi ko ba naparamdam na mahal ko siya?"
Hindi siya nakasagot sa sinabi ko. "Akala ko din ganun kadali eh. Akala ko ganun kadali yung paglaho mo.. pero taon. Tatlong taon, Deanna. Tatlong taon kang wala, ni hindi ko alam kung buhay ka pa ba o humihinga ka pa ba.. You fucking left me, when I needed you the most.. Nung huli tayong nag-usap, alam mong namomroblema ako sa grades ko diba.. Alam mong nagbabanta si Mama sa akin nung panahon na yon at ikaw lang ang tanging taong pinagsabihan ko pero anong ginawa mo? Wala. Para ka na lang pumutok na bula, naglaho bigla."
"Birthdah ko.. birthday ko kinabukasan non, hinihintay kitang tumawag o mag text man lang.." Hindi ko na kinakaya yung sikip ng dibdib ko sa lahat ng salitang binibitawan ko dahil naaalala ko nanaman yung sakit at nararamdaman ko nanaman yung sakit. "..t*ng*na, nagmukha kong tanga kakahintay sa wala. Araw araw kitang hinintay, magsabi ka man lang na aalis ka, o may gagawin ka kaya matagal kang di babalik pero wala akong narinig na kahit ano mula sa'yo. Kahit man lang tuldok sana, pero wala eh. Ni hanggang ngayon, wala kang sinasabi tungkol sa pagkawala mo. Yung mahal ko, parang yung buhay ko. Unti unting naglaho."
YOU ARE READING
Red Strings
FanfictionAs Ivy graduated Architecture in National University, the last piece on her puzzle is still nowhere to be found. Being an organizer is her job aside from being an Architect. She grew to love organizing events, but what if one day.. a new client pops...
