Red String 6

1.6K 78 43
                                        











I V Y

Ilang araw na ang nakalipas mula nung maglasing ako at nagising kinabukasan na katabi si Deanna. Ang kwento niya ay nung makita niya ang post ni Bea ay agad siyang nagpunta sa bar para sunduin ako pero dahil may usapan kaming hindi dapat malaman ni Bea na kami ay nagpanggap daw siya na nauna na siya doon.

Mula non ay dumistansya din muna ako sa kaniya. Masakit para sa akin yung nangyari sa condo nung araw na yon. Muntik na akong mahuli ng fiancée niya kaya gusto kong mag lie low muna sa amin. Pinaliwanag ko naman sa kaniya yon nang maayos at naintindihan niya.

Buti nga ako nageexplain eh. Siya hanggang ngayon wala pa rin explanation sa pang-iiwan niya.

Ngayon ang araw na magcecake tasting kami ni Carly. Kami lang ang magkasama kasi si Deanna ay may lakad daw. Ewan ko kung saan siya pupunta, hindi naman niya sinasabi. Hindi rin naman ako nagtanong dahil ayokong maging mausisa.

"Miss Keith, tara na po?" Sinama ko si Kath dahil ayokong humarap nang mag-isa kay Carly. Nahihiya ako, nakukunsensya ako, at natatakot ako na baka may malaman siya. Ang hirap ng ganitong sitwasyon, sa totoo lang. Simula nang maging kami ni Deanna ay wala na akong ibang naramdaman kundi takot at konsensya. Takot na baka malaman ni Carly ang relasyon namin at nakokonsensya dahil alam ko namang hindi deserve ni Carly na lokohin siya katulad nang ginagawa namin.

Hindi lang kasi si Carly ang niloloko ko, pati na din ang anak nila.

Madalas kasing magpunta si Cadean sa office para makipag laro sa akin at kada kasama ko siya ay binabalot ng konsensya ang puso ko dahil parang inaagawan ko siya ng ama sa ginagawa ko. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang panindigan si Deanna, hindi ko na alam.

Nakarating na din kami ni Kath sa cake shop. Nandon na ang sasakyan ni Carly kaya gumapang na ang kaba sa dibdib ko. Ganito na lang ba ako lagi? Kada nakikita, naririnig o nakakasama ko si Carly, babalutin na lang ako lagi ng takot at kaba.

"Hi, Ivy! Buti naman nakarating kayo." Nakangiting bati ni Carly sa akin at bumeso pa. "Na traffic din kayo?"

Umiling naman ako habang nakangiti. "Hindi naman, mabilis nga byahe namin eh."

"So.. tara? Let's start na?" Aya niya. Kinausap na namin ang may-ari ng shop para ilabas ang mga flavor ng cakes. Isa isa naming tinikman yon at lahat naman masarap. "Anong nagustuhan mong flavor, Ivy?"

Napaisip naman ako at tinuro ang mocha flavor. "I actually like this too. Ito na lang kukunin kong flavor sa cake ko, Miss."

Inasikaso na ng store ang mga cakes at kinausap kami ni Carly para sa designs. Nakapili din naman si Carly sa tulong namin ni Kath at tuwang tuwa naman siya dito.

Biglang nag ring ang phone ni Kath kaya napatingin kami sa kaniya. "Excuse me po, Mga Ma'am. I'll just answer this."

"Sure, Kath!" Sagot ni Carly at tumango naman ako kay Kath saka siya naglakad palabas. Maya maya ay binigyan kami ng coffee and cake ng owner ng shop nang matapos kaming mag-usap.

"Are you okay, Ivy?" Napaangat naman ako ng tingin sa kaniya. Ngumiti sabay tumango. "You look like you have so many problems recently. Are you sure you're okay? May problem ba?"

Umiling naman ako. "I'm just stressed these days, just about workload I guess."

"Don't worry, Ivy. I'm sure Deanna will take care of you in case na mag burnout ka." Natigilan naman ako sa sinabi niya at gumapang na ang kaba sa dibdib ko. Putcha, anong sinasabi niya? "What? Did I say something wrong? Tama naman ako diba?"

Red StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon