Red String 9

1.4K 55 6
                                        









"I guess.. here we are again." Mahinang sambit ni Deanna habang nakatingin sa airport sa harap namin. Familiar place, familiar scene. Ganitong ganito yung pakiramdam noong hinatid namin siya nila Bea sa airport 7 years ago.

Ang pinagkaiba lang.. kaming dalawa lang ngayon ang nandito.

Bahagya naman akong ngumiti. "Will you be okay there?" Tumango naman siya.

"Alagaan mo sarili mo, Ivy." Sambit niya habang nakatingin sa akin at nakangiti. "This won't be our last meeting, I promise you. I'll find you in the future and I will do everything to be with you again."

Tumango naman ako. "Ikaw din, take care of yourself. I promise you also, pag nagkita tayo I am healed and I am very much healthy kaya dapat ikaw din."

"Let's meet in the future?" Nakangiting tanong niya at tumango naman ako.

"Let's meet in the future, Adi." Sagot ko. Hinigit naman niya ang kamay ko at binigyan ako ng yakap. Sinandal niya ang ulo niya sa dibdib ko kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataong bigyan siya ng halik sa kaniyang ulo.

Hinaplos ko ang buhok niya at saka kami kumalas sa isa't isa. "I love you, Deanna."

"I love you more, Ivy." Sagot niya at hinaplos ang pisngi ko. "..and I'll love you forever."

"Wala namang forever eh. Aalis ka nga oh?" Sambit ko at nagtawanan kaming dalawa.

Inipot niya ang buhok ko sa likod ng tenga ko. "Babalik ako, Adi. Babalikan kita.. kaya sana, pahilumin mo na yung sakit sa puso mo."

"I will, Adi. I will." Sagot ko. Nagpaalam na siya sa akin at naglakad na papasok sa airport. As much as I wanted to keep my smile, I still couldn't control my tears to fall. Masakit but we had to in order for us to finally move on.

'Til our next time, Adi.

"Ivy? Yuhoo?" Natauhan naman ako at napatingin kay Carly na nasa harap ko at nakataas ang kilay. "Tulaley ka diyan, girl. Ganyan ba talaga epekto nang walang jowa?"

Napairap naman ako sa kaniya. "Ang yabang mo ha? Porket kasal ka na diyan."

"Hay nako, be. Eh kasi naman, bakit di mo puntahan si Deanna sa US? Alam naman namin saan siya nakatira, ikaw lang 'tong may ayaw." Irap niya pabalik kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Hello? It's been 3 years simula nung last time na nandito siya sa Pinas. Wala ka bang balak na makita siya ulit?"

Nakita ko namang tumango si Cadean sa tabi no Carly. "Oo nga po, Tita Pretty. Para naman po happy ka na din pag nagkita kayo ni Dada. Ayaw niyo po bang maging happy?"

"Happy naman ako, Baby Cade. Siyempre nandito kayo eh, lalo na ikaw. Happy naman ako sa'yo ah?" Nakangiting sagot ko sa kaniya kaya napangiti siya.

"Pero, Tita. We both know you'll be more happy pag nakita mo ulit si Dada D." Sagot ni Cade sa akin. "If I make you happy, Dada will make you the happiest."

Red StringsWhere stories live. Discover now