I V Y
"Magbabakasyon kami ni Carly sa Subic, Adi." Paalala ni Deanna habang nandito kami sa kama at nakahiga. It's been three days simula nung nag gown and suit fitting sila. Sunday ngayon and it's my rest day kaya nandito ako sa condo ni Deanna.
Napatango tango naman ako. "Ilang araw kayo doon? Kasama ba si Cadean?"
"Hindi eh, kaming dalawa lang ni Carly." Para namang gusto kong pigilan siya dahil sa sinabi niya. Siya.. si Carly.. dalawa lang sila? "Don't worry, Adi. I told her na I'll invite you, Bei, Cait and if you want, sila Seraphine and Nice and si Kath."
"Talaga? Will you be okay with.. Sera? You know the pa--" I was shut up by her kiss ano pa ba. Masyadong feeling kiss deprived ang Adi ko kaya panay ang halik sa akin.
Ilang taon daw kasi siya naghintay para mahalikan lang ako ulit.
Hinaplos naman niya ang pisngi ko. "I'm fine with her, Adi. Sera actually talked to me 6 years ago. Nagpunta siya sa US to talk to me and apologize personally. Kaya wala na akong grudges against her."
"I'm glad you're both okay, Adi." Sagot ko. Nilalaro ko ang kamay niyang malambot. "I'll definitely come. Sakto din kasi na need kong magpunta doon since ginagawa yung resto ni Van diba."
Tumango naman siya at hinalikan ang noo ko. "I want to see his resto too. I wanna see your work."
Buong araw lang kaming tumambay sa condo niya. Nakaupo kami sa couch nang biglang may kumatok sa pinto. Ako na ang nagpresinta at tumingin muna sa peephole. Oh shit! "Adi! Carly's here!"
"What?!" Gulat niyang tanong kaya napatakbo ako sa kwarto at napatagi na ilalim ng kama. Guest room ito and good thing mahaba ang comforters ni Deanna dito kaya natatabunan ako dito sa ilalim. No one would actually try to peak what's under those sheets.
"Carly? What brought you here?" Rinig kong tanong ni Deanna sa kaniya.
"Wala naman, gusto ko lang tumambay dito. Kakahatid ko lang kay Cadean sa school eh." Sagot naman ni Carly sa kaniya. "I miss your condo too. Can I sleep here tonight?"
"No!" Nagulat din ako sa bulyaw ni Deanna. Shuta! Pano kung magpumilit to?! "I mean, ikaw. If you want kaya lang di pa ako nakakapaglinis here. Alam ko namang clean freak ka."
"It's fine. I can clean here naman." Sagot ni Carly. "Besides, we're going to be a family soon kaya I'm gonna practice by cleaning your condo first."
"No, Carly. It's really fine. You can sleep here next time--" Hindi na ko nakinig sa kanila at inabot ang phone ko. I sent a text to Carly saying 'Hi, Carly! I already have a sketch for the venue. Can we meet now? If you're free lang naman 😊' para lumabas siya ng condo. I need to get out of here.
"Oh wait, Deans." Mukhang nakita niya na ang message. "Your ex messaged me. She wanted to meet us daw, may sketch na sya ng design para sa venue."
"Ha? Talaga?" Rinig ko pang pagdududa ni Deanna. Hindi naman kasi niya ako nakikitang nagsesketch nung mga nakaraang araw kaya akala niya siguro wala pa akong sketch. "Kasama ba ako?"
"Of course! Pwede bang hindi?" Sagot ni Carly. "Take a bath na and I'll go to your room first at doon ako tatambay. I'll open your ac ha?"
"Sure, sige." Narinig ko naman ang pag bukas at sara ng pinto sa kabilang kwarto kaya lumabas na ako sa ilalim ng kama. Binuksan ko ang pinto at tinignan kung nandoon ba si Carly sa labas. No traces of her kaya naman lumabas na ako dala dala ang bag at phone ko. Nasa cr na din si Deanna kaya tumakbo na ako papunta sa pinto at lumabas. Sa fire exit ako dumeretso at agad bumaba ng sandamakmak na hagdan. Nang mapagod ako ay naupo ako saglit sa hagdan at tinignan ang sarili ko.
YOU ARE READING
Red Strings
FanfictionAs Ivy graduated Architecture in National University, the last piece on her puzzle is still nowhere to be found. Being an organizer is her job aside from being an Architect. She grew to love organizing events, but what if one day.. a new client pops...
