"Care to share why you're spacing out?"
Natauhan ako nang marinig ko ang boses ni Nice. Nandito nga pala siya sa office ko at nanggugulo. Ngumiti naman ako sa kaniya at bumuntong hininga. Nice is a friend of mine. Schoolmate ko siya sa NU nung college at isa na siyang Doctor ngayon. Break time niya ngayon kaya dumaan siya dito. Katabi lang kasi ng office ko ang hospital na pinagtatrabahuhan niya kaya naman madaling madali lang para sa kaniya na bwisitin ako halos araw-araw.
Nice is Seraphine's girlfriend. Akalain mo nga namang nagkaroon na ng totoong partner yung mokong na yon. Akala ko habang buhay na lang niya akong bibwisitin eh, well pumalit naman yung gf niya. Bebe time nila yung pambibwisit sa akin. Bagay nga talaga silang dalawa.
I leaned on my swivel chair and crossed my legs. "Iniisip ko lang yung nangyari sa Baguio."
"Girl, it's been two weeks since that Baguio thing happened." Umikot naman ang mata niya and she crossed her arms too. Alam kasi niya ang tungkol sa amin ni.. alam niyo na. Siyempre kinwento ni Seraphine, madaldal yon eh. "Hindi ba nagparamdam sa inyo nila Beatriz yung ex mong ghoster?"
Umiling naman ako. "Not once." Minsan iniisip ko, bakit ko ba siya iniisip? Inisip niya ba ako nung iniwan niya ako sa ere? Tapos ngayon ako tong sobrang bothered na nakauwi na siya ng Pinas.
Ano naman kung nandito na siya diba? Sino ba siya sa akala niya? Siya lang naman yung ex girlfriend ko for 5 years na nagpropose sa akin 7 years ago at ghinost ako after 4 years of staying in US. Akala naman niya affected ako?
Oo naman, hindi pa ako nakaka move on eh.
"I'm guessing.. you still have feelings for her?" Hindi naman ako nakasagot kaya umirap nanaman siya at kulang na lang ay batuhin ako ng stethoscope na nakasukbit sa leeg niya. "Keith, that woman ghosted you for 3 years. Hanggang ngayon hindi mo pa rin siya kinakalimutan? Ano bang meron yang ex mo at hindi mo malimot limot? Girl, she already have her family. Wag mo naman gawing kaawa awa sarili mo just because she came back."
Bumuntong hininga naman ako, "Marami eh." at umirap nanaman siya sa akin. Hindi ba siya nahihilo kakairap niya?
Sabagay, ako nga noon panay ang irap din pero di naman ako nahilo.
"Nakalimutan mo na ba yung ginawa niya before she even left?" Taas kilay niyang tanong sa akin kaya napatingin ako sa kaniya. "Nag-uwi siya ng iba't ibang babae sa bahay niyo, Girl. To think that you didn't even cheat on her and yet she cheated on you multiple times to multiple girls kasi hindi naman kayo nagbreak non."
Kumunot naman ang noo ko sa tinuran niya, "Kasalanan ko naman yon kung bakit ganon ang ginawa niya-- and please, kasalanan ng girlfriend mo lahat yon."
"Hay nako, Keith. I sometimes wish that you'll bang your head hard so you'll forget everything about your ghost ex." Sinamaan ko naman siya ng tingin pero ngumisi lang siya sa akin. "Awoo, bitch."
"Pumunta ka lang talaga dito para sermunan ako, Mama Nice?" I sarcastically said and rolled my eyes on her, and she rolled hers too.
Naghair flip siya bago tumayo at inayos ang coat niya. "Utang na loob, Keith. Stop thinking about her already, ikaw ba inisip niya nung iniwan ka niya sa ere? Save yourself some respect. I'm going back to the hospital na." Bumeso siya sa akin bago lumabas ng office ko. Napahilot na ako sa sentido ko, kailangan ko ng malamig na drink now.
I picked the telephone up and dialed Kath's phone. "Kath, I'm going downstairs to get some drink sa SB ha?"
"Sure, Miss Keith." Sagot niya kaya naman nagpasalamat ako sa kaniya at binaba na ang telepono. Lumapit ako sa full body mirror dito sa loob ng office ko at sinara na lang ang butones ng coat ko. Naka suot ako ng black na tank top sa loob na naka tucked in sa black wide pants at pinatungan ko ng black fitted coat. Binagayan ko ito ng black stilletos at lugay kong buhok.
BINABASA MO ANG
Red Strings
FanfictionAs Ivy graduated Architecture in National University, the last piece on her puzzle is still nowhere to be found. Being an organizer is her job aside from being an Architect. She grew to love organizing events, but what if one day.. a new client pops...
