Red String 2

1.9K 81 52
                                        












I V Y

"Good morning, darling!" Bati ni Caitlyn pagpasok nila ni Beatriz dito sa office ko. Tumayo ako at bumeso sa kanila, nilapag naman nila ang bitbit nilang pagkain sa center table sa may mini living room dito sa office.

"Hey, guys. Kumusta? What brought you here?" Tanong ko sa kanila. Naupo kami sa may couch at nagsimulang kumain.

Makahulugan naman akong tinignan ni Beatriz. "Well.. may nagkwento kasi sa amin na our dear friend accepted her ex as her client.. is that true?"

"Yes.." Sagot ko. Hay nako, Vernice Garnea Herrero. Paka sumbungera talaga kahit kelan. "I need to be professional, Bei. You know I don't use my personal feelings when it comes to my work."

Malungkot namang ngumiti si Caitlyn sa akin. "Will you be okay? Darling, malaking sugal to para sa puso mo. Ikaw ang mag oorganize ng wedding ng ex mo mismo."

"I know, I know. It's just that.. I couldn't really refuse them." Mahinang sagot ko. "I'm doing this for the sake of their son.. si Cadean--"

"Ha?! May anak na sila?!" Gulat na tanong nilang dalawa. Ay shet, oo nga pala. Hindi ko pa pala nakwento sa kanilang lahat na may anak na sila ni Carly. Napasapo naman ako sa noo ko. "Panong--"

"Hindi ko rin alam. Yung anak nga nila ang dahilan kung bakit nakita ko ulit si Deanna." Sagot ko habang pinaglalaruan ang singsing ko. "Nahanap ko yung bata sa likod ng isang bahay na pinuntahan ko. Umiiyak siya, sabi nya nakabitaw daw siya sa Dada niya. Kaya ayon, siya pala yung Dada nung bata."

Sasagot na sana si Caitlyn nang makarinig ako ng katok. "Pasok!"

"Miss Keith?" Bungad ni Kath nang buksan niya ang pinto at pumasok siya. "Cadean and Miss Deanna is here po. Gusto ka daw po kasi bisitahin ni Cadean."

Nagkatinginan naman kaming tatlo nila Beatriz at Caitlyn. What an unexpected reunion..

"Sure, Kath. Let them in." Sagot ko. Tumango naman si Kath sa akin at binuksan nang malaki ang pinto. "Hi, Baby Cade!"

"Ate Gandaaaaa!" Masayang bati ng bata at tumakbo palapit sa akin.

"Deanna Wonggggg!" Tili nila Beatriz at Caitlyn saka sila patakbong nagyakapan sa isa't isa. "Gago ka, tol! Namiss kita!"

"Namiss ko din kayo." Sagot naman nung isa. Nagkatinginan naman kaming dalawa at agad siyang ngumiti sa akin. Lumapit siya at halos manigas ako sa kinauupuan ko nang makipag beso siya sa akin. "Hi again, Ivy. Sorry ha? Napasugod kami. Ito kasing si Cadean nag-aaya na puntahan ka daw dahil gusto niyang makipaglaro sa'yo. Si Carly kasi nasa work eh kaya ako lang kasama ni Cade."

Ngumiti naman ako at tumango. "Okay lang, wala naman ata akong meeting ngayon. May meeting ba ako today, Kath?" Pinanlakihan ko naman siya ng mata kaya natawa si Kath.

"Yes, Miss Keith. Wala po." Sagot ni Kath at nag mouth sa akin ng 'I'll cancel all of your meetings, Miss Keith.' Maaasahan talaga tong si Kath kahit kailan eh, kaya siya na ang secretary ko mula pa nung wala pa akong office.

Si Kath, or Katherina Vonne Arabejo, ang dating manager sa isang branch ng store namin. Yes, siya ang kinuha kong secretary ko dahil alam ko namang maaasahan siya at ayoko nang maghanap pa ng iba. Kaya alam na alam niya ang pinagdaanan ko noong kami pa lang ni Deanna, syempre dati niyang boss si Deanna eh at yun pa ang madalas na nasa store dahil nag-aaral pa ako.

Vonne dati ang tawag namin sa kaniya pero simula nung hindi ko na ginagamit ang Ivy sa name ko ay gusto din niya na ibahin na ang tawag sa kaniya. Doon kami nagkasundo eh, para ko na din kasing kapatid at bestfriend si Kath. Maaasahan talaga.

Red StringsWhere stories live. Discover now