Red Strings 26

1.1K 55 14
                                        






I V Y

Nagising ako at napatingin sa paligid ko. Magkatabi na kami ni Alon dito sa kutson ni Deanna. Wala na si Deanna kaya naman kinumutan ko si Alon at lumabas na ako ng kwarto. Nilibot ko ang mata ko para makita si Deanna pero wala siya dito sa labas. Naabutan ko lang si Tatay na nag aalmusal. “Tay? Nasaan po si Deanna?”

“Hayun at inaya ang nanay mo kanina, may pupuntahan daw sila.” Saan naman kaya nagpunta yung mga yon?

“Oh heto at tumatawag na ang Nanay mo– hello, mahal?” Hinayaan ko nang kausapin ni Tatay si Nanay at nagtimpla na lamang ako ng kape ko. Ilamg minuto lang ang nakalipas at pumasok si Tatay sa bahay at may bitbit na mga supot. “Grabe, anak. Namalengke pala sila Deanna at ang Nanay mo. Napaka dami nilang binili. Tulungan mo sila Deanna doon na magpasok ng mga pinamili.”

Kunut noong lumabas ako ng bahay at nagulat ako nang napaka daming supot ang binababa ni Deanna at Nanay mula sa sasakyan. “Ang dami niyong binili?”

“Nako, nak. Di ko inakalang dadampot ng napakaraming pagkain si Deanna sa grocery. Stock daw natin para hindi tayo araw araw namamalengke.” Tinulungan ko silang ipasok ang mga pinamili nila. Pinagpahinga ko na silang dalawa pero hindi pumayag si Deanna at tinulungan akong isalansan ang mga pinamili niya.

“Napaka dami mo namang pinamili, Deanna.” Natatawa kong sabi sa kaniya. “Aabot na ata to hanggang bagong taon eh?”

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya. “Para may stock na tayo dito sa bahay, Ivy. Nakakapagod kayang lumabas ng bahay araw araw para lang mamalengke.”

“Salamat ha? Ang dami mo nang tulong sa pamilya namin.” Sambit ko sa kaniya.

Ngumiti naman siya sa akin. “Wala yun, ano ka ba. Masaya naman akong tumulong sa inyo.”

Tinapos na naming ayusin ang mga grocery at saktong nagising na din si Alon. Naghanda na ako ng almusal namin at sabay sabay kaming kumain. Si Nanay ang nagligpit dahil pinaliguan ko si Alon. Si Deanna naman ay tinutulungan si Tatay sa labas na maglinis.

“Mama..” Rinig kong tawag ni Alon sa akin habang binibihisan ko siya. “..hindi po ba aalis si Dadi dito? Makakasama na po ba natin siya habang buhay?”

Napaisip naman ako. Oo nga no? Hindi ba siya uuwi sa kanila? Ayoko kasing umasa yung anak ko na makakasa namin si Deanna tapos aalis lang din pala. “Hindi ko alam, anak eh. Alam mo naman si Dadi mo, may buhay sa Maynila yon diba? Hindi niya maipapromise na magsestay siya dito kasama natin.”

“Eh bakit hindi na lang po tayo sumama sa kaniya, Mama?” Tanong nanaman niya ulit. Ganito talaga kapag bata eh, maraming tanong.

“Iiwan mo si Lolo at Lola dito?” Tanong ko pabalik sa kaniya. Umiling naman siya agad. “Isa pa, anak. Kaya naman nating mabuhay na wala si Dadi mo, diba? Ni hindi nga natin alam.. kung may bago na siyang kinakasama eh. Matagal silang naghiwalay ni Mama diba?”

Nakita ko namang ang lungkot sa mukha ng anak ko. Mukhang sobrang napamahal na ata talaga siya kay Deanna ah. Sakto namang pumasok si Deanna sa kwarto at nakita rin niya ang malungkot na mukha ni Alon. “Oh? Bakit malungkot ang baby namin na yan?”

“Dadi..” Agad siyang lumapit kay Deanna at yumakap dito. Napailing na lang ako nang marinig kong humihikbi na siya. Patay tayo diyan. “..wag kang aalis, Dadi. Masaya kami ni Mama na nandito ka, wag mo kaming iiwan ni Mama..”

Agad namang tumingin si Deanna sa akin kaya umiwas ako ng tingin. “Baby, hindi naman aalis si Dadi ah? Nandito lang ako oh, kasama niyo ni Mama.”

Red StringsWhere stories live. Discover now