Red String 13

1.4K 65 22
                                        




I V Y

Dalawang buwan na ang nakalipas mula nang huli kaming nagkita ni Deanna. I mean-- nagkikita naman kami dahil dito siya nakatira sa apartment pero nakikita ko na lang siya pag matutulog na kami. Minsan nga hindi ko na naaabutan ang pag-uwi niya kasi tulog na ako.

Palagi na din siyang may kausap sa phone niya at pansin kong yung Jovelyn yon. Naiinis na nga ako dahil wala na siyang oras para sa akin. May time na tinanong ko siya jung sino yon, kakilala lang daw niya. May kakilala bang hanggang gabi kausap pa rin? Kaasar.

Tinuon ko na lang din ang pansin ko sa site. Pansin nga ni Engineer na lagi akong lutang pero di ako nagsasabi sa kaniya ng kahit ano. Close lang naman kami dahil sa trabaho pero hindi sa personal kong buhay. I can sense naman na he's trying to befriend me but I'm lowkey refusing. Alam niyo naman ang trauma ko sa mga friends, sapat na sila Bei sa akin.

Tatlong araw na ako lang mag-isa sa apartment. Nagpaalam kasi si Deanna sa akin at sabi niya may meeting sila sa Miami. Malayo yon dito kaya naman hinayaan ko na siya, business daw eh.

"Architect," Lumingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Joseph, yung isang worker dito. Bagong hire lang siya kasi si Harold, yung isang worker namin, kinailangang tumigil para bantayan ang nanay niya sa bahay. "Pwede po ba kong mag request sa inyo?"

"Ano yon?" Tanong ko.

"Kung pwede po sanang mag half day lang ako ngayon, sinugod po kasi sa hospital yung Misis ko. Nanganak na po kasi siya." Sagot niya kaya naman nagulantang ako.

"Ay nako ka, di mo sinabi kanina. Halika sasamahan na kita papunta doon." Sagot ko sa kaniya kaya naman nagligpit na siya ng gamit niya.

Dumeretso ako kay Engineer Lopez at kinalabit siya. Lumingon naman siya nang nakangiti. "Yes, Architect?"

"Ihahatid ko lang si Joseph sa hospital ha? Yung asawa niya nanganak eh." Tumango naman siya sa akin at sumunod na sa akin si Joseph sa sasakyan. Sasakyan ito ni Deanna, dalawa kasi sasakyan niya. Binigay niya sa akin mula nung lagi na siyang wala sa apartment. Para daw may sarili akong sasakyan. Ilang minuto lang ang biyahe namin papunta sa hospital, nasa room na daw ang asawa niya dahil nanganak na kanina pa. Sumama naman ako dahil inimbita niya ako at ipakikilala daw sa asawa niya.

"Honey.." Bungad niya pagbukas niya ng pinto. Bumungad sa amin ang asawa niyang nakangiti habang buhat ang anak nila at nakaupo sa hospital bed. "Anak ko.."

Pinanood ko lang silang dalawa habang masaya silang hinahagkan ang anak nilang bagong silang. Pinakilala na din ako ni Joseph sa asawa niya at nagpasalamat sa akin ang asawa niya dahil pinayagan ko itong umalis.

"Wala yon, Gayle." Sagot ko at ngumiti. "Mas mahalaga ang pamilya niyo ano."

"Hon, sino pala nagdala sa'yo? Si Ate ba?" Tumango naman si Gayle sa asawa niya.

"Si Ate saka yung babaeng lagi niyang kasama. Yung mayaman? Yung CEO ba yon? Jowa ata ni Ate yun eh?" Nakangiting sagot ni Gayle.

Napatango tango naman si Joseph. "Ah yun ba? Di ko alam kung sila non eh, sabi ni Ate ka trabaho niya daw pero alam ko ex niya yun eh. Nasan ba sila?"

"Bumaba sila kasi bibili daw ng pagkain natin eh." Sagot ni Gayle. Masaya lang akong pinapanood silang kausapin ang sanggol nila. Ano kayang pakiramdam nang may anak ano? Ang sarap siguro sa pakiramdam non.

"Oo, tapos kakausapin ko na din si Johanna para doon. Ibigay mo yung size--" Sabay sabay kaming napatingin tatlo sa pinto na bumukas at magkasunod na pumasok ang dalawang pigura.

Red StringsWhere stories live. Discover now