Red Strings 23

832 44 25
                                        










D E A N N A

“I am telling you the truth, Bei. Buhay nga si Ivy!” Mahinang saad ko kay Bea habang kausap ko siya sa phone.

Nandito ako sa labas dahil dito lang daw ang may signal sabi ni Iv– Isla. Naniniwala akong siya ang Ivy ko, ang misis ko.

“How come? Baka naman kamukha lang ni Ivy yan. Anyways, are you okay there? Sobrang nag worry kami ni Cait nung malaman naming tumalon ka sa yacht. What were you thinking?!” Nilayo ko ang tenga ko sa phone dahil sa bulyaw ni Bea.

Napakamot naman ako sa ulo ko. “Hindi ako tumalon lang, Bei. Pinagtulungan nila ako! They tried to kill me pero natakasan ko sila, and dito ako napadpad. Kina Isla.”

“Are you sure you're okay?” Tanong ni Bea sa akin. “Don't worry, ipapatrack ko na yung owner yacht na sinakyan mo.”

“Yes, Bei. I'm fine. Thank you.” Sagot ko. Nakita ko namang lumabas si Isla sa bahay kaya naman nagpaalam na ako kay Bea. “Bei, I'll go now. Isla needs her phone na.”

“Okay, bro. Ingat ka dyan ha?” Pinatay ko na ang tawag at inabot kay Isla ang phone niya.

“Thanks for lending me your phone.” Nahihiya kong sambit. Inabot naman niya ang phone niya at ngumiti. “Sorry din sa pagpilit ko kanina. You're right, kamukha mo nga lang talaga siya.”

Tumango naman siya. “Eh ikaw? Okay ka na ba? Baka nahihilo ka pa? Magpahinga ka na muna doon sa loob.”

“I'm fine.” Sagot ko sa kaniya at ngumiti. It feels weird.. seeing my wife's face in her. Siguro nga tama si Bea, kamukha nga lang talaga niya. “Aalis ka ba?”

Tumango naman siya. “Oo, bibili ako ng inumin natin doon sa kabilang kanto.”

“Pwede.. pwede ba kong sumama?” Pagbabaka sakali ko. Ewan ko kung anong nangyayari sa akin. Gusto ko lang sumama sa kaniya.

“Oo naman– tara.” Sumama ako sa kaniya. May distansya sa amin nang mga ilang inches dahil siyempre, nahihiya ako sa kaniya.

“Haluh! Yan ba yung niligtas nila Isla at Tatay Jose?”

“Ang ganda na ang pogi!”

“Teh, kalma mo. Yung panty mo nahulog na!”

“Mukhang mayaman, Teh.”

“Ang cute nila ni Isla oh, parang bagay sila.”

“Kilabutan ka nga, teh! May anak na si Isla no, parang kadiri naman tignan.”

“Gaga, may anak lang kadiri na? Utak mo talaga puro lumot eh.”

“Mas bagay kasi kami, teh! Ang pogi kaya tignan mo!”

“Wag mo na lang sila pansinin, Deanna.” Napatingin naman ako sa kaniya. “Pag pasensyahan mo na sila ah? Mga kulang sa aruga kasi yang mga yan.”

Anim na taon.

Anim taon kong hindi narinig ang pangalan ko sa boses ng misis ko. Hindi ko alam kung pero may kung anong kumurot sa puso nang marinig ko ulit ang pangalan ko sa boses ng misis ko.

Kaboses niya kasi eh, kamukha niya pa. Parang si Ivy talaga.

Bahagya naman akong ngumiti. “Okay lang hehe.”

Tahimik lang kaming pumunta sa tindahan. “Aling Martha, pabili nga pong softdrinks.”

“Ilan, Isla– oh! Kay gandang pogi naman ng kasama mo.” Bulalas ng ginang sa tindahan kaya alanganin akong napangiti. “Nobya mo, Isla?”

Red StringsWhere stories live. Discover now