I V Y
Huminto ako sa paglalakad at huminga nang malalim. Ito na, nandito na ako. Ito ang unang beses kong makalanghap ng hangin sa ibang bansa. Ang sarap sa pakiramdam.
Tumingin ako sa paligid upang maging pamilyar ako dito. Madaming puti ang naglalakad, iilan lang ang nakikita kong mukhang kababayan ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag nasa America ka, nakakapanibago.
Kinausap ko ang cab driver sa harap ko at tinulungan niya akong ilagay ang bagahe ko sa compartment. Hindi nakasama si Carly sa akin kasi si Cadean ay nagkasakit. Sinabi ko naman sa kaniya na kaya ko na mag-isa, bigyan niya na lang ako ng address kung nasaan ang bahay niya kaya heto at pinakita ko sa driver ang address para doon niya ako ihatid. Mga isang oras din ang byahe nang makarating kami doon.
"Thank you." Tugon ko nang ibaba niya na lahat ng mga bagahe ko. Nakatayo na ako ngayon sa harap ng isang maliit na apartment. Tulad ng mga nakikita ko sa google na tipo ng apartment dito sa New York.
Naglakad ako palapit sa hagdan at umakyat doon. May hagdan kasi bago ka makarating sa mismong pinto. Nasa isang building itong apartment pero magkakaibang pinto sa labas. Nang makaharap ko ang pinto ay inilabas ko ang susi na binigay ni Carly at binuksan ito. Bumungad sa akin ang maliit na hagdan. Ipinasok ko ang mga gamit ko at sinara ang pinto. Tinanggal ko ang sapatos ko at nilagay sa lagayan ng sapatos. Binuhat ko pababa ang gamit ko at tumingin sa paligid.
Namangha ako sa ganda nitong apartment. May malaking bintana kasi dito kaya kitang kita mo ang park sa likod ng building. May mga batang naglalaro doon at mga asong iginagala ng kanilang tagaalaga.
Naupo ako sa sofa at dinama ito. Grabe, ang sarap talaga sa pakiramdam!
Tumayo na ako ulit at dinala na ang gamit ko sa kwarto. Pagpasok ko ay malaking kama ang bumungad sa akin na nababalutan ng comforter. Tinungo ko ang cabinet at pagbukas non ay bumungad sa akin ang ilang mga damit. Parang damit ni Deanna 'to?
Napatango na lang ako nang maalalang dito nga pala tumira si Deanna noon kasama ni Carly kaya siguro ay nakalimutan niyang kunin ang mga ito.
Inayos ko na ang mga gamit ko dito at hindi ko ginalaw ang damit ni Deanna. Iginilid ko lang nang husto para magkasya ang mga damit ko. May vanity mirror sa tabi ng cabinet kaya inayos ko na din ang mga gamit ko doon tulad ng perfume, lotion at kung ano ano pa.
May cr dito sa loob at may cr din sa may kusina. Hindi gaano kalaki ang kwarto na ito pero kasyang kasya naman ako. May bintana din sa bandang kaliwa kung saan kita din ang park sa likod. May roller blinds naman ito kaya hindi ako masisilipan kung sakali.
Napagdesisyunan ko na gumala sa New York habang maaga pa. Free day ko din naman bukas hanggang Thursday dahil Friday pa ang meeting namin ni Miss Frost. Enjoyin ko muna sarili ko habang may time pa ako.
Lumabas ako dala ang isang maliit na bag at cellphone ko. Nilock ko nang maigi ang pinto bago ako umalis. Naglibot ako sa buong NYC ngayong araw. Kumain ako ng kung ano ano, nagpunta ako sa Times Square at sa mga parks. Bukas tatry ko naman magpunta sa mga museum, gustong gusto ko kasi talagang magawa yon. Museum date ba pero.. wala akong ka date so ako na lang mag-isa pupunta.
Nang mapagod ako ay naisipan ko nang umuwi pero bago ako umuwi ay bumili ako ng pang midnight snack ako at ilang mga beer. Bukas na ako mag gogrocery ng mga lulutuin ko.
Pag-uwi ko ay naghubad ako ng sapatos at inilagay yon sa lagayan. Bumaba ako sa living room at nilapag doon ang beer at chicken na binili ko. Pumunta ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Kasalukuyan akong nagtatanggal ng bra nang makarinig ako ng kaluskos. Binalewala ko na lang ito dahil baka mga ibon lang sa bintana.
YOU ARE READING
Red Strings
FanfictionAs Ivy graduated Architecture in National University, the last piece on her puzzle is still nowhere to be found. Being an organizer is her job aside from being an Architect. She grew to love organizing events, but what if one day.. a new client pops...
