Red Strings 21

644 38 9
                                        





D E A N N A

“Be good there, okay?” Bilin ni Miracle sa akin ngayon. Nandito na kami sa airport, ihahatid niya kasi ako. 

Tumango naman ako sa kaniya. “Pagbalik ko, we'll arrange our marriage okay? I'll marry you.”

“Okay, darling.” Maluha luhang sambit ni Miracle sa akin. Inabot ko ang kamay niya at sinuot ang singsing na hinanda ko talaga para sa kaniya. “I'll miss you.”

“I'll miss you too.” Hinalikan ko na siya sa labi at saka ako nag paalam sa kaniya. Tinatawag na kasi ang flight ko. Lahat ng passengers ay sumakay na sa plane, hand carry lang naman ang dala ko kaya inilagay ko na lang ito sa storage sa ibabaw. Buong byahe ay natulog lang ako. It took us 17 hours to fly from Manila to Francisco B Reyes Airport. Pag dating namin dito sa airport ay bumaba din kami. I was accompanied by the van na nirent ko para dalhin ako sa Coron. It was just a 15 minutes ride and here I am.

“Touch down, Coron.” Bulong ko sa sarili ko. Huminto ang van sa tapat ng isang resort, dito ako nag book para sa first day ko dito. This resort is near the ocean and may pool din naman sila dito sa malapit.

But since I booked a yacht for tomorrow afternoon, dadalhin nila ako sa Bulalacao Islands dahil nandoon yung resort na pagsestayin ko for the whole week. I wanted to be in private as much as possible kaya doon ako nag book ng area.

Pagdating ko sa resort ay agad kong inasikaso ang tutuluyan ko. Dinala ako ng staff nila sa Room Number 316.

Nananadya tayo, destiny?

Napailing at natawa na lang ako sa naisip ko. Pumasok na ako sa loob at nagbihis. 4 pa lang naman kaya may time pa akong gumala sa labas.

Miracle and I decided not to text or update each other for the next days. Gusto ko kasing mag focus muna sa sarili ko dito pero siyempre, iaupdate ko siya ngayon na nandito na ko and after that, I'll turn my phone off.

To: My Miracle ✨

Darling, I am already here at Coron. Nandito na ko sa resort and I arrived safely. Always take care ha? I'll come home soon. I love you!

Nang masend ko na ang message ay tinurn off ko na ang phone ko at tinago sa maleta ko. I'll have the best night here tonight!

Lumabas ako at nagliwaliw, nakipag party ako sa mga taong hindi ko naman kilala. Inuman, tawanan, sayawan, kantahan. Yan ang mga ginawa ko buong gabi. Nahihilo na nga ako dahil medyo tumatama na ang alak sa akin pero gusto ko lang magpakasaya ngayon. Deserve ko 'to eh.

“Guys, I'll go ahead na. I'm really drunk. Goodnight!” Paalam ko sa kanila at naglakad na pabalik ng hotel. Pagdating ko sa room ko ay bagsak na ako agad. Nagising na lang ako nang maramdaman ang sinag ng araw sa mukha ko, naiwan ko pa lang nakabukas ang kurtina.

Kakain ako ngayon kaya naman lumabas na ako. Nag hanap ako ng pwedeng kainan at saktong nakahanap ako ng dampa. Kakain ako dito ng seafoods na gusto. Kumain lang ako nang kumain hanggang sa mabusog ako. Wala pa sa kalahati ang araw ko pero nag eenjoy na ako.

Nang mag tanghali na ay bumalik na ako sa hotel para ayusin ang gamit ko. Ilang oras na lang kasi ay dadating na ang yacht na nirentahan ko kaya nag iimpake na ako. Nag check out na ako nang sumapit ang oras at lumabas na. Dumeretso ako sa port kung saan naghihintay ang yacht. “Good afternoon, Boss.”

“Good afternoon.” Sagot ko. Sumakay na ako sa yacht at dinala ang gamit ko sa loob. Tanging ang driver ng yacht at staff ng hotel lang ang kasama ko dito. Yung staff kasi ang mag aasikaso sa akin dito.

Nilagay ko na ang gamit ko sa kwarto saka ako pumunta sa taas. Nag inom ako at kumain. Pagabi na din kaya naman sinabihan ko na ang staff na pumasok na kami sa loob.

Nandito ako sa kwarto at bahagyang nahihilo. Malakas kasi ang alon, sabayan mo pa ng malakas na ulan. Sana kayanin ni Kuya Driver na imaneho pa ito hanggang sa isla.

Paikot ikot lang ako sa higaan dahil hindi ako makatulog. Siguro ay dahil sa ininom kong wine kaya nagising ako. Ewan ko ba, pag nakakainom ako ay mas lalo akong nagigising. Tumayo na lang ako at lumabas, tatambay na lang siguro ako sa gilid ng yacht. May silong naman doon.

Habang nakatambay ako dito sa gilid, ay may nararamdaman akong mga matang nakatingin sa akin. Agad akong lumingon at umiwas nang makitang palapit na sa akin ang staff at may hawak na kutsilyo. What the heck?! Bakit inaatake ako nito?!

Nakipag buno ako sa staff hanggang sa nabitawan niya ang kutsilyo, sinipa ko siya sa tiyan na dahilan para mamilipit siya sa sakit. Agad akong tumakbo sa loob ng kwarto at kinuha ang bag ko. Nang palabas na ako ay saktong iika ika mag lakad ang staff papalapit sa akin. Sinuntok niya ako sa panga kaya naman nagpambuno nanaman kaming dalawa.

“Anong kailangan mo sa'kin?!” Sigaw ko sa kaniya at tinulak sya papunta sa pader. Hinarang ko ang braso ko sa leeg niya para di sya makahinga.

“Hindi ako ang may kailangan sa'yo, yung boss ko!” Sinipa niya ako sa sikmura kaya napaatras ako at napahawak sa tiyan ko. Tangina, ang lakas niyang sumipa! Kabayo ata ‘to dati.

Sinuntok ko siya nang malakas sa likod at sunod sa sikmura saka ko hinablot ulit ang bag ko. Paglabas ko ay doon ko lang naramdaman ang paghinto ng yacht, napalingon na lang ako nang makita kong papalapit na sa akin ang driver at may dalang itak. Agad kong niyakap ang bag ko at tumalon na sa dagat. Sobrang lalim dito sa parte na to ng dagat at unti unti na akong nakakainom ng tubig. Pinilit kong lumangoy paakyat hanggang sa maka angat na ako nang husto. Luminga linga ako sa paligid at halos mawalan ako ng pag-asa dahil wala akong makitang malapit na isla. Hinanap ko na lamang ang bag ko at nakitang malapit lang ito sa akin ay hinila ko ito at lumangoy palayo sa yate.

Ilang oras din akong lumangoy pero wala pa rin akong makitang kahit anong isla. Anong gagawin ko nito? Niyakap ko na lang ang bag ko at nakaramdam na ako ng antok.










“Tulungan niyo ko..” Huling saad ko bago ako tuluyang makatulog.

____________________________________________________________________

Very last short update!! Itutulog ko na this hehe. Goodnight!!

Red StringsWhere stories live. Discover now