I V Y
"Deanna." Sambit ko habang nakatingin sa kaniya na kakaupo lang sa tabi ko. "Anong ginagawa mo dito?"
Nagkibit balikat naman siya. "Nakita kita eh. Likod mo pa lang, alam ko nang ikaw yung nakaupo. Ikaw? Akala ko ayaw mong sumama?"
"Ayoko naman talaga." Deretsong sagot ko. "Inaasikaso ko kasi yung resto ni Van kaya nandito ako. Sinimulan na kasi."
"Wow. Pwede bang makita?" Nakangiting tanong niya pero hindi ako sumagot.
Pareho kaming nakatanaw sa karagatang madilim. Tanging liwanag lang ng resort at buwan ang nagsisilbing ilaw nito kaya kitang kita pa rin namin ang payapang tubig.
"CEO na ko." Bulalas niya at napatingin ako sa kaniya ngunit nakatingin pa rin siya sa karagatan. "Noong namahinga na si Papa, sobrang lugmok ako non. Ilang buwan akong walang imik, hindi nila ako nakitang umiyak pero alam nilang nasasaktan ako."
"Bestfriend ko yun eh." Bulong niya habang nakangiti pero ramdam na ramdam ko yung sakit ng nararamdaman niya. "Nawitness mo naman kung gaano kami kalapit ni Papa.. kaya sobrang sakit na harap harapan ko siyang nakitang naghihingalo. Hirap na hirap na siya, unti unti nang bumibigay yung katawan niya. Yung treatment niya, hindi tumatalab sa kaniya. Sobrang sakit.. para na din akong namatay nung nawala siya."
Nakita ko naman ang pasimple niyang pagpunas ng luha niya. "Wala akong gana sa lahat. Ni hindi ko magawang hawakan yung phone ko, ayokong gumalaw. Araw araw lang akong nakahiga sa kwarto ko habang yakap yakap ko ang mga gamit ni Papa. Hindi ako kumakain, ilang beses akong hinihimatay dahil alam mo naman ako kapag nasasaktan diba. Akala ko nga din mamamatay na ako non."
"Kaso.. hindi pa ako gaanong nakakausad. Nakikita ko naman sila Mama at Ate na unti unting lumulubog. Yung kompanya ng dating asawa ni Mama na pinamana sa kaniya, nalulugi na pala kasi ninanakawan ng ibang partners nila Mama. Wala siyang kaalam alam na unti unti na palang nauubos yung stocks ng kompanya." Dagdag kwento niya pa. "Hindi ko alam kung paano makakatulong. Yung pamangkin ko, si Adie. Biglang nagkasakit. Labas pasok si Ate Nicole sa hospital kasabay ng problema nila Mama sa kompanya. Si Josh nasangkot sa gulo sa university niya, dapat magrerepeat na siya ulit non."
Nakikinig lang naman ako sa sinasabi niya. Nag papaliwanag na siya ng mga nangyari noon, eto na yung hinihintay ko. "Ako lang ang aasahan nilang lahat. Ayokong mawala sa amin ang pamangkin ko. Ayokong hindi makagraduate ang kapatid ko. Ayokong mahirapan sila Mama at Ate Cy."
"Kaya inako ko nanaman lahat. Nawala na si Papa kaya ako na ang tatayong ama sa aming lahat." Malungkot na sambit niya. "Pinag-aralan ko yung kompanya ni Mama habang nagtatrabaho ako bilang janitor at waitress doon. Pinagsabay sabay ko lahat, makaahon lang kami sa problema. Nawalan na ako ng oras para sa sarili ko, ni hindi ko na maalala kung kelan ba ako huling umiyak, ngumiti o nagsaya. Hindi na ako makapag paramdam sa'yo kasi umuuwi akong pagod, tulog lang ang pahinga ko. Ang bigat bigat ng responsibilidad ko non, sabay sabay pa. Gusto ko nang bumigay.. gusto kong maglaho nanaman.. gusto kong mawala na lang.. pero himdi pwede kasi ako na lang ang inaasahan nilang lahat."
YOU ARE READING
Red Strings
FanfictionAs Ivy graduated Architecture in National University, the last piece on her puzzle is still nowhere to be found. Being an organizer is her job aside from being an Architect. She grew to love organizing events, but what if one day.. a new client pops...
