Red String 4

1.9K 80 36
                                        










I V Y

Simula nang pumayag ako sa gusto ni Deanna ay palihim na kaming nagkikita. Hindi naman palihim talaga, binigyan ko lang siya ng susi sa bahay para mauna na siyang umuwi at sa bahay ko na lang kako kami magkita. Afterall, bahay din naman niya yon noon.

Pero mas madalas kami sa condo niya dahil kapitbahay ko lang sila Bea, ayokong mahuli nila kami at ganon din naman siya kasi nga diba, hindi talaga kami pwedeng mahuling nagkikita kami. Bumili siya ng sarili niyang condo, ewan ko kung alam ni Carly tong condo niya. Siguro hindi? Kasi kung oo bakit nya ko dadalhin dito nang alam niyang alam ng mapapangasawa niya kung saan to diba?

Kaya minsan lang din kaming maglagi sa condo niya. Mga dalawa hanggang tatlong araw dahil umuuwi siya sa bahay nila ni Carly. Masakit para sa akin dahil ano bang alam ko kung anong ginagawa nila pag sila lang.

Wala naman akong karapatang magselos eh, I am just an affair.

Bumuntong hininga ako sa mga naiisip ko. Bakit ko ba kasi pinasok tong mundong to? Galit na galit ako kay Mama at Papa na parehong may kabit noon, ako naman pala magiging kabit ngayon. Nakakainis.

Nagring ang telepono na nakaconnect sa office lang ni Kath kaya sinagot ko ito. "Yes, Kath?"

"Miss Keith, your meeting with Miss Carly and Miss Deanna is in an hour. Today po naka sched yung gown and suit fitting nila." Napasapo naman ako sa noo ko nang marinig ko yon. Oo nga pala, ngayon nga pala yon.

Napahilot ako sa sentido ko. "Sige, Kath. I'll just prepare lang. Thanks." Binaba ko na ang tawag at tumayo. Humarap ako sa full body mirror ko at tinignan ang sarili ko. I look old, baka ma turn off ang clients ko nito.

Clients ba o si Deanna?

Pumasok ako sa room ko dito at binuksan ang cabinet ko. Nakita ko ang mga damit ko na puro itim. Nang mahanap ko ang isang dress ay humarap ako sa salamin dito sa loob at sinipat sipat kung bagay ba yon. I still have an hour kaya naman nilapag ko ang dress sa kama at pumasok sa cr para maligo. I made sure I used my vanilla shower gel. Ewan ko ba bat naghahanda ako, sila Carly lang naman ang kikitain ko. Maybe because I just wanna look presentable.

Sobrang presentable naman na pati shower gel tinindihan.

Matapos kong maligo ay nagbihis na ako. I did my usual make-up pero hindi ko inover do. Baka isipin ni Carly, nagpapapansin ako sa fiancée niya. Sinuot ko ang singsing ko at tinignan ang sarili ko sa salamin.

 Sinuot ko ang singsing ko at tinignan ang sarili ko sa salamin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nag spray lang ako ng perfume ko at lumabas na. Dumeretso ako sa office ni Kath. "Kath, I'll go now. Saan nga kami magkikita nila Carly?"

"Sa boutique na po, Ma'am." Sagot ni Kath habang nakangiti kaya tumango ako sa kaniya. "By the way, Ma'am, you look great with that dress."

Red StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon