Red Strings 28

713 34 33
                                        

Disclaimer: This chapter has no proofreading and contains a lot of misspelled words, grammatical error, and such. Enjoy!









I V Y

Isang linggo.

Isang linggo na akong hindi kinakausap ni Deanna. Palagi siyang umaalis at hindi namin alam kung saan siya pumupunta. Wala namang napapansing kakaiba sila Nanay at Tatay sa amin dahil okay naman kami sa harap nila pero pag wala sila at kaming dalawa lang ang naiiwan, hindi niya talaga ako kinakausap.

Nakauwi na din sila Bea sa Maynila. Nagkaroon pa nga ng konting komosyon bago sila umalis dahil hindi sumama si Deanna sa kanila pabalik, na naging resulta ng pag walkout ni Miracle sa bahay.










· F L A S H B A C K ·

“What do you mean you're not coming with us?!"

Naalimpungatan ako sa isang malakas na tinig mula sa labas. Tila mataas ang boses nito sa kausap niya. Nandito pa ba sila Caitlyn?

Dahan dahan akong tumayo at nag-inat. Nagpunas ako ng mukha saka ko isa isang inayos ang mga unan at kumot dito sa higaan. Wala na si Alon dito, kasama na siguro nila Deanna sa labas.

“I'm not going home. May ongoing project ako dito, Miracle. I can't leave that.” Rinig kong mahinahong sagot ni Deanna kay Miracle. Hindi pala talaga siya uuwi? “Hindi ako pwedeng umalis nang basta lang. I have Alon to take care of.”

Huh? Bakit naman nadamay pa si Alon? “Deanna, that child is not yours! You're not obligated to take care of that kid!”

“I don't want to go back now, hindi mo ba maintindihan 'yon?” Ramdam ko na ang inis sa tono ng boses ni Deanna.

“You're being unreasonable! Ano na lang ang mangyayari sa company mo doon? Hahayaan mong bumagsak para sa mag nanay na yan?!” Tila nasaktan naman ako sa sinabi ni Miracle. “Baka lang nakakalimutan mo, I am your girlfriend! Why are you choosing them over me?!”

Tinigil ko na ang pakikinig at lumabas na ako ng kwarto. Nasa labas pala ng bahay sila Deanna at Miracle. Good morning, Mama!”

“Good morning din, nak.” Bati ko kay Alon at humalik sa noo nito. “Nasaan sila Lolo at Lola? Sila Tita Bea at Tita Cait?”

“Namalengke po sila, Mama. Pasalubong daw po sabi ni Tita Cait.” Tumango naman ako sa kaniya at dumeretso sa lagayan ng plato para kumuha ng tasa. Nagsimula naman akong magtimpla ng kape.

Nilagyan ko ng mainit na tubig ang tasa saka ito hinalo. “Nag almusal ka na ba, anak?”

“Opo, Mama. Nilutuan po ako ni Dadi ng itlog at hotdog.” Sagot naman niya kaya tumango ulit ako at tumabi sa kaniya. “Mama, sasama na po ba pabalik ng Maynila si Dadi?”

Natigilan naman ako saglit sa sinabi niya bago ako humigop ulit sa kape ko. “Hindi ako sigurado, anak eh. Pero okay lang naman yun diba? Doon naman talaga nakatira ang Dadi mo.”

“Sana hindi na muna siya umuwi, mami-miss ko po kasi si Dadi eh.” Malungkot na sagot ni Alon kaya naman hinaplos ko ang buhok niya.

“Nandito pa naman ang Mama oh? Gagala pa rin tayo sa mall kahit umuwi ang Dadi mo.” Ngiting sagot ko sa anak ko.

“Ewan ko sa'yo! I'm tired of this, I'm going home now!” Sabay kaming napatingin ni Alon sa pinto nang malakas itong bumukas at galit na pumasok doon si Miracle, kasunod si Deanna na halos isang guhit na lang din ang kilay. “Magsama kayong lahat dito! I wasted my time searching for you tapos magpapaiwan ka lang dito?!”

Red StringsWhere stories live. Discover now