Red Strings 27

1.8K 66 107
                                        





D E A N N A

“Ah, D. Magluluto na muna ako ng hapunan natin para makakain na tayong lahat.” Paalam ni Ivy bago nagpuntang kusina. Lumapit naman sa akin si Cait.

“Deans, pwede ko bang samahan si Ivy doon?” Tanong niya sa akin.

Tumango naman ako. “Basta ingat lang sa mga ikekwento, Cait ha? Para hindi siya mabigla alaala niya.”

“No problem, Deans!” Pumunta na siya at sumunod kay Ivy sa kusina. Kinuha naman ni Nanay Rosaryo sa akin si Alon at sinamahan niya ito sa kwarto.

“Kumusta ka naman dito?” Tanong ni Bea sa akin. “Tol, I'm sorry kung di ako naniwala sa'yo. It's just that, hindi rin ako makapaniwalang buhay si Ivy.”

Umiling naman ako. “Oks lang yon, ano ka ba. Alam ko namang nakakabigla talaga. Paano pa ko nung unang nakita ko siya diba?

“Eh si.. Miracle? Anong balak mo don?” Agad naman akong napatingin kay Miracle na nakaupo lang sa gilid at kausap si Alon.

“Makikipag hiwalay na ko, tol.” Sagot ko kay Bea at iniwas na ang tingin ko. “Ayoko nang masaktan ko siya lalo. Alam mo namang hindi ko talaga kayang ipagpalit sa kahit sino si Ivy lalo na't.. may anak na kami.”

Nakita ko namang kumunot ang noo ni Bea. “Speaking of anak.. paano nagka anak si Ivy? Nag karoon ba siya ng boyfriend for the past 6 years?”

“Hindi.” Sagot ko sabay iling. “Ang sabi ni Tatay Jose sa akin, buntis na si Ivy nung makita nila noon sa dalampasigan.”

Kita ko naman ang gulat kay Bea. “Hindi kaya..”

“Yun lang ang natatanging dahilan ng pagbubuntis niya, Bea. Wala nang iba..” Nakatingin sa malayo kong sambit. “Kaya dapat lang makulong yung gagong yon..”

“Deans? Love? Tapos na kami magluto ni Ivy, let's eat na.” Sabay kaming napatingin kay Caitlyn na tinawag kaming dalawa ni Bei. Sabay naman kaming pumasok dalawa at naabutan namin silang lahat na nakaupo na sa hapag. Mabuti na lang ay medyo mahaba haba ang lamesa kaya nagkasya kaming lahat.

Tahimik lang kaming kumakain nang biglang umubo si Miracle na katabi ko. Agad naman kaming napatingin sa kaniya at nataranta ako dahil  parang hindi sya makahinga. “Huy! Ano nangyari?”

“Tin..ik..” Sambit nya habang ubo nang ubo. Agad ko siyang pinukpok sa likod pero wala talagang tigil ang ubo niya.

“Lunukin mo to, Miracle.” Sambit ni Ivy saka nag abot ng isang buong kanin. Pinalunok namin agad yon kay Miracle at medyo nahimasmasan na siya kaya't hinahagod ko na lang ang likod niya. “Tubig oh.”

Inabot ko kay Miracle ang basong inabot ni Ivy. Nasa kaliwa ko kasi si Ivy tapos nasa kanan ko naman si Miracle. “Okay ka na?”

“Okay na. Thank you, darling.” Sagot niya at tumuloy na sa pag kain pero this time at hiniwalay na niya ang isdang kinakain niya at kumuha na lang ng ibang ulam.









I V Y

“Okay na. Thank you, darling.” Napa ismid naman ako sa sagot ni Miracle.

Siya ba?

Siya ba yung bago ni Deanna? Yung dahilan kung bakit hindi niya masagot si Alon?

Tinignan ko silang dalawa at parang gusto kong sumuka dahil masyadong mayapos si Miracle kay Deanna. Hindi ko na sila ulit tinapunan ng tingin at tinapos na lang ang pag kain ko. Natapos din naman silang lahat kaya ako na din ang nag presentang mag hugas para makapag kwentuhan sila Deanna at Bea.

Red StringsWhere stories live. Discover now