I V Y
Nagising ako nang makarinig ako ng kaluskos sa paligid ko. Idinilat ko ang isang mata ko at nakita si Deanna na nasa harap ng vanity mirror, nakasuot siya ng puting long sleeves na tucked in sa itim na slacks. Napangiti naman ako at napapikit, hindi pala ako nananaginip kagabi.
"Good morning!" Nakangiting bati niya sa akin nang mapansin niyang gising na ako. Umupo ako at lumapit naman siya sa akin saka ako nilapatan ng malambing na halik. "How's your sleep?"
"Masarap sleep ko." Sagot ko sa kaniya. "Papasok ka na?"
Tumango naman siya. "I'll finish my works agad para makauwi ako agad."
"Maglilibot lang ako dito sa paligid. Can I buy groceries?" Tanong ko at tumango naman siya. "Message mo ko if you want something in the groceries ha? Para mabili ko."
Ngumiti naman siya at lumapit sa akin. "Ivy?"
"Hmm?" Tugon ko.
"Are we.. okay now?" Tanong niya at tumango naman ako. "Are we together again?"
Ngumuso naman ako. "Ayaw mo ba? Ayaw mo ata eh, okay lang naman. Maging friends na lang tayo fore--"
"No! Gusto ko siyempre. I just wanna be sure, my love." Napangiti naman ako sa tinawag niya sa akin.
"Ayoko na magpaligoy ligoy pa, Deanna. I wouldn't want to waste any more time na makipag tweetums when I can easily be with you again. 10 years is enough para mag heal tayo sa isa't isa, am I right?" Tumango naman siya sa akin. "Wala namang sabit diba? You're single?"
Tumango nanaman siya habang nakangiti. "That's good! So.. pwede na tayo? Wala nang hadlang?"
"Wala nang hadlang." Nakangiti niyang sagot at humalik nanaman sa akin. "Hindi ka na kabit-- aray! Hahahaha!"
Kinurot ko kasi siya eh. "Kasi naman hindi ako ininform na hindi pala sila ni Carly, nagmukha tuloy akong baliw." Irap ko sa kaniya kaya patuloy siya sa pagtawa.
Hinigit niya ako at niyakap. "Hindi na kita pakakawalan mula ngayon, Miss Sungit ko."
"Mahal kita, Kulit." Sagot ko sa kaniya.
"Mas mahal kita." Tugon niya at hinagod ang likod ko.
Nagpaalam na siya sa akin dahil papasok na nga daw siya. Ang laki nga ng ngiti niya eh, halos ayaw pang umalis mag cuddle na lang daw kami buong araw dito. Sabi ko next time na lang kapag free na siya dahil baka need siya sa company.
Namove bukas ang meeting ko with Miss Frost kaya susulitin ko na ang gala ko ngayon. Naglibot libot ako sa NYC. Ang daming pwedeng puntahan pero hindi ko pinuntahan kasi gusto ko kasama si Deanna pagpunta ko doon.
Huling pinuntahan ko ay ang grocery store. 3 pm pa lang kaya baka maaga ako makakauwi nito. Gusto ko din magpahinga eh saka baka maaga din makauwi si Deanna. Binili ko na lahat ng mga bibilhin ko, nagpabili si Deanna ng cereals dahil ganon daw ang breakfast niya everyday. Bumili pa rin ako ng mga pwedeng lutuin na breakfast dahil nakakasawa naman kung puro cereals kakainin niya sa umaga. Mas maganda pa rin na nakakakain siya ng rice meals.
Umuwi ako bitbit ang mga grocery bags. Inayos ko agad ang mga ito at nagluto ako ng dinner namin ni Deanna. Alam kong ang bilis ng mga pangyayari pero ilang taon ang hinintay naming dalawa para dumating sa amin ang oras na ito. Wala na kaming kahit minuto man lang na gustong sayangin pa.
YOU ARE READING
Red Strings
FanfictionAs Ivy graduated Architecture in National University, the last piece on her puzzle is still nowhere to be found. Being an organizer is her job aside from being an Architect. She grew to love organizing events, but what if one day.. a new client pops...
