D E A N N A
Lumipas ang ilang araw at halos laging sinasabi ni Ivy na parang may sumusunod sa kaniya. Hindi ko naman siya magawang bantayan dahil masyado siyang busy sa bago niyang investor, yung Elaine.
Akalain mo nga naman? Yung investor niya na yon ay yung taong hambog na nakasagutan ko sa grocery nung nakaraan? Liit talaga ng mundo eh.
Kapansin pansin din ang pag papapansin ng Elaine na yon sa Misis ko. Alam nang may asawa, padadalhan pa ng flowers at chocolate sa bahay? Gaano kabastos?
Hindi na lang ako nagsasalita dahil ayokong mag-away kami ni Ivy. Kahit iritang irita na ako, dahil kinakain niya din yung chocolate na binibigay ng gunggong na yon, ay nananatili lang akong tahimik. Masyado na kamig madaming napagdaanan sa relasyon namin, mababaw na lang 'to kung ikukumpara mo.
Nahinto ako sa pag-iisip nang may nag doorbell sa labas. Nasa taas si Ivy at naliligo kaya naman ako na ang lumabas para tignan kung sino yon. Kakauwi lang kasi niya kanina dahil tatlong araw silang nasa tagaytay nila Kath. May mineet kasi silang bagong client doon. Binuksan ko ang gate at bumungad sa akin ang isang rider na may dalang malaking box.
“Delivery for Miss.. Ivy Lacsina po?” Bungad niya at inabot sa akin ang box.
“Ano laman nito kuya? Kanino galing?” Takang tanong ko. Nagkibit balikat naman ang rider.
“Wala pong sinabi yung nagpadala eh, pero may letter daw po diyan sa loob. Baka nandon po yung pangalan nung nagpadala. Sige, Ma'am. Una na po ako.” Sambit ni Kuya Rider kaya tumango ako at sinara na ang gate. Dinala ko sa loob ang box at nilagay ito sa center table. Tumingin ako sa taas dahil mukhang matagal pa matatapos maligo si Ivy. Binuksan ko ang box at bumungad sa akin ang letter na nasa ibabaw nito. Inabot ko iyon at binasa.
Ivy,
Thank you again for last night. I really enjoyed everything that we did. I hope that would not be the last. I thought of giving you this because I know it will fit on you and will look good on you.
'Til next time ;)
– Elaine L.
Agad na kumunot ang noo ko sa nabasa ko. Last night? Magkasama sila kagabi???
Binuksan ko na nang tuluyan ang laman ng box at halos manginig ako sa galit nang makita ang laman nito. Isa itong lingerie dress na kulay pula. Bakit? Anong purpose ng pagbigay nito?
May nangyayari nanaman bang hindi ko alam?
Agad kong ibinalik sa dating pwesto ang laman ng box at sinara itong muli. Narinig ko kasi ang pagbukas ng pinto sa taas kaya malamang ay pababa na si Ivy. Dumeretso ako sa kusina at kumuha ng malamig na tubig. Tinungga ko agad ito dahil nanginginig nanaman ako.
“Adi?” Binaba ko ang baso nang marining ko ang boses niya. “San ka, Adi?”
“Kitchen.” Tanging sagot ko at binalik na sa ref ang pitsel na hawak ko. Napansin ko na lang na pumasok siya ng kitchen pagsara ko ng ref. “May delivery para sa'yo ah? Nakita mo na?”
Sige, magpanggap tayong hindi ko nakita yung laman. “Yes, nakita ko na.”
“Galing nanaman kay Elaine?” Tanong ko at nakanguso naman siyang tumango. “Anong laman?”
Hinihintay kong sabihin niya ang totoo, atleast alam kong hindi na siya nagsisinungaling sa'kin. Diba?
Kita ko namang ang alanganing ngiti niya. “Dress lang, Adi.”
YOU ARE READING
Red Strings
FanfictionAs Ivy graduated Architecture in National University, the last piece on her puzzle is still nowhere to be found. Being an organizer is her job aside from being an Architect. She grew to love organizing events, but what if one day.. a new client pops...
