Nagyakapan at nagkwentuhan lang kami buong maghapon. Pakiramdam ko ay namiss ko siya dahil isang linggo din kaming hindi nag-usap.
“Nakakahalata na nga si Alon eh, akala ko malalaman niya na—” Natigil ako sa pagsasalita nang tumunog ang phone niya. Sumenyas siya sa akin at binasa ang phone niya. Maya maya lang ay nakangiti na siya ulit.
“Tara, may pupuntahan tayo.” Sambit niya at ni-lock ang na ang buong bahay bago ako hinatak sa sasakyan niya.
“Saan naman tayo pupunta?” Tanong ko sa kaniya at ngumiti siya nang pagkalaki laki sa akin.
“Diyan lang sa kanto.” Susme, akala ko naman kung saan kami pupunta. Sa kanto lang pala, nagkotse pa siya.
Nakalagpas na kami sa kanto kaya nagtaka ako. Akala ko ba sa kanto lang?
Huminto kami sa harap ng isang malaking bahay. Nasa main street itong bahay. Malawak ang kalsada sa harap, kahilera ng mga malalaking tindahan. Mukhang ilang palapag ang bahay na ito. Kung tatantsahin ay nasa dalawang palapag, madaming ilaw. May malaking gate at isang gate na maliit. Gumanda to ha? Kung hindi ako nagkakamali, kada dumadaan ako dito sa lugar na ito ay walang nakatira sa bahay na to. Pero mukhang may tao na kasi parang ang daming nagbago sa bahay. May itim van sa loob na nakaparado sa dulo ng garahe. May munting garden naman pag kumanan sa pagpasok mo sa maliit na gate.
Itong bahay na ito ang matagal nang hangad ng mga nasa street namin. Kung ikokompara mo kasi ay walang binatbat ang mga bahay namin sa laki ng bahay na ito. Ito lang din ang kaisa isang bahay na malaki dito sa lugar namin.
“Anong gagawin natin dito, D?” Takang tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at naglabas ng mga susi. “Para saan yan?”
“Para sa bagong bahay natin.” Ha? Namin? May bagong bahay kami?
Laking gulat ko nang gamitin niya ang susi dito sa malaking bahay na nasa harapan namin. Ito ba? Ito ba yung bagong bahay namin?
“Welcome to our new home, Ivy.” Halos mapunit ang bibig ko sa lawak ng ngiti ko ngayon. Jinojoke niya ba ako? Seryoso ba 'to?
Marahan niya akong hinatak papasok ng bahay at inilibot ako dito sa garahe. “Bukas pa natin ipaparada dito yung sasakyan kasi bukas ng umaga tayo maghahakot.”
“Seryoso ba ‘to, D? Dito na tayo titira?” Naluluhang tanong ko. Humarap naman siya sa akin at hinapit ang bewang ko. Ngumiti siya saka pinunasan ang mga luha ko. “Ang dami mo nang naitulong sa amin. Sobra sobra na ‘to, D. Ang laki laki nitong bahay.”
Marahan niyang pinisil ang pisngi ko habang nakatawa. “Maliit pa ‘to kumpara sa bahay natin sa Maynila, Ivy. Wala pa ‘to sa kalahati ng bahay mo doon.”
“May bahay din ako doon?” at tumango naman siya. Nagtungo na kaming dalawa sa main door. Malaki ito na dalawang pinto. Yung para bang mga pintuan sa simbahan pero hindi ganoon kalaki ha? Katamtaman lang. Binuksan din niya ang pinto at laking gulat ko nang may pumutok at sumabog ang mga papel.
“Welcome sa bagong bahay natin!” Nandito si Nanay, Tatay at Isla. Akala ko naligo sila sa dagat?
“Pinaalam lang talaga namin na pupunta kami sa dagat pero dumeretso kami dito para tignan yung bahay.” Nakangiting sambit ni Nanay. “Maraming salamat, Deanna anak. Sobrang laking tulong nito para sa amin.”
Ngumiti naman si Deanna sa kanila. “Isang malaking pasasalamat ko po ito sa inyo dahil inalagaan niyo si Ivy at Alon nung napadpad sila dito.”
“Ano ka ba, anak.” Sambit ni Tatay at umakbay pa kay Deanna. “Hindi mo naman kinakailangang gumastos nang napakalaki para lang pasalamatan kami. Masaya kami na nakasama namin si Isla dahil matagal na naning hangad ng Nanay niyo na magkaroon kami ng anak.”
BINABASA MO ANG
Red Strings
FanfictionAs Ivy graduated Architecture in National University, the last piece on her puzzle is still nowhere to be found. Being an organizer is her job aside from being an Architect. She grew to love organizing events, but what if one day.. a new client pops...
Red Strings 28
Magsimula sa umpisa
