Napalingon sa amin si Deanna bago hinilot ang sentido niya. “Ihahatid na kita—”
“No!” Bulyaw ni Miracle at hinatak ang bag niya. Bago siya makalabas ay lumingon pa siya sa akin. “You! Yes, you! Wag kang masiyadong magsaya dahil hindi mo maaagaw si Deanna sa akin. You're nothing compared to me, Ivy. You're just a piece of trash who keeps on forcing her child on my girlfriend!”
“Miracle! Umalis ka na nga!” Sigaw ni Deanna kaya naman padabog na umalis si Miracle at sinara nang malakas ang pinto.
· END OF FLASHBACK ·
Sa kwarto ko pa rin naman siya natutulog pero pinagtabi ko na sila ni Alon sa kama ko. Sa lapag na ako natutulog dahil naiilang din ako na hindi kami nagpapansinan ni Deanna.
Ngayon, hindi siya umalis dahil nandito yung sasakyan niya sa labas. Kaming dalawa lang ang naiwan dito sa bahay dahil naligo sa dagat sila Alon kasama ang lolo at lola niya. Kaya heto at nakatambay ako dito sa labas ng bahay dahil nasa loob naman si Deanna.
Napapaisip din ako kung tama ba na sinabi ko kay Deanna na ayoko siyang umuwi. Kung hindi ko sinabi 'yon, siguro ay hindi nagalit si Miracle at hindi sana sila mag-aaway. Hindi ko na din kasi maintindihan eh. Ewan ko ba, simula nang dumating sa buhay namin si Deanna ay para bang parati akong naguguluhan sa nararamdaman ko. Ang dami kong tanong tungkol sa pagkatao ko. Kung totoo bang asawa ko talaga siya dati o kung sino man ako bago mawala ang mga alaala ko. Ang tanging tiyak at sigurado lang kasi para sa akin ay ang anak ko.
“Hindi ka ba nilalamok diyan?”
Heto nanaman sila. Parang may kung anong insekto o hayop ang nasa tiyan ko at kinikiliti ito nang marinig ko ang boses niya. Tila may karera ng kabayo sa dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok nito.
Umiling naman ako sa kaniya. “Hindi naman, wala pa naman masiyadong lamok.”
“Edi hihintayin mo munang papakin ka ng lamok diyan bago ka pumasok?” Napakamot naman ako sa ulo ko sa tinanong niya. “Hindi naman kita sasaktan sa loob, bahay niyo naman ‘to eh.”
Umiling naman ako ulit. “Hindi, ano kasi, naiilang lang ako. Wag mo na lang akong pansinin, tuloy mo lang ginagawa mo sa loob.”
“I'm sorry, Ivy.” Agad naman akong napalingon sa kaniya nang sabihin niya ‘yon. “I wasn't thinking straight that night. I was a fool and I know I hurt you simula nang iwasan kita kahit nasa iisang bahay lang tayo. Kapal ng mukha ko no? Ako na nga lang 'tong nakikitira, ako pa 'tong may ganang magtampo.”
Hindi naman ako nakasagot sa sinabi niya. “I am also sorry for how Miracle acted before she left. I already talked to her and broke up with already. Hindi siya totally sang-ayon pero wala naman siyang magagawa eh. Alam naman niya kung anong pinagdaanan ko nung nawala ka.”
“This might sound crazy but I missed you, Ivy.” Hindi pa rin ako makapagsalita sa mga naririnig ko ngayon. “I miss you as my Ivy and as Isla too. Ang hirap kasing magpanggap na hindi na kita mahal at nakamove-on na ako eh. Oo, nakausad na ako sa mga nangyari pero yung nararamdaman ko nandito pa rin. Hindi nawawala at hindi kumukupas.”
Nagulat ako nang kunin niya ang mga kamay ko at nilapit ito sa kaniya. “Alam kong madami kang gustong malaman sa pagkatao mo, at nandito ako para sagutin lahat 'yon. Hindi mo pa man ramdam yung dating pagmamahal mo sa akin pero sana hayaan mo kong iparamdam sa'yo kung paano kita minahal mula noon, Ivy.”
“Pwede mo ba akong hayaan ulit na mahalin ka, mahal ko?” Hindi ko alam pero isa isang bumagsak ang mga luha mula sa mata ko. Tumango ako sa kaniya at nakitang pati siya ay lumuluha na din sa harap ko. Hinigit niya ang kamay ko at niyakap ako. “Thank you. Thank you, Ivy.. so much.”
BINABASA MO ANG
Red Strings
FanfictionAs Ivy graduated Architecture in National University, the last piece on her puzzle is still nowhere to be found. Being an organizer is her job aside from being an Architect. She grew to love organizing events, but what if one day.. a new client pops...
Red Strings 28
Magsimula sa umpisa
