Agad namang humiwalay siya sa akin. “Wala ka bang naging kaibigan dito sa loob ng anim na taon?”
“Wala eh. Mas pinagtuunan ko kasi ng pansin sila Nanay, Tatay at Alon. Sa kanila umikot ang buhay ko sa loob ng anim na taon.” Nakangiti kong sagot. “Sobrang halaga nila sa aking tatlo eh.”
Madami pa kaming pinag-usapan ni Cait. Tawanan kami nang tawanan dito sa kusina dahil sa mga kwento niya. Lumipas ang oras at gabi na ngayon, nag-uusap usap sila Deanna kung uuwi ba sila Bea ngayon. Ang sabi ni Deanna sa akin ay bukas na daw sila uuwi.
D E A N N A
Nasa likod bahay kami ni Ivy at nag-aakas ng mga damit dahil kumukulog na. Baka mabasa kasi. Dinala namin sa kwarto ang mga damit at lumabas ako saglit para tignan kung komportable ba sila Bea na matulog sa sala. Naka kutson naman sila, may unan at kumot din. “Oks lang kayo, guys? May kailangan ba kayo?”
“Won't you sleep beside me, darling?” Takang tanong ni Miracle sa akin. Napakamot naman ako sa ulo ko. “Ngayon lang kita ulit nakasama so shouldn't you be sleeping here?”
“Hindi kasi pwede, Miracle. Pag naaalimpungatan kasi si Alon, ako yung una niyang hinahanap. Kaya pag nagising siya at wala ako, iiyak yon doon.” Kamot ulo kong sagot kay Miracle.
Nakita ko naman ang pag buntong hininga niya at tumayo siya. “Okay, fine. Good night na lang, darling. Mag pack ka na lang ng gamit mo para bukas makaalis tayo nang maaga.”
Hindi naman ako nakasagot dahil hinalikan niya na ako at hindi na ako nakailag. Bumalik na din siya sa paghiga at nag paalam na ako sa kanila. Pag pasok ko sa kwarto ay naabutan ko si Ivy na nagtutupi na ng mga damit kaya naman tinulungan ko na siya para matapos na at makapahinga na rin siya.
“Uuwi ka na, Deanna?” Tanong niya habang nagtutupi ng mga damit. “Sasabay ka na sa mga kaibigan mo?”
Napatigil naman ako sa pagtutupi at napaangat ng tingin sa kaniya. “Do you.. do you want me to go?”
Hindi siya sumagot pero nakita kong napatigil din siya sa tinutupi niya. Ilang segundong namutawi ang katahimikan sa amin at bumalik ulit siya sa pagtutupi.
"Do you want me to go, Isla?"
Tuluyan na siyang tumigil sa pagtutupi at tumingin sa akin, marahil ay nagulat siya dahil ngayon ko na lang siya ulit tinawag sa pangalang binigay sa kaniya nila nanay at tatay. Unti unti kong inangat ang kilay ko, naghihintay ng sagot. Nang wala pa rin siyang imik ay nag-iwas na ako ng tingin at tinuloy ang tinutupi ko. Bakit ba kasi ako nag tanong? Ano namang pake niya kung umalis ako diba?
"Ayoko." Agad akong nag-angat ng tingin sa kaniya at bahagya pa akong nagulat dahil nakatingin pa rin siya sa akin. Punung puno ng emosyon ang mga mata niya. "Ayokong umalis ka, Deanna."
Unti unting gumuhit ang ngiti sa labi ko at tumango. "Then I'll stay here."
"Hanggang kailan ka naman mananatili dito?" Mahinahon niyang tanong. Hindi ko alam pero may nakita akong takot at lungkot sa mga mata niya.
Hindi ko napigilan ang kamay kong haplusin ang kanang pisngi niya. "I'll stay.. for as long as you want me to."
Sabay kaming ngumiti nang iangat niya ang kamay niya at hinaplos ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya. Dahan dahan akong lumapit sa kaniya at isinara ang natitirang espasyo sa gitna namin at pinagdikit ang aming mga labi. Unti unti ko nang nilalaliman ang mga halik ko dahil pumikit na siya nang bigla niya akong itulak palayo.
“Mali, Deanna.” Mahinang sambit niya at animo'y nagmamadaki siyang itupi ang mga damit sa harap niya. “Maling mali ito..”
Kumunot naman ang noo ko sa sinasabi niya. “Anong sinasabi mo?”
“Hindi na dapat natin ginagawa ang mga ito. Mali ‘tong ginagawa natin.” Sagot niya saka siya tumayo at isinalansan sa cabinet ang mga damit na tinupi namin.
Sinundan ko siya ng tingin. “Anong mali dito, Ivy? Asawa naman kita noon pa? Nawala ka lang pero hindi ibig sabihin non ay hindi na tayo mag-asawa.”
“Oo asawa mo ako pero noon yon, Deanna.” Nagulat ako nang humarap siya sa akin at nangingilid na ang luha sa mga mata niya. “Asawa mo ako noong wala ka pang bagong nobya. Deanna, nandito si Miracle. Pinuntahan ka niya para bumalik ka na sa piling niya. Hindi mo kailangang manatili dito dahil lang ako yung nawawala mong asawa.”
Halos gusto ko nang sabuntan ang sarili ko sa mga naririnig ko. “Naguguluhan naman ako sa'yo eh. Kanina lang ang sabi mo ayaw mong umalis ako tapos ngayon ganiyan na ang mga lumalabas sa bibig mo. Bakit hindi mo na lang ako derektahang sabihan na ayaw mo na akong makasama dito? Maiintindihan ko naman eh.”
“Deanna, hindi mo ba naiintindihan yung sitwasyon natin?” Sambit niya habang lumuluhang nakatingin sa akin. “Nakausad ka na sa pagkawala ko. Meron ka nang bagong minamahal. Hindi mo na ko kailangan sa buhay mo. Ayokong makulong ka sa akin, sa amin ni Alon. Alam kong sasaya ka kay Miracle–”
“Pero sa'yo lang ako mas sasaya, Ivy. Bakit ba pinangungunahan mo ang nararamdaman ko? Nababasa mo ba ang laman ng puso ko?” Naiiyak kong sabi sa kaniya. Hindi naman siya nakasagot at nakatingin lamang sa akin. Nagpunas ako ng luha ko.
“Sabihin mo na lang kung gusto mo na kong umalis sa buhay mo para hindi ko na ipagsiksikan yung sarili ko sa'yo.” Huli kong sabi sa kaniya at lumabas ng bahay. Hindi ko na ginising sila Bea dahil ayokong komosyon. Gusto ko lang magpahangin.
_______________________________________________________________________________
Happy New Year, Guys 🎉
YOU ARE READING
Red Strings
FanfictionAs Ivy graduated Architecture in National University, the last piece on her puzzle is still nowhere to be found. Being an organizer is her job aside from being an Architect. She grew to love organizing events, but what if one day.. a new client pops...
Red Strings 27
Start from the beginning
