Habang nag huhugas ako ay hindi ko maiwasang maalala ang nangyari kanina. Kung gaano kabilis nag-alala si Deanna nang matinik si Miracle. Malalim na din siguro pinag samahan nila no? Tagal ko din naman kasing nawala.
“Thinking about what happened?”
Agad akong napalingon sa nagsalita. “Nakakagulat ka naman, Cait.”
“Ang haba kasi ng nguso mo diyan, sis. Nakita din kasi kita kaninang panay ang tingin don sa dalawa.” Kwento niya habang nakasandal sa lababo. “Gusto mo masagot yang mga tanong sa utak mo?”
Medyo matagal akong napatitig sa kaniya bago tumango. “Si Miracle ang current girlfriend ni Deanna.”
“Current? Ibig sabihin.. hindi sila hiwalay?” Mahinang sagot ko at nilihis na ang tingin sa kaniya.
“Yes. Kakasagot pa lang sa kaniya ni Miracle weeks before Deanna went on a vacation." Kwento ni Caitlyn. “I am really not comfortable with their relationship specially ramdam ko talaga noon pa that you're alive.”
“Talaga? Pwede pala yon?” Gulat kong tanong. Nakakamangha kasi na pwede palang makaramdam ng ganon.
“Bestfriend instinct siguro.” Nakangiting sagot niya. “..and tama naman ako, diba? You're alive, and I'm really happy na buhay ka, sis.”
Ngumiti naman ako sa kaniya at tinuloy ang paghuhugas ko. “Paano ako maging isang kaibigan, Cait?”
“Protective ka super.” Natatawang sagot niya. “Bago maging kami ni Bea, dumaan muna siya sa'yo. Literal na dumaan kasi first ex girlfriend mo siya eh.”
Haaaaaa?! “Ex ko yung kaibigan ni Deanna??”
“Oo, Sis!” Natatawang sagot ni Caitlyn sa akin. “Kaya nung nalaman mong nililigawan ako ni Bea, kinausap mo talaga siya at binantaan na wag na wag akong sasaktan dahil malalagot siya sa'yo.”
Natawa naman ako sa kwento niya. Hindi ko naisip na ganong klase pala akong kaibigan. “Tapos nakuha naman ni Bea yung basbas mo bago maging kami kasi ramdam mo naman yung sincerity niya.”
“Eh ano.. kami ni Deanna? Paano naging kami?” Tanong ko at umiwas ng tingin.
“Nag simula yon noong ininvite tayo ni Bea na manood ng gig nila.” Nakangiting kwento ni Caitlyn. Pinunasan ko ang kamay ko dahil tapos na akong maghugas at sumandal na lang din sa lababo. “Tapos kinukulit ka niya ganiyan, hanggang sa nalaman ko na lang close na kayong dalawa. Then eventually nagkagustuhan din kayong dalawa kahit na ang daming epal sa love story niyo.”
Napangiti ako. Ganon pala talaga ang simula ng relasyon namin ni Deanna. Makulit talaga siya mula pa pala noon hanggang ngayon.
Pero ang mga ngiting nakaguhit sa labi ko ay agad napalitan ng simangot nang maalala ko nanaman kung gaano kataranta si Deanna kanina nang matinik si Himala. Oo, Himala. Miracle naman pangalan niya eh.
“Ayun na nga, naalala na ulit ang ganap kanina.” Napatingin naman ako kay Cait at napairap ako nang tumawa siya. “Alam kong komplikado pa ang lahat sa'yo, Ivy. Naguguluhan ka pa kasi siyempre anim na taon mo kaming hindi nakita at nakasama.”
Napatango naman ako sa sinabi niya. “Pero wag kang mag-alala, hindi ka naman namin minamadaling makaalala. Nandito lang kaming lahat para sa'yo.”
“Salamat, Cait.” Batid ko at ngumiti sa kaniya. Niyakap naman niya ako at nag tatalon kaming dalawa. “Ngayon ko lang naramdamang mayakap ng isang kaibigan.”
YOU ARE READING
Red Strings
FanfictionAs Ivy graduated Architecture in National University, the last piece on her puzzle is still nowhere to be found. Being an organizer is her job aside from being an Architect. She grew to love organizing events, but what if one day.. a new client pops...
Red Strings 27
Start from the beginning
