“Bei?” Gulat niyang sambit. “What are you all doing here? Pano niyo nalamang nandito ako?”

Umirap naman si Bea sa kaniya. “Ever heard of phone's location?”

“Doc Zee? Ikaw din nandito?” Gulat niyang tanong dahil nakita niya ulit ang doktor niya.

Umiling iling naman ang doktor. “Deanna, diba I told you na I don't wanna see you again?”

“Yes..? Teka, bakit ba kayo nandito? I mean— wala namang problema pero bakit kasama si Doc Zee, bei?” Takang taka niyang tanong sa kaibigan.

Kitang kita naman ang pagseseryoso ng kaibigan niya. “Deanna, you're hallucinating. Hindi ka na nakakainom ng gamot mo, it should be a maintenance! You're seeing things again!”

“What..?” Kunut noong ani Deanna. “Anong pinagsasabi mo? What hallucinations?”

“Yung kay Ivy. I already told you, she's not here!” Bulyaw ni Bea sa kaniya. “Pinipilit mong nandito siya at buhay siya— tignan mo nga! Ginawa mo pang nanay ang sarili mo sa hindi mo naman anak. What were you thinking?”

Napairap naman sa hangin si Deanna. “I am not seeing things, Bea. Totoo nga mga sinasabi ko!”

“Oh mag meryenda muna kayo, mga hija.” Agad na natigil sa pagsasagutan sila Deanna at Bea nang pumagitma si Tatay Jose at nilapag ang meryenda sa lamesa.

“Dadi.. ang ingay mo po.” Humiwalay bahagya si Alon kay Deanna habang nag kukusot ng mata.

“Sorry, anak. Nadala lang ng emosyon si Dadi.” Sagot ni Deanna at inayos ang magulong buhok ng anak niya. Agad namang napansin ni Alon ang mga di pamilyar na mukha sa harap niya.

“Sino po.. sila?” Nahihiyang tanong ng bata.

Tinuro ni Deanna isa isa ang mga kaibigan niya. “Ito si Tita Bei, bestfriend ni Dadi. Siya naman si Tita Caitlyn, bestfriend ng Mama mo noon. Yun naman si Doc Zee, friend din ni Dadi mo at.. si Tita Miracle mo naman yan.. kaibigan ko din.”

“Hello, girlfriend ako ng Dadi mo.” Sarcastic na pakilala ni Miracle at agad naman siyang sinamaan ng tingin ni Caitlyn at Deanna. “What? I'm just telling the truth.”

Agad na nataranta si Deanna nang makitang naluluha nanaman ang anak niya. “Nobya mo po si Tita Miracle? Iiwan niyo na po kami ni Mama, Dadi?”

“No, anak! Hindi aalis ang Dadi. Dito lang ako, hmm? Hindi ko kayo iiwan.” Pag-alo ni Deanna sa bata at niyakap. Hinalikan ito sa ulo at hinagod ang likod. Lumipat ang tingin niya sa mga kaibigan niya. “Pwede wag muna nating pag-usapan to sa harap ng anak ko? Masiyado pa siyang bata para makarinig ng ganito.”

Napasapo naman ng noo si Bea. “Deanna, that's not your chi—”

“Ah hello? Sorry, makikiistorbo lang hehe kukunin ko lang anak ko. D, akin na muna si Alon para makapag-usap kayo ng maayos.” Lahat sila ay napatingin sa nagsalita at halos mahulog sila sa upuan nila nang makita kung sino ito.

Umiling naman si Deanna. “It's fine, Ivy. Ayaw din humiwalay ni Alon.”

“What the fuck, Deanna. You're not seeing things nga..” Saad ni Caitlyn at napatitig kay Ivy. Maya maya ay bigla na lang itong naluha kaya nataranta si Ivy.

“H-Huy, Ate. Wag ka po umiyak huhu ba't ka umiiyak? Hala.” Natatarantang sambit ni Ivy at agad kumuha ng tissue. “Tissue po oh.”

“So.. buhay ka nga..” Manghang dagdag ni Bea habang nakatingin kay Ivy.

Kitang kita naman ang pagtataka sa mukha ni Ivy dahil sa sinasabi ng mga kaibigan ni Deanna kaya pumagitna si Deanna sa kanila. “Uh, Ivy. This is Bei, bestfriend ko. Caitlyn, bestfriend mo and wife ni Bea. Doc Zee and Miracle.”

“Bestfriend.. kita?” Gulat na tanong ni Ivy kay Caitlyn at agad itong tumango. Hindi na nito napigilan at tumayo siya't niyakap nang mahigpit ang nawawalang kaibigan.

Agad namang napatingin si Ivy kay Deanna ngunit dahan dahan lang itong tumango kaya unti unti niya na ding niyakap at hinagod ang likod ni Caitlyn. Maya maya'y humiwalay ito at nagpunas ng luha. “I am really happy to see you again, sis. Sobrang saya ko na nandito ka na ulit!”

“Pasensya ka na.. Caitlyn ba? Caitlyn diba? Uhm, hindi kasi kita maalala eh. Kayong lahat, sa totoo lang.” Nahihiyang sagot ni Ivy. “Pero wag kang mag-alala, araw araw at gabi gabi naman akong nagdarasal na makaalala na ako at maalala ko na kayo.”

















Tinapik naman ni Bea si Ivy sa balikat. “You don't have to force yourself to remember us, Ivy. Just seeing you here alive makes us happy na.”
_______________________________________________________________________________

Bukas na ulit next ud. Good night, peeps!

Red StringsWhere stories live. Discover now