Red Strings 26

Magsimula sa umpisa
                                        

Hinalikan ko ang noo ni Alon at malungkot na ngumiti. “Mahal kita, anak, kahit hindi ako ang kasama ng Mama mo nang mabuo ka.”

Humiga ako at niyakap ang anak ko. Tanggap ko si Alon kahit hindi siya sa akin nanggaling, galing naman siya sa mahal ko eh. Anak ko na din naman talaga siya ngayon. Nakaramdam naman ako ng antok kaya unti unti na ding pumikit ang mga mata ko.











T H I R D P E R S O N

Huminto siya sa harap ng isang bahay at tumingin sa mga kasama niya. “Ito na ata yun.”

“Tao po?” Tawag pansin niya sa matandang nagkakape sa harap ng bahay. Lumapit naman sa kaniya ang matanda, mukhang nagtataka. “Dito po ba nakatira sila.. Tatay Jose at Nanay Rosaryo?”

“Ako si Tatay Jose.. ah, sino ba kayo mga hija?” Sagot ng matanda na sinusubukang mamukhaan sila pero hindi niya talaga sila makilala.

Ngumiti naman siya kay Tatay Jose at naglahad ng kamay. “Nice to finally meet you po, Tatay. Ako po si Bea, bestfriend po ni Deanna. Nandiyan po ba siya?”

“Ay si Deanna ba kamo?” Nagagalak na sagot ni Tatay Jose kay Bea. “Aba'y nasa loob siya, hija. Halikayo at tuloy kayo sa tahanan namin.”

“Salamat po.” Sambit ng mga kasama ni Bea. Sumunod sila kay Tatay Jose papunta sa loob ng bahay at sinalubong naman sila ng isang ginang.

“Ah, mahal. Nandito ang bestfriend ni Deanna. Tawagin mo nga ang batang iyon at nang makapag usap sila.” Saad ni Tatay Jose sa asawa niya.

Ngumiti naman si Bea kay Nanay Rosaryo. “Magandang hapon po, Nanay Rosaryo. Lagi po kayong bukambibig ni Deanna sa akin pag nag uusap kami.”

“Nako, ganon ba? Eh nag meryenda na ba kayo? Gigising ko lang muna si Deanna ha? Mahal, ipag timpla mo nga sila ng maiinom.” Utos ni Nanay Rosaryo at pumasok na sa loob ng kwarto. Napangiti naman siya agad nang maabutan niyang magkayakap na natutulog si Deanna at si Alon.

Lumapit siya sa kanilang dalawa at marahang tinapik si Deanna. “Deanna? Deanna anak, gising ka riyan. Nandito ang kaibigan mo.”

Naramdaman naman ni Nanay Rosaryo ang paggalaw ni Deanna, hudyat na nagising na ito sa tapik niya. Binuksan ni Deanna ang isang mata niya at tumingin kay Nanay Rosaryo. “Nay? B..akit po?”

“Nandito ang kaibigan mo at binisita ka. Galing pa ata sila ng Maynila.” Sagot ni Nanay Rosaryo sa kaniya. “Labasin mo na sila doon at gagawan ko kayo ng meryenda.”

Dahan dahan namang umupo si Deanna. “Sige, Nay. Salamat po.”

Sabay silang napatingin kay Alon na gumagalaw na din at biglang umupo. Nakapikit ito at parang iiyak na. Inangat nito ang parehong braso niya, gustong magpabuhat kay Deanna.

Tumayo naman si Deanna at binuhat si Alon. “Nako, anak. Ako nang bubuhat diyan at makipag kwentuhan ka muna sa mga kaibigan mo.”

“Ayos lang po, Nay. Baka umiyak din po ito kapag hindi ako ang bumuhat sa kaniya.” Sagot ni Deanna habang hinahagod ang likod ng anak.

“Sigurado ka ba?” Tumango naman si Deanna, nananatiling nakapikti ang isang mata. Inaantok pa ata. “O siya sige, halika na't lumabas na tayo. Naghihintay na sila sa'yo.”

Dahan dahan at maingat na lumabas ng kwarto si Deanna para hindi magising si Alon dahil nakapikit pa ang isang mata niya. Hinahanap ang kaibigang sinasabi ni Nanay Rosaryo, agad niyang naidilat ang isa pa niyang mata nang makita niya sila Bea sa harap niya.

Red StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon