“Hindi ka na po ba babalik sa Maynila? Wala po ba kayong bagong asawa?” Umiiyak pa rin na tanong ni Alon sa kaniya. Nakita ko namang bigla siyang natigilan.
Tama nga ako. May bago na nga siyang kinakasama.
Tumayo na ako at kinuha si Alon sa kaniya. “Anak, hindi natin pwedeng pigilan umalis ang Dadi mo. Sabi ko sa'yo diba, may buhay siya Maynila? Tahan ka na, nandito naman lagi si Mama eh.”
Hindi na nagsalita si Alon at umiyak na lang nang umiyak. Masyado pa kasing bata si Alon para maintindihan ang mga ganitong bagay. Pinatahan ko na lang siya at nakatulog naman siya. Hiniga ko na siya sa kama at lumabas, sumunod naman si Deanna sa akin.
“San ka pupunta?” Takang tanong ni Deanna nang makita niyang hawak ko ang wallet at phone ko.
Ngumuso naman ako sa labas. “Diyan lang. May bibilhin lang ako. Ikaw muna mag bantay kay Alon.”
Hindi ko na siya hinayaang sumagot at lumabas na ako. Naabutan ko si Nanay at Tatay na nagtatawanan sa bakuran. “Nay, Tay, may bibilhin lang po ako sa palengke.”
“O sige, anak. Mag-ingat ka ha?” Ang totoo niyan ay hindi ako sa palengke nagpunta. Dumeretso ako sa may dalampasigan at naupo sa buhanginan. Nakatanaw lang ako sa payapang dagat na nasa harapan ko.
Hindi ko alam pero may naramdaman akong kirot sa dibdib ko nung hindi sumagot si Deanna kay Alon kanina. Akala ko kasi wala siyang bagong kinakasama kaya okay lang na makasama niya kami dito.
Pero siyempre.. ano nga bang inaasahan ko? Ni hindi ko nga siya maalala. Hindi naman siguro patas na ikulong ko siya dito kasama ako, na nakaraan niya na. Panigurado akong hinihintay na din siyang umuwi ng nobya niya sa Maynila. Bakit nga ba kasi ako umasa sa kaniya? Nasasaktan tuloy ako ngayon.
“Kailan ba ako makakaalala?” Bulong ko sa sarili ko at binato sa dagat ang batong hawak ko. Nakatitig lang ako sa dagat nang mapatingin ako sa taas kung saan pwede kang tumalon sa dagat.
Agad akong napahawak sa ulo ko nang bigla itong sumakit.
“Bitawan mo ko! Nandidiri ako sa'yo!”
“Akin ka lang, Ivy. Tandaan mo yan! Hinding hindi ka mababawi ni Deanna sa akin!”
“Tol, tangina! Napatay mo ata siya! Anong gagawin natin?!”
“Itapon. Itapon natin siya sa dagat. May alam akong lugar.”
“Parang awa mo na, tigilan mo na to.. Nandidiri na ko sa sarili ko..”
“Ang ganda na ang seksi pa! Tiba tiba tayo dito, tol!”
“Hindi mo ko matatakasan, Ivy.”
“Shet! Ang sakit!” Inda ko dahil sobrang sakit ng ulo ko. Sunod sunod ang mga pangyayaring lumilitaw sa utak ko. Ang huling nakita ko lang ay nakahiga ako sa loob ng isang bodega at may lalaki sa harap ko.
Yun ba? Yun ba yung nangyari nung nadakip ako? Bakit hindi ko pa rin maalala nang buo? Gusto ko nang maalala ang lahat para matahimik na ang utak ko sa mga tanong.
D E A N N A
Pinagmasdan ko lang kung paano lumabas si Ivy ng pinto. Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa nangyari. Hindi ko naman inakala na matatanong sa akin ni Alon ang mga ganong bagay.
Nakaupo lang ako sa tabi ni Alon at sinusuklay ang buhok niya. Iniisip kung paano ko kakausapin si Miracle tungkol dito. Ayokong mas lalo siyang masaktan kapag pinatagal ko pa yung amin. Mahal ko siya.. pero.. mas mahal ko si Ivy at Alon.
YOU ARE READING
Red Strings
FanfictionAs Ivy graduated Architecture in National University, the last piece on her puzzle is still nowhere to be found. Being an organizer is her job aside from being an Architect. She grew to love organizing events, but what if one day.. a new client pops...
Red Strings 26
Start from the beginning
