Kita ko naman ang pamumula ng pisngi ni Isla sa narinig niya kaya bahagya akong natawa. “Nako, Aling Martha! Hindi ho, siya ho yung sinagip namin ni Tatay sa may dalampasigan kaninang umaga.”

“Hala eh okay ka na ba, hija?” Baling sa akin ni Aling Martha. “Wala namang masakit sa'yo? Baka nama'y tumama ang ulo mo sa bato at nagka amnesia ka rin–”

“Aling Martha, eto na po yung bayad oh. Akin na po yung coke hehe.” Pagputol ni Isla sa sinabi ni Aling Martha. Pag abot ni Aling Martha ng bote ay hinila na ako paalis ni Isla.

“Baka nama'y tumama ang ulo mo sa bato at nagka amnesia ka rin–”

“Ikaw ba yung tinutukoy ni Aling Martha?” Lakas loob kong tanong. Sabihin mong oo at maniniwala na ako.

Tumingin naman siya sa akin sabay umiwas ulit ng tingin. “Oo– pero pwede bang wag muna natin pag-usapan ‘yon? Masiyadong masalimuot yung pangyayaring ‘yon kaya hangga't maaari hindi ko inaalala.”

Tangina, siya nga.

“Sige, Isla. Hindi ko na ulit itatanong.” Ngiti ko sa kaniya. Sobrang grabe ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Tuwa? Takot? Lungkot? Hindi ko talaga alam.

“Mama! Pwede po ba akong uminom niyan?” Bungad ni Isla pagpasok namin ng bahay nila.

Nilapag ni Isla ang bote sa lamesa at lumapit sa bata. “Oo naman, anak pero onti lang ha?”

“Salamat, Mama!” Sagot ni Alon at tumakbo papunta kay Nanay Rosaryo para mang hingi ng baso.

Tumulong na ako sa paghahain, nakakahiya naman kung uupo lang ako eh. Bisita ako pero hindi naman ako baldado para pagsilbihan.

“Halina kayo, mga anak. Magsi kain na tayo.” Pag-aya sa amon ni Tatay Jose. Magkatabi kami ni Isla sa kabilang parte ng lamesa, sa tapat naman namin ay sila Tatay at Nanay. Si Alon ay nasa kanan ni Isla dahil sinusubuan niya ito. “Kain ka lang nang kain, Deanna, anak. Masarap yan, si Isla ang nagluto niyan.”

Pag subo ko pa lang ng kutsara na may kanin at adobo ay parang gusto ko nang umiyak. Namiss ko to sobra. Ilang taon kong hindi natikman to. Ngayon, sobrang lakas na ng loob ko na si Isla at ang misis ko ay iisa lang.

Bigla naman akong tinapik ni Isla. “Deanna, oks ka lang? Ba't ka umiiyak? Hindi ba masarap ang luto ko?”

“Hindi, sorry. Naalala ko lang yung.. yung misis ko. Ganito din kasi yung lasa ng mga.. ng mga luto niya. Pasensya na.” Agad kong pinunasan ang mga luha kong sunod sunod na bumagsak at lalo lang akong naiyak nang makita ang nag-aalalang mukha ni Isla.

“Anak, kuhaan mo nga ng panyo ang Tita Deanna mo sa kwarto.” Agad namang tumakbo si Alon papunta sa kwarto at binigyan ako ng panyo pagbalik niya.

“Thank you, alon.” Sagot ko at pinunasan na ang mga luha ko.

Matapos kumain ay nagpaalam ako kela Isla na maglalakad lakad lang ako sa tabing dagat. Sinamahan naman ako ni Tatay Jose dahil magyoyosi daw siya. Nang magsindi si Tatay ay inalok niya ako. Tinitigan ko naman ito, “Hindi ka ba naninigarilyo, anak?”

Hindi ko siya sinagot at kumuha na lang sa kaha na inaabot niya. Pinasindihan ko ito saka inilagay sa bibig ko.

“Yung misis mo..” Panimula ni Tatay habang nakatanaw kami sa malawak na karagatan. “..gaano na nga ulit siya katagal nawawala?”

Binuga ko naman ang usok na nasa bibig ko. “Anim na taon ho, tay.”

“Ilang taon kayong mag-asawa?” Tanong ulit niya.

Napaisip naman ako, nagbibilang kung ilang taon na nga ba kami. “Mga 8 years na din ho halos.”

“Hinanap mo ba siya? Ano nga ulit ang pangalan niya?” Kunut noong tanong ni Tatay.

“Hinanap ko si Ivy, tay.” Sagot ko at humithit buga ulit. “Sa loob ng anim na taon, hinanap ko siya. Lahat na ng tauhan ko pinahanap ko sa kaniya pero wala. Hindi talaga nila nakita. Inisip namin na baka wala na siya. Grabe ho ang pinagdaanan ko sa loob ng anim na taon.”

Nakikinig lang naman siya sa akin at halatang dinadamayan ako. Nangingilid nanaman ang mga luhang huminto na kanina. “Noong unang tatlong taon hong nawawala siya, nawala din ho ako sa sarili ko. Bumigay yung utak ko, pero gumaling din naman ho ako. Pinag hilom ko yung sarili ko sa mga nangyari habang hinahanap pa rin siya. Pero hindi talaga siya nagpapakita sa akin.”

“May litrato ka ba ng asawa mo, anak?” Tanong ni Tatay. Nilabas ko ang dalawang litrato sa wallet ko. Picture na magkasama kaming dalawa at yung picture na pinaprint ko na huling hitsura ni Ivy nang dakipin siya. Inabot ko yon pareho sa kaniya at para naman siyang matutumba nang makita nya ang huling picture ni Ivy kaya inalalayan ko siya. “Mahabaging Diyos..”

“Itong litrato ho na ito ang hitsura ng misis ko noong dakipin siya noon.” Binalik sa akin ni Tatay Jose ang mga litrato at dali daling binuksan ang cellphone niya. Nagpindot siya doon at saka hinarap sa akin ang phone niya na dahilan para mapatakip ako sa bibig ko. “B–Bakit..”

















Habang hawak ko ang phone ni Tatay ay napahilamos siya sa mukha niya. “Yang litrato na yan.. yan ang araw na natagpuan namin si Isla sa kabilang isla na walang malay at puro dugo ang ulo.”

_______________________________________________________________________

Oops.. bitin muna. Maglilinis lang ako kwarto ko 🤪

Red StringsWhere stories live. Discover now