“Are you happy?” Nakangiting tanong ni Miracle habang kumakain kami ng ice cream at naglalakad. Tumango naman ako sa kaniya. “I am glad that you're happy, Deanna.”

“Thank you for being my happiness, Miracle.” Nakangiting sagot ko sa kaniya at hinalikan siya sa noo.

Sino nga ba si Miracle?

Maria Miracle Diamante Guevarra, or Miracle. She has been my bestfriend simula nang makalabas ako ng mental hospital. Pauwi ako non sa bahay nang mabangga siya ng sinasakyan kong taxi. I accompanied her to the nearest hospital para mapagamot yung injuries niya. Simula noon naging close na kami. A year after, she confessed her feelings to me. Siyempre at that point hindi ko pa kayang i reciprocate yung nararamdaman niya kasi fresh pa yung nangyari for me.

Now that I freed myself from everything, I guess this is the right time to give myself the chance to love again.

“Darling?” Tawag ko sa kaniya. Lumingon naman siya habang nakataas ang kilay niya. “I love you.”

Kita ko naman ang pagtigil niya dahil sa gulat. Gulat na gulat siyang tumingin sa akin. “A–Ano?”

“I love you kako.” Pag-ulit ko pa at nakita ko ang pamumula ng pisngi niya. Bigla naman akong nataranta nang mangilid ang luha. “No, no, no– don't cry!”

“Ang tagal kong hinintay ‘to.” Sambit niya at hinatak ang damit ko para siilin ako ng halik. Sa p⁹agitan ng mgha halik namin ay ngumiti ako at hinawakan ang mukha niya.

Ang sarap sarap magmahal ulit.










B E A

“Love, sa tingin mo ba.. wala na si Ivy?” Rinig kong tanong sa akin ni Cait habang nagkakape kami dito sa kusina.

Humigop naman ako sa mug ko. “Honesy, I don't know. I feel like.. I feel like she's gone. Ikaw ba?”

“Pakiramdam ko buhay pa siya, Love.” Sagot niya kaya naman naging interesado akong pakinggan ito. “Hindi dahil sa kaibigan ko siya o ano, pero yun lang talaga nararamdaman ko. She's.. somewhere out there and I don't know.”

Lumapit naman ako sa kaniya at niyakap. “Wherever she is right now, I hope she's safe.” Sambit ko at ipinatong ang baba ko sa balikat niya.

Biglang nag ring ang phone ko kaya naman inabot ko ito. “It's Deanna.”

“Go, answer mo na. I'll just go wash these.” Sambit niya kaya humiwalay na ako sa kaniya at sinagot ang tawag ni Deanna.

“Hey, D. What's up?” Bungad ko rito.

“Bei, let's have dinner later.” Sagot niya na mukhang masayang masaya siya. I'm glad she's happy. “You, Me, Cait and Miracle.”

Gumuhit naman ang ngiti sa labi ko nang marinig ko ang sinabi niya. “I think I know the reason for this sudden dinner.”

“Hahahaha! Wag ka na ano diyan, Bei. Let's meet at Wresto by 8 PM. G?” Tanong niya.

“Sure, sige. I'll tell Cait about that.” Sagot ko.

“Yown! We'll see you there ha? Thanks, Bei!” Sagot niya. Um-oo ako sa kaniya at pinatay na namin ang tawag.

You know I'm really glad that Deanna's back to her old self. Masiyahin, at hindi na lugmok. I really did the right thing na ipa admit siya sa mental hospital before. Gumaling talaga siya, thanks to Doc Zee.

Umakyat ako sa kwarto namin at lumapit sa misis kong nakaupo sa kama. “Love, Deanna invited us for dinner sa Wresto.”

“What for?” Takang tanong niya.

Red StringsWhere stories live. Discover now