Dahan dahan naman siyang umiling. “No, I didn't.”
“Ah okay.” Tumatangong sagot ko. Uminom ako ng tubig bago magsalita. “Eh saan ka nag stay kagabi? Nag OT ka ba sa office?”
“Eli's.”
Eli? Si Elaine? May nickname na pala sila ngayon? At ano? Doon siya natulog kagabi??
Uminom ulit ako ng tubig, nagbabaka sakaling mapawi ang nginig ng kamay ko. “Bakit.. bakit doon ka natulog? May bahay ka dito, Ivy.”
“Ang layo kasi dito, galing pa kaming tagaytay.” Plain na sagot niya.
“Pwede ka naman mag rest saglit then umuwi ka dito? May asawa kang naghihintay sa'yo. You could've at least told me na doon ka matutulog, Ivy.” Inis kong sagot.
Nakita ko namang napamasahe siya sa noo niya. “I was drunk okay? I couldn't drive anymore and it's not safe. Gusto mo bang maaksidente pa ako?”
“Drunk???” Hindi makapaniwalang sagot ko. “Kailan ka pa uminom at natulog sa ibang bahay nang hindi nagsasabi sa akin? I was damn worried! Tinatawagan at minemessage kita buong gabi just to know now that you were drunk, with who? With that asshole!”
“Kailangan ba laging magpapaalam sa'yo, Deanna?” Nagulat ako nang pag taasan na din niya ako ng boses. “Hindi kita nanay, hindi rin kita tatay para mag paalam pa sa'yo. Am I a toddler? Stop acting as if you own me!”
“But I'm your fucking wife!” Inis kong sigaw na dahilan para mapatigil siya. “I am your wife and the least thing you can do to give me some respect is to let me know your whereabouts! Nakalimutan mo na atang asawa mo ko kakasama mo sa gagong yan!”
Hindi siya nakasagot pero nanatiling kunot ang noo niya. “I never demanded you anything. Umalis ka nang tulog ako, okay. Umuwi ka nang tulog na ako, okay lang din. Ang importante sa akin alam kong nandito ka. But since you were hanging out with that douchebag, nawala na ako sa isip mo. I was being considerate to you, Ivy. Kahit kailan wala kang narinig na reklamo sa akin kahit na halos himdi na kita nakikita.”
“But just a simple update wouldn't hurt you.” Dagdag ko. “Unless you both are doing things behind me then that would be understandable.”
“Deanna, no—” Hindi ko na siya pinatapos at tumayo na ako at umalis ng bahay. I wanted to clear my mind and my heart. Gusto kong makahinga nang maayos. It suffocates me seeing Ivy and think about the things that they did without me knowing.
Akala ko kasi okay na. Akala ko sapat na yung tiwala ko para di na ako masaktan. Pero hindi pa pala. I was too dumb to gaslight myself na hindi na nya magagawa yon. Masyado akong naniwala at nagtiwala.
Kakalakad ko ay napadpad ako sa tapat ng bahay nila Bea. Sakto namang biglang umulan kaya pumindot na ako sa doorbell nila. Ilang beses ko itong pinindot at nagtatahulan na din ang mga aso nila sa labas. Lamig na lamig na ako dahil basang basa na ko ng ulan.
“What the— Deanna?!” Gulat na sambit ni Caitlyn at tumakbo papunta sa gate bitbit ang payong. Pagbukas nya ng gate ay halos matumba na ako sa kaniya. “Deanna! Anong nangyari?! Halika tayo ka maayos para makapasok tayo.”
Inalalayan ako ni Caitlyn papasok ng bahay nila. “Manang? Pahingi nga po ng towel! Salamat!”
Agad na dumating si Manang na may dalang towel at pinunasan ako agad ni Caitlyn. Sakto naman ang pagbaba ni Bea. “Deanna? Anong nangyari?? Bakit basang basa ka?”
“Naulanan siya sa labas, love. Eh teka ba't ba nagpaulan ka doon?” Takang tanong ni Caitlyn.
Nanginginig naman akong sumagot. “Nag-away kami.”
“Ha? Bakit?” Gulat na tanong ng dalawa. Kinwento ko sa kanilang dalawa ang nangyari at nagulat din sila sa kwento ko. Magsasalita pa sana ako ulit nang mag ring ang phone ko. Buti hindi nabasa to.
“Guard house?” Takang bulong ko sa sarili ko at sinagot na. “Hello?”
“Hello, Ma'am Deanna? Umalis po ba kayo ni Miss Ivy?” Tanog ng Guard sa akin.
“Ako lang po ang umalis, bakit?” Takang tanong ko ulit.
“Nag roronda po kasi kami ng kasama ko at nakita po naming bukas yung pinto at gate ng bahay niyo. Pumasok po kami para tignan po kung may tao pero wala pong kahit isa sa inyo kaya akala po namin umalis kayo.” Sagot ng guard na ikinakunot ng noo ko. “Nakita din po kasi namin si Miss Ivy na sumakay sa puting van.”
“Puting van?!” Gulat kong tanong. “Sige babalik na ko. Paki check ang cctv nyo kung nahagip yung plate number nung puting van, salamat.”
“Anong nangyari?” Tanong nila.
“Nawawala si Ivy.” Sagot ko at lahat kami ay nagpunta sa bahay. Naabutan namin ang security na nandon pati ang mga guard. Dumeretso ako sa loob at hinalughog ang buong bahay para hanapin si Ivy.
Wala.
Wala si Ivy.
Saan naman kaya nagpunta yon?
Nag-iisip ako ng pwede niyang puntahan nang biglang mahagip ng mata ko ang ref. Agad akong lumapit doon at kinuha ang note na nakadikit.
Wag mo nang hanapin si Ivy, hindi na siya babalik sa'yo. Akin na siya habang buhay.
– M
“Who the fuck are you, M?” Kunot noo kong tanong sa sarili ko habang nilulukot ang papel na hawak ko.
Magtutuos tayong dalawa kung sino ka man.
_______________________________________________________________
YOU ARE READING
Red Strings
FanfictionAs Ivy graduated Architecture in National University, the last piece on her puzzle is still nowhere to be found. Being an organizer is her job aside from being an Architect. She grew to love organizing events, but what if one day.. a new client pops...
Red Strings 18
Start from the beginning
