“Dress? Para saan?” Sabihin mo please, ayokong magkaron tayo ng problema.

Nag kibit balikat naman siya. “Lingerie nga eh. Di ko alam bat nya ko binigyan ng ganon. May pa letter pa syang thank you for last night, ang panget basahin. Kala mo naman kung anong ginawa namin eh nagpatulong lang naman siyang bumili ng regalo sa nanay niya. Weird."

Nakahinga naman ako nang maluwag. Akala ko.. akala ko hindi niya sasabihin kung anong laman non. Tama nga sila, nag grow kaming dalawa as individuals.

Tumawa na lang ako at nag kamot ng ulo ko. “Weird talaga niyang in investor mo eh no?”

“Sinabi mo pa.” Sagot niya at niyakap ako. Hinalikan ko naman ang noo niya. “I love you, Adi.”

“I love you most, Misis ko.” Sagot ko sa kaniya at hinigpitan ang yakap sa kaniya.

Hindi ko naman alam na yun na pala ang huling beses na malalambing ko ang asawa ko. Dahil ang mga sumunod sa araw, linggo, at buwan, naging sobrang busy na siya kasama si Elaine na ultimo kakain na lang kami sa labas ay aalis pa siya kasi laging may emergency sa office at site. Gusto kong magtampo pero anong magagawa ko? Trabaho yan eh, asawa lang naman ako.

Aalis yan tulog pa ko, uuwi yan tulog na din ako. Halos hindi ko na nga alam hitsura ng asawa ko. Parang mas asawa pa yung Laurent na yon kesa sa'kin eh.

May tiwala naman ako sa kaniya, pero kay Elaine? Wala. Naiirita ako kada pinopost niya sa Instagram niya ang asawa ko. Asawa mo ba yan? Nakiki asawa ka eh.

Nag-uusap naman kami ni Ivy thru calls and messages pero siyempre, hindi naman sapat yon. Pero napansin ko lang na lagi niyang sinasabi na parang may nakatingin sa kaniya at parang may sumusunod sa kaniya. Medyo naaalarma na din ako kasi hindi na normal yon. Either may sakit na sa utak ang asawa ko o meron talagang nagmamanman sa kaniya.

Hindi na bago yung ganitong sitwasyon sa akin, maski nung ako pa ang namamalakad sa company namin ay ganyan din ang nararamdaman ko. Muntik pa nga akong mamatay non dahil may biglang sumaksak sa'kin habang naglalakad ako sa labas ng apartment. Siyempre hindi na umabot kay Ivy 'yon kasi nagpa news black out na ako agad bago pa makarating sa kaniya. Kaya naiintindihan ko din ang nararamdaman niya ngayon.

Naghire na din ako ng mga security sa office niya pero pag dito sa bahay ay hindi na ako naglagay dahil safe naman siya dito.

Nakarinig ako ng tunog ng sasakyan sa labas, himala? Ang aga ata umuwi neto.

Lumabas ako at pinag buksan siya ng gate. Malawak ang ngiti kong sinalubong siya ng mainit na yakap. “Hi, Adiiii! I missed youuu.”

“I missed you too, Deanna.” Deanna? Deanna lang? Hindi Adi?

Kunut noong sinundan ko siya sa loob ng bahay. Buti pala nakaluto na ako. Dumeretso ako agad sa kusina para ihain ang niluto ko. “Adi, come! I cooked adobo flakes for dinner. Tara let's eat.”

Pumasok naman siya sa dining at naupo. Pinag sandukan ko siya ng food. “Let me know what it taste like.”

“It's good.” Good? Good lang? “It's not that crunchy pero masarap.”

“I'm glad you liked it.” Alanganing sagot ko at kumain na din. Nang malapit na akong matapos ay may naalala ako. “Uh, Adi? Where were you yesterday night? Nagising ako ng madaling araw, wala ka sa tabi ko. Umuwi ka ba?”

Red StringsWhere stories live. Discover now