"O, ano'ng sabi dun sa note ?"

"He said that he's trying to move on, but he really can't. But at least, he's really trying."

"Mahal na mahal ka talaga niya, best. Sayang lang. Kung hindi siya nagpatalo sa pagiging possessive niya, maybe until now, he still have you. Ang kaso, nagkamali talaga siya eh."

"Ayoko ng isipin yun, nasasaktan pa rin kasi ako kapag naaalala ko lang yung ginawa niya. Tara na nga, ng matapos na natin yung activity."

"Kasabay na naman ba natin si Jared my loves mamayang lunch ?"

At nakita niya ang malaking ngiti ni Celine.

"Lagi na di ba ?"

"Ikaw ha, ang ganda-ganda ng ngiti mo. Tuwang-tuwa sa sinabi ko. Uyyyy ...." asar niya dito.

Natawa si Celine.

"Hindi no ! Tara na nga !" at nauna ng naglakad. Parang nakita niya pa itong namumula.

Pero napatigil ito ng mapagsino ang makakasalubong.

***

CELINE'S POV

I suddenly stop when I saw him.

Napatigil din siya sa paglalakad.

Naramdaman ko na lang na agad na tumabi sakin sila Jason and Marcus.

"J-James ..." kanina lang pinag-uusapan namin siya.

Hindi siya gumalaw sa pwesto niya.

We are now facing each other, no words coming out from our mouth, just silence.

Pinagmamasdan lang namin ang bawat isa.

3 weeks na pero feeling ko, ang tagal-tagal naming hindi nagkita.

Kung last time he begged to me just to talk to him, this time, hindi na siya nagsasalita.

"Celine ..." he finally said it.

"Ma'am Celine ..." si Jason.

Mukhang alam na niya ang gagawin nila Jason kaya naman, ngumiti lang siya ng matipid at agad na akong nilagpasan.

HIndi ako aagad nakakilos.

"Celine, are you okay ?" tanong ni Patrice.

I took a deep breathe at nalingon siya na patuloy na lumalayo.

May naramdaman pa rin akong miss sa part ko. I miss the old James. Pero lamang pa rin ang takot ko.

Kanina nung tingnan ko yung mga mata niya, parang may gusto siyang sabihin sakin. Siguro hindi na lang niya ginustong magsalita dahil alam niyang, nandito sila Jason.

"T-Tara na, Pat."

At nagpatiuna na ako ng lakad.


Mabilis na natapos ang klase namin.

And as usual, sinundo na naman ako ni Jared straight from our room.

"Nagkita daw kayo ng ex mo kanina ?" tanong niya pagkatapos hawakan ang kamay ko. Lagi naman siyang ganito, laging naka-holding hands sakin.

Nalingon ko siya. Hindi na ako nagulat dahil alam ko namang, nire-report yun nila Jason. Part yun ng trabaho nila lalo na at proscribed person si James.

"Oo." matipid kong sagot.

"Hanggang ngayon, hindi ka pa rin niya tinitigilan ? G'go talaga ! Kapag nagkita lang talaga kami ulit."

"Hayaan mo na, wala namang ginawa eh."

"Walang ginawa kasi may mga bodyguards ka, pero kung wala dun sila Jason, malamang, may gagawin na namang katarantaduhan yun !"

You Are Mine (Published Under LIB)Where stories live. Discover now