Chapter 36

1.8K 26 11
                                    

Christmas Eve at nandito na din si Mama, dahil bati na kami lahat ay napag planuhan naming lahat na mag sama sama this Christmas Eve. Hindi kami mag kasabay ngayon ni Jaze dahil sasabay siya sa Pamilya nya at sasabay ako sa pamilya ko syempre.

Si Jiro naman ay gusto ka din sumama okay lang naman daw dahil sa new year talaga ang celebration siya magulang niya.

Wala pa si Jiro, nasaan na siya? Aalis na kami ni Mama papunta sa venue, at sa beach resort nila Jaze gaganapin yun.

Nag text siya sa akin na susunod daw siya mamaya, at may binibili lang daw siya.

"Can't wait to meet your boyfriend." napangiti naman ako sa sinabi ni Mama.

Ito nga pala ang unang pag kakataon na mag kikita silang dalawa. Hindi ko alam ang mangyayari, at hindi din ako makapag intay kung anong mangyayari.

Huminga ako nang malalim, kinakabahan pa din talaga ako.

Ako na ang nag drive at papunta sa venue, pag dating ko naman dun ay wala pa din si Jiro. Huminga ako nang malalim, nandun na din ang pamilya ni Jaze, pamilya ni Faye at sila Alvin. Agad ako niyakap ni Alvin pag ka punta namin dun. Habang si Mama naman ay nakikipag usap kay Tita.

Nilapitan naman ako ng Mama ni Jaze.

"Hija, you're so pretty talaga." nag beso kaming dalawa at nilibot ko ang paningin ko, wala pa din si Jaze.

"Nasaan po si Jaze?" muli akong nag libot ng paningin.

"Hindi siya sumabay sa amin, he's on his way na siguro." huminga ako nang malalim. Pati si Faye wala pa din. "S-si Faye po?"

"Sabi ni Glenda, nag aayos pa daw." tumango ulit ako at kinalma ang sarili.

Nasaan ba sila? Mag sisimula na ang dinner at wala pa din sila.

"Kamusta ang business Saena?" tanong sa akin ni Tita Glenda.

Balisa akong sumagot. "Okay na okay po."

What if nag susuntukan yung dalawa? Ha, hindi pwede yun. Hindi mangyayari yun. Baka may nangyaring masama sakanila.

"Finally! You're here." nagulat naman ako nang biglang sabi ni Tito.

Nakahinga naman ako nang maluwag nang makita ko si Jaze na kalmadong papunta dito. Dumiretsyo siya sa Mama at Papa niya para mag beso beso.

Ganun ba talaga ang mayayaman? Puro sila beso.

"Traffic lang." sagot naman niya, sabagay Christmas Eve na kasi.

Napatayo naman ako nang makita ko siyang lalapit sa akin pero napatigil siya nang makita niya ang Mama ko na katabi ko.

Gusto ko matawa.

"G-good evening po, Tita." bati niya sa Mama ko.

"Good evening Jaze."

"Can we talk, somewhere private?" namilog ang mga mata ko at napatingin  sa akin si Jaze at tinawanan ko siya nang mahina.

"Opo, pwedeng pwede po." nauna lumabas si Mama at pinuntahan ako ni Jaze.

"Samahan mo ako." kabado niyang bulong at inabot ang kamay ko. Napatingin ako sa paligid, mukhang nag kakasundo silang lahat.

"Private nga diba, kaya mo yan." huminga siya nang malalim at hinalikan ako sa pisngi.

"See you later." ngumiti ako at tumango, tinalikuran na niya ako at sumunod kay Mama.

Habang nag iintay naman at nakikipag usap sa mga bata ay nag pakita na ang dalawa kaya mas naging magaan ang pakiramdam ko. Agad ako lumapit sakanila.

"Faye, Jiro?" saan kayo galing?

"May pinuntahan ako." ang sagot ni Jiro at napatingin ako kay Faye.

"Kakatapos ko lang mag ready." lumapit si Faye sa akin at niyakap ako. "Sorry, late."

"Okay lang, tara na." aya ko sakanila at si Jiro naman ay nauna na.

Pag kabalik ng ni Mama at ni Jaze at nag simula na kaming mag kainan at mag sayahan. Katabi ko si Jaze habang nakain kaming lahat.

"Anong pinag usapan nyo?" bulong ko sakaniya.

"Basta." ngumiti siya at uminom ng tubig. "Basta I love you." pinanlisikan ko siya ng mata at napangiti.

"Kumain ka na nga lang."

Tapos na kaming Kumain lahat kaya naman nag speech ang Papa ni Jaze sa unahan, ganito siguro talaga kapag mayayaman.

"I'm so happy, finally may nadagdag na naman sa family namin and we're so greatful kasi si Saena na yun."

Hindi ko naman maiwasan ang mapangiti.

"Thank you, Tito." ang sabi ko naman at napahinga nang malalim.

Deserve ko naman ito?

Deserve ko ito.

"May gusto ata sabihin si Jaze? Right, Son?" namilog naman ang mga mata ko at napaharap kay Jaze.

Bumilis naman ang tibok ng puso ko.

Napalunok ako sa sobrang kaba.

Tumayo si Jaze at hinalok ang kamay niya sa akin at tinanggap ko naman kahit litong lito na ako.

Dinala niya ako sa unahan.

Balisang balisa na ako at kabadong kabado. Napatingin ako sakaniya na naka tingin sa akin, pag ka upo ng Papa niya at kinuha niya ang kamay ko.

"I am so glad we are together again."

Hindi ako makasagot, walang pumapasok sa utak ko. Napa atras ako nang konti nang simulan niyang lumuhod sa harap ko.

Halo halo na ang nararamdaman ko ngayon, kabadong kabado ako, ang saya saya ko. Hindi ko na alam, sa sobrang saya ko ay wala nang lumalabas na salita sa bibig ko.

"Saena.." tawag niya sa pangalan ko at ramdam ko ang pamumuo ng luha sa mata ko.

Ito na ba, totoo ba ito? Mas maganda pa ay sa harap ng pamilya namin niya ginawa.

"I understand that we have been through a lot together, and we have had our ups and downs. Nobody can make me feel the way you do, and no one understands me like you do. You have always supported me, even when I did not believe in myself. So I am going to take a chance on being with you forever."

Tuluyang tumulo ang luha ko.

"I will never stop loving you. My love for you is endless... I want to marry you.."

Kita ko din ang namumuong luha sa mga mata niya.

"Will you marry me?"

Huminga ako nang malalim at sunod sunod na tumango. "Y-yes, I will marry you."

Kitang kita ko ang pag tulo ng luha sa mga mata ni niya nang sabihin ko ang salitang yun.

Narinig ko ang palakpakan nila at tumayo si Jaze at kinuha niya ang kamay ko para isuot ang sing-sing.

"I love you, Saena. I love you so much. I will never fail you." bulong niya sa akin at hinalikan ako mabilis lang naman at niyakap niya ako.

"I love you." sagot ko at niyakap ko siya pabalik.

Punong puno na ng kasiyahan ang puso, punong puno na ng tuwa.

I feel so much loved.

Naramdaman ko na ang pag mamahal ng isang pamilya. Yung matagal ko nang hinahanap.

At ramdam kong mahal na mahal niya ako, ni Jaze, parang wala na akong hihilingin pa.

I feel so much loved.

Endless | Warmth 1 | Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon