Chapter 7

2.3K 44 13
                                    

Tulala ako habang binabasa ang script ko, akala ko nung unang sweldo ko ay mawawalan na ako ulit ng trabaho, kasi temporary lang naman 'yun. Umalis kasi bigla 'yung dapat na lalabas sa TV. Pero na imbitahan ako na mag reporter din sa isang balita sa TV.

Kabado ako, tuwing weekends lang naman ito pero kabado pa din ako.

Mag isa lang ako dito sa hallway naka upo sa upuan habang kinakabisado ang opening line ko pag-labas ko sa TV kasama si Kuya Camera man.

May bigla naman tumabi sa akin, alam ko na kunh sino. Si Jaze interview siya dito mamaya ishoshoot at ipapalabas next week sa midnight show.

"Good morning, Saena." hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa pag kakabisado ko ng scripit. "Bakit takot si 6 kay 7?" napairap ako.

"Malay ko."

"Kasi 7 8 9." sabi niya at tumawa, napaharap ako sakaniya at tumatawa pa din.

"Umagang umaga, katarantaduhan 'yang nasa utak mo ano?" sabi ko sakaniya at tumayo. Sumandal siya sa upuan at tumigil na sa pag tawa.

"Sama ka sa akin mamaya gabi ha?" kumunot ang noo ko, ako na naman.

"Teka nga bakit ba---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang may biglang dunaam na staff. Huminga ako ng malalim at sinamaan siya ng tingin.

Nandito ako sa may tapat ng river side dahil may pa event dito si Mayor kaya naman mag iinterview kami ng mga tao, tanghaling tapat kaya napaka init.

Ang dami ding tao sa likod ko na pakaway kaway sa camera habang nag sasalita ako, hangang sa natapos naman masaya kaming lahat dito dahil hindi na makikipag sapalaran sa init ng panahon.

Nag tanghalian muna kami sa building bago umattend ng meeting. Ang dami naming pinag usapan doon. Pagod akong lumabas sa pintuan. Nag CR muna ako bago umuwi.

5 na ng hapon, nag cellphone ako bago mag retouch, napansin ko naman ang post ni Mama. Silang apat habang hawak hawak ang cake na binili sa Goldilocks dahil may medal na naman ang kapatid ko.

Aasa pa ba ako? Wala na akong madadatnan pag-uwi. Pinatay ko na lang at inayos ang cellphone, ayoko munang umuwi.

Tumambay muna ako sa waiting shed habang nakain ng fishball, 6 na ng gabi hinayaan ko lang ang mga jeep na dumaan mamaya na ako uuwi kapag tulog na sila dun.

Nakasandal ang ulo ko sa bakal, biglang sumagi sa utak ko ang unang pag kakataon na sumakay ako sa kotse ni Jaze. Napailing ako at napatayo na lang, 'wag na isipin, kalimutan na lang. Natakip ako ng mukha.

Pero hindi ko talaga mapigilang isipin, ano bang meron sa akin? Wala akong bilib sa sarili ko tapos ako naman 'yung gusto niyang isama sa lahat ng bagay? May kaibigan naman siya, ang yayaman pati, wala akong tiwala sa sarili ko. Anong nakita niya sa akin at gusto niya akong kaibigan.

"I knew it, dito kita makikita." nagulat ako at naibato ko sa dibdib niya ang bote ng cook na may laman pa.

"Aray!" sigaw niya at napahawak sa dibdib niya. Naasinghap naman ako at napatayo.

"S-sorry, ikaw kasi nang gugulat ka!" sisi ko sakaniya at kinuha ang coke na nahulog, bawal mag kalat.

"'Wag ka naman kasi mamato." anas pa niya sa akin, sinamaan ko siya ng tingin.

"Babatohin kita sa ayaw at gusto mo!" inis kong sabi sakaniya at lalagpasan sana nang hulihin niya ang aking braso. "Ano?"

"Uuwi ka na agad? Kain muna tayo sa labas?" umiling ako at binawi ang braso ko, inayos ko ang tayo ko.

"No, thank you. Nakakain na ako."

"Edi kumain ka ulit!" hinila na naman niya ako papasok sa sasakyan.

Endless | Warmth 1 | Completed Where stories live. Discover now