Chapter 11

1.9K 39 12
                                    

Nanginginig ang kamay ko habang nag lalagay ng foundation dito sa CR sa building. Hindi talaga mawala sa isip ko ang narinig ko nung isang araw, para akong binaksakan ng maraming bubog sa puso.

Hindi ako makapag focus, may report pa naman mamaya sa isang lugar. Pumunta na lang ako sa loob ng isang cubicle para ilabas ang lahat ng aking hinanakit.

Kaya ba ganun ang trato nila sa'kin? Kaya ba, kaya ba ganun na lang sila kung pag sabihan ako ng mga salita.

Para bang bumalik sa katawan ko ang kaluluwa ko nang may biglang tumawag sa akin.

"Hey, Sae. Tapos ka na ba? Hinahanap ka na ni direk." tumayo ako at pinunasan ang luha ko.

"O-oo! Paki-sabi sandali lang." sabi ko naman ay nag madali na sa ginagawa.

Naging presebtable padin ako sa paningin nila kahit umiyak ako dun sa cubicle.

Tulala pa din ako, nakatingin ako sa bintana ng sasakyan namin papunta dun sa lugar na kailangan namin puntahan, huwag ko na lang muna mas'yadong isipin. Kailangan ko ng energy.

Hawak hawak ang mic, naka tingin sa camera. Meron kasi dito mamaya gabi na event kung saan may mga artist na dadalo para kumanta. Free pa.

"Nandito ako ngayon sa park, kung saan gaganapin mamaya ang event. At sa ngayon, marami nang tao ay tumitingin..."

Natapos naman ang shot at maayos naman, hindi naman ako nautal, hindi ako naiyak. Nakapag focus naman ako.

"Miss, Saena. Kanina ka pa tulala ah?" tanong nung camera man habang inaayos ang mga dapat ayusin.

"Po? Wala po, may iniisip lang ako." ang sagot ko naman sakaniya.

"Nako, Saena. Halata sa mga mata mo na may dinadala ka. Ano 'yan?"

Huminga ako ng malalim at nakaramdam na parang iiyak na, hindi ako makapag salita dahil naiiyak na ako.

"K-kasi po, narinig ko po kahapon sila Mama nag uusap, ampon raw po ako." hindi ko na napigilan at tuluyan nang umiyak.

"Tahan na hija, baka naman may sapat silang dahilan kaya hindi nila nasabi sa'yo agad." napa-hikbi naman ako at hindi na sumagot, baka mamaya mahimatay na ako kaka-iyak kapag nag salita pa ako.

"Sir Jaze? Ano ginagawa mo dito?" nagulat kaming parehas ni Kuya Camera man nang marinig namin 'yun.

"Ha? Napadaan lang gagi." hinanap ko siya at nandun siya malapit sa sasakyan. Naka cap at shades pa.

Kitang kita ko ang mala, redish at pinkish na labi niya mula dito. Ang matangos niyang ilong, naka itim siya na damit at black shorts.

"E, kanina ka pa kaya naka-tayo sa gilid pinapanood mo kami." sabi nung isang kasama ko. Ako naman ay nag pupunas ng luha.

"Hala, that's not me, maybe your eyes are blurry na kaya akala mo ako 'yun." depensa ni Jaze sa sarili.

Natawa naman ang kausap niya.

"Ewan ko sa'yo, Sir Jaze."

Nag katagpo naman ang mga mata namin, kaya naman agad akong napa-iwas ng tingin. Kitang kita ko ang paa niya na palapit sa akin.

"Saena, nandito ka pala."

"Malamang, nag live nga kami kanina." pilyo kong sagot sakaniya akala niya hindi ko narinig ang usapan nila nung guard kanina.

Napunta naman kami sa medyo malayong layong spot sa mga kasama ko para makapag usap kami, hindu niya tinanggal ang shades niya pero alam kong nakatingin siya sa akin.

"Tell me the truth, kayo ba talaga ni Jiro? Kasi kung oo. Ako na lalayo." gusto kong matawa sa mga pinag sasabi niya.

"Ano ba, Jaze? Naka singhot kaba ng rubgy."

Endless | Warmth 1 | Completed Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin