Chapter 25

1.5K 30 5
                                    

(revised chapter)

Balisa akong bumalik sa table Namin at natagpuan ko si Jiro na kumakain na at may pagkain na din ang plato ko.

"Grabe, ang dami nang nag salita na mga tao sa stage, ang tagal mo may CR." napairap na lang ako at umupo na.

"Angas nila, mag sushi dito." sabi ko naman habang nakatingin sa plato ko.

Para kaming dalawang batang uhugin na first time lang makapunta sa ganitong event. Well! It's really our first time!

Marami nang kaganapan at kaming dalawa ni Jiro ay mamghang mangha sa mga taong nag bibid, wala e kulang pera namin ngayon. 

Sa kadaming taong naka interact namin ni Jiro ay nag papasalamat ako na hindi nag tagpo ang landas namin ng taong yun. Gusto ko umalis dito na walang kahihiyan.

Nag open ako ng cellphone ko at ang IG stories ni Jiro at sa FB niya ay punong puno ng mga selfies niya with celebrities.

"Ang dami na nating na meet, may dalawa pang hinde." siniko ko siya at napa aray siya.

"Bago natin sila ma meet, umuwi na tayo. Inaantok na ako." yaya ko sakaniya at inayos ang sarili ko.

"What? Agad agad, niyaya ako ni Ricky na mag shot daw kami." kumunot ang noo ko.

"Who's Ricky?!"

"Tumanggi ako, okay? Kasi mag d-drive pa tayo pa uwi." napailing naman ako.

"Oh, tara na."

"Pero, na guiguilty ako. Wait for me na lang sa parking lot kung ayaw mo dito mag intay. 3 shots lang promise."

Sana may martilyo na mapunta sa kamay ko at masampiga ko sa mukha niya. Wala naman akong nagawa kundi gawin na ang sinabi niya, mas mabuti pa nga yun na sa kotse na ako mag intay kesya makasalamuha ko pa ang isang tao dyan.

Habang nag lalakad sa parking lot ay may pamilyar na boses ako na narinig.

"I'm going home na, I'm tired." napatigil ako sa pag lalakad na para akong nasemento ang katawan ko. "Yeah, bye."

Dahan dahan akong tumalikod para naman hindi niya marinig na may tao sa parking lot. Mag lalakad na ako nang makita ko ang kaibigan niya na palabas din kaya wala akong choice. Meron akong choice! Malapit na yung kotse kaya tatakbuhin ko na lang siguro.

Napatingin ako sa heels ko, fuck. I'm fucked up. May mga tao din na pumupunta sa parking lot at isa isang binabati ni Jaze na thank you for coming.

Huminga ako nang malalim at nag simulang mag lakad para hindi halata, kinukuha ko na ang pag kakataong ito para makatakas sa sumpa ngayong gabi. Pero sa minalasmalas ko ay bigla may nag salita at alam kong para sa akin yun.

"Thank you for coming." nakatalikod ako sakaniya, wala na siyang kausap.

"S-salamat din." utal kong sagot sakaniya dahil ang disrespectful naman kung nag thank you yung tao tas wala ka pake.

"W-wait, you're familiar." binaril ako ng sandamakmak na yelo nang sabihin niya ang mga katagang yun.

"Saena! Wait!" tuluyang gumuho ang mundo ko nang marinig ko ang boses ni Jiro at tinatawag niya ang pangalan ko.

Humarap ako sa direksyon at sinamaan ko siya nang tingin, dahan dahan siyang tumakbo at nilibot ang paningin niya.

"Saena?" yumuko ako at nag lakad na nang mabilis papunta sa kotse. "W-wait! Saena."

Narinig ko ang takbo niya palapit sa akin habang ako ay kabadong kabado at nag mamadali nang mag lakad.

"Saena.." anas niya at napunta na siya sa harap ko. Namilog ang mga mata ko nang makita ko na siya sa malapitan.

Ang puso ko, nakikipag karera sa bilis, masasabi ko talaga na napaka galing niyang racer dahil ang bilis niya palaging patakbuhin ang puso ko.

Anong sasabihin ko? Act cool!

"Jaze?" kunwaring walang alam kong sagot sakaniya. "Ikaw pala yan. It's so nice to see you again."

"H-hinahanap kita simula nung nag kita tayo sa BGC, remember?" tanong niya sa akin at tuluyan akong natameme.

Para siyang nag upgrade, napaka gwapo na niya. Hindi ko na alam kung saan ako titingin. Punong puno ng saya ang mata niya.

"Oh, I didn't notice you there." pag sisinungaling ko.

"It's fine, at least nag kita na tayo ulit." akmang kukunin niya ang kamay ko pero umatras ako.

Ang galaw na yun ay nag pa iba ng emosyon sa mga mata niya, nag taka siya. Bakit siya nag tataka, alam niya mga ginawa niya.

"Hey." nag papasalamat ako at dumating na si Jiro. "Uy, idol Jaze."

Napaltan naman ng inis ang mukha ni Jaze nang makitang mag kasama kami ni Jiro.

"Pwede mag pa picture?" nagulat ako sa tanong ni Jiro.

"No."

"Luh, picture lang."

"Ah, sige Jaze. Mauna na kaming dalawa ni Jiro. Good night." anas ko sabay hila sa lokong ito.

Nung nasa sasakyan na kami ay tinignan ko siya nang masama.

"Baliw ka ba, Jiro? Bakit ka mag papa picture sakaniya?!"

"Idol ko siya e."

Wow, parang hindi niya hinamon ng suntukan si Jaze.

"Joke, inaasar ko lang siya talaga. Pinag seselos ko lang siya." sabi niya habang pinapaandar na ang sasakyan.

"What the fuck is wrong with you?" inis kong anas sakaniya. Napatingin naman ako sa likod at nakita ko si Jaze na balak habulin ang sasakyan at nag salita si Jiro na ikinawala ng focus ko kay Jaze.

"Duh! Don't you see? Gusto ka pa niya. Besides napanood ko yung interview niya 2 years ago and he's very sincere kaya nag bago na pananaw ko sakaniya." paliwanag ni Jiro na ikinagulat ko.

"Bakit hindi mo sinabi sakin?!"

"Sis?! Nasa kalagitnaan ka ng pag momove on nun! Si Mama mo lang kinakausap mo nun kasi mas lalo ka nasaktan pag punta natin dun sa probinsya. Hanggang sa ayun nakalimutan ko na." paliwanag niya naman na mas lalo ko pang ikinagulat.

Napanganga ako. "Edi para sakin yung mga pinag sasabi niya dun?"

"Duh! Oo! Kanino pa ba. Chismis din sakin ni Richard, hindi kasal si Jaze. Ready to mingle pa daw sayo yun." natatawang sabi ni Jiro na ikinainit ng pisngi ko.

"E, ano yung nakita natin sa bahay nila?" tumawa siya.

"Ang dami kong chismis na alam ano? Mas maganda na si Jaze mag sabi sayo nyan." hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko ngayon.

Nanaginip ba ako?

"Pero! Naka move on ka na diba? Hindi mo na siya mahal sayang naman." napairap naman ako sa sunod pa niyang sinabi.

Ewan ko.

Endless | Warmth 1 | Completed Where stories live. Discover now