Chapter 19

1.4K 26 3
                                    

Kapag naiisip ko siya noon, ay kusang ngumingiti ang labi ko, pakiramdam ko naman ay nasa isang paraiso akong mapayapa. Pero ngayon...kapag iniisip ko siya, kusang nawawala ang mood ko. Para akong binabaril ng libo libo kutsilyo sa puso. Ang sakit.

Nasa condo niya ako ngayon at iniintay siya na bumalik sa kotse niya dahil bumibili siya ng pagkain para sa aming dalawa. Mabuti ay nakasulot pa ako. Namiss ko ang bahay niya.

Naka upo naman ako sa lapag at pinapanood ang ulan mula sa binatana niya na malaki. Isinandal ko ang aking ulo sa malamig na bintana.

Pati siya sasaktan ako.

Kausap ko ang totoong magulang ko ngayon. Nakakahiya dahil walang gana ang boses ko, baka isipin niya na wala akong gana sakaniya.

"Kailan mo gusto pumunta dito anak?" tanong niya sa akin at malungkot akong napangiti.

"Pag pumunta po si Jiro, wala pa po talaga akong free time e." sagot ko naman sakaniya.

"I understand, anak."

"Opo, pero sigurado po akong makakapunta ako d'yan." natapos naman ang tawag sa magandang usapan. Nadagdagan naman ang saya ng puso ko pero hindi pa din masaya.

Sabi ko, aalis na ako kapag nakapag tapos na ng pag aaral ang kapatid---pinsan ko. Naiintindihan naman niya, ibang iba siya kay Tita.

"I'm here." sabi niya at agad na nilock ang pinto, hindi ko siya tinignan ang naka tutok lang sa cellphone ko.

Ano ba kasi ang nagawa kong masama para maramdaman lahat ng ito? Para maranasan ko ang lahat ng ito, naging mabait na tao naman ako diba, iniintindi ko nga ang lahat. Nag tigil ako para sa kapatid ko kahit graduating na ako. Sumobra naman ata kayo.

Umupo din siya sa harap ko at inilapag ang pagkain na binili niya, hindi pa din ako tumitingin sakaniya.

"Malalim ata ang nasa isip mo?" tanong niya. "Tell me, what's on your mind?" nag kukunwari siyang parang walang mali ngayon nag kukunwari siyang wala kaming problema.

"Wala." sabi ko at kinuha ang burger.

"Weeh?"

Seryoso ko siyang tinignan. "Kabet ba ako?"

Napa buntong hininga siya at napa sandal sa bintana. "Ilang beses mo na tinanong sa akin yan, alam mo naman siguro ang sagot?"

"Sabi mo dati, sabihin ko lang sa'yo if something's bothering me. Bakit parang sawang sawa ka na?" napapikit siya at tinignan ako.

"Paulit ulit kasi, e hindi ka naman kabet."

"Paulit ulit dinakong nabobother niyan, Jaze."

"Yung mga bagay ko bang ginawa para patunayan na hindi ka kabet ay hindi pa din ba enough for you?" mas lalong lumakas ang buhos ng ulan kasabay ng mabilis na pag wasak ng puso ko.

"Ano bang ginawa mong bagay? Mga salita mo?"

"Binibigyan kita ng assurance---"

"Oo, dati gumagaan ang pakirandam ko kapag sinasabihan mo ako ng mga matatamis mong salita. Pero hindi n ngayon, Jaze. Nakakahiya maging kabet."

"You're not my mistress."

"That doesn't change anything!"

"What do you want me to do?" mabilis niya namang tanong. Nainis ako at tumayo.

"Alam mo." maikling sabi ko at tinalikuran siya. Tumulo naman ang luha ko pero tumayo din siya at hinarap ako.

"Just wait, okay? I promise, wala akong babae, hindi ka kabet. Ikaw lang talaga, Saena. Belive me." hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang aking luha gamit ang hinalalaki niyang daliri. Nadurog naman ang boses niya. "S-stop crying."

"Don't get tired of me, I love you so much. Just wait okay? Walang kasal na magaganap. Tayo ang ikakasal."

Tinignan niya at ngumiti siya. Hinalikan niya ako sa labi mga ilang segundo, hinalikan niya ako sa noo at niyakap. Hindi ko naman mapigilan na yakapin din siya pabalik.

Sana totoo...

Lumipas na naman ang mga bwan ay sa una lang siya naging sweet pag tapos ng ilang araw ay parang hangin na ulit ako para sakaniya. Tangina, parang tanga naman oh.

Hindi ko di nakikita si Jaze, mukhang malalim busy na silang dalawa ni Faye and I'm so happy for him. Halos mag iisang taon niya ding pinursige si Faye e. Mabuti pa silang dalawa.

"Saena, lutang ka these past few days what is happening to you? Malapit na ulit ang racing. Sasama ka ba for practice?" makikita ko lang naman dun si Jaze at masasaktan lang ako.

"Next time na lang boss. Tsaka sorry kung masyadong hindi ayos ang performance ko." sagot ko naman sakaniya at nahihiya ako, hindi na siya sumagot at umalis na lang.

Kailangan ko wag dalhin ang problema ko sa trabaho ko, naapektuhan. Ito ang trabaho na nakakapag paluwag sa akin sa bahay kaya kailangan kong mag focus dito at baka malayo pa ang marating ko.

Inunfollow din ako ni Jaze sa lahat ng social media platform. Baka daw makahalata ang mga tao. Gusto niya din dapat ipahalata niya. Naiinis din ako minsan at nahihiya, parang pinipilit ko siya sa isang bagay na ang hirap gawin, isang bagay na dapat kong intindihin.

Pero yung pag sabi ng relasyon namin sa pamilya niya kahit hindi na sa mga tao ay isang malaking bagay para sakin. Ikakatahimik din ng utak ko kapag nalaman nila ang tungkol sa akin, na ako ang girlfriend niya hindi siya ikakasal kasi meron na siyang ako.

Nakaka inis kasi at the same time nakakalungkot isipin na kabet ako, kumakabet ako sa taong ikakasal na.

Pero hindi niya naman siguro mahal ang babae diba? Tang ina, kabet pa din yun. Ikakasal na siya. Dumagdag a sa mga iisipin ko.

Napayukom ako ng aking kamao.

Kailangan ko lang mag intay, oo kailangan ko lang intayin ang tamang panahon. Mahal ko si Jaze, pero kapag alam kong mali na ang pag sasama namin kahit ikamatay ko lalayo ako sakaniya. Hindi ako malandi katulad nung sinasabi ni Tita.

Hindi ko na nga alam kung mahal niya ba talaga ako e. Nawala na ang tiwala ko. Nabawasan.

Gusto ko na din umalis dun. Gustong gusto ko na makita ang totoo kong nanay.

Baka pakinggan niya ako sa mga kwento ko at bigyan ng advice sa nakaka inis kong buhay. Baka iparamdam niya sa akin ang gusto kong maramdaman na pag mamahal sa pamilya.

Endless | Warmth 1 | Completed Where stories live. Discover now