Chapter 33

1.5K 22 4
                                    

Ilang araw na ulit ang lumipas, at sa tingin ko handa na ata ako makipag ayos kay Jaze. Nag lalakad ako ngayon pauwi na ako, habang pinag mamasdan ang bouquet na binigay sa akin ni Jaze. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang inaalala ang nangyari kanina nung binigay niya sa akin ito.

Randam ko pa din ang mainit kong pisngi, mabilis na tibok ng puso ko. Huminga ako nang malalim at nag focus na lang sa daan, pero mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ng mata ko si Alvin. Si bunso, malaki na siya.

Nasa pharmacy siya, hindi ko alam kung dapat ko ba siyang puntahan? Mag pakita ba ako? Simula kasi nung umalis ako dun hindi ko na siya nakita, hindi ko na sila nakita.

Huminga ako nang malalim at lumapit sakaniya.

"Thank you po." nag pasalamat siya sa pharmacist kaya naman binilisan ko na ang lakad ko papunta sakaniya.

"Alvin!" tawag ko sakaniya at lumingon siya sa gawi ko habang nag lalakad pa din, nang makita nya ako at napatigil siya.

"Ate? Ate Saena?" hindi makapaniwalang tanong nya sa akin at agad niya akong pinuntahan at niyakap. Agad ko naman tinanggap ang yakap niya at niyakap ko din siya pabalik.

"Ang laki mo na." humigpit ang pag kaka yakap niya sa akin bago bumitaw.

"Ate, saan ka nag punta?" sumakit naman ang dibdib ko nang itanong niya sa akin yun. "Akala ko hindi na tayo ulit mag kikita." excited niyang sabi sa akin.

Binata na siya, 14 years old na siya ngayon alam ko.

"Sorry, sorry umalis ako." ngumiti siya at mahinang hinampas ang balikat ko.

"Ano ba, Ate. Kahit naman ako lalayas din kung ganun ganunin ako ni Mama." ang sabi niya sa akin. "Pero, nag kita na daw kayo ng totoo mong Mama ate?" tanong niya sa akin at masaya akong ngumiti.

"Si Tita, masaya ako na kahit papa-ano ay mag kadugo pa din tayo." ngumiti naman ako at hindi ko na alam ang sunod kong sabihin.

"Malaki ka na." ang sabi ko naman at pinipigilan ko ang luha ko na huwag tumulo.

"Syempre ate." huminga siya nang malalim at napaltan ng isang malungkot na ngiti ang labi niya na ikinalito ko. "Sorry pala ate, sorry sa lahat ng ginawa ni Mama at Papa sayo."

"Wag ka mag sorry, wala kang kasalanan." ngumiti ako sakaniya at ginulo ng konti ang buhok niya.

"Sorry pa din.."

"Sorry din hindi kita na suportahan sa pag aaral mo dahil umalis ako." napakamot naman siya ng ulo.

"Hindi mo naman responsibilidad yun, Ate. Tsaka, masaya ako na umalis ka nun dahil hindi ka na aapihin ni Mama, pero malungkot dahil umalis ka." tumingin ako sa kamay niya na, may dala dala siyang gamot.

"Sinong may sakit?" tanong ko naman, hindi ko maiwasang mag alala.

"Si Mama, diabetes." namilog naman ang mga mata ko nang marinig ko yun. "Nasa hospital siya ngayon, kakasugod lang namin sakaniya kahapon."

"Okay lang ba siya?" tanong ko.

"Okay na, Ate." ngumiti si Alvin.

"Ate, alam mo ba nung umalis ka? Nag sisi si Mama ng sobra dahil dun." naguluhan naman ako.

"Sinasabi mo ba yan para mabawasan ang sama ng loob ko?" biro ko sakaniya.

"Totoo, totoo ito."

Bakit naman siya mag sisi? Sana nung nandoon pa ako nag sisi na siya sa pag trato niya sa akin. Okay lang naman talaga sa akin pag aralin silang dalawa pero sana naman wag naman niya ako tratuhin nang ganong kasama.

Endless | Warmth 1 | Completed Where stories live. Discover now