Chapter 6

2.4K 40 12
                                    

Nag bibigay ako ng tubig sa mga camera man. Nakakapagod din pala ang ganitong gawain. Sawakas ay naka upo na din ako, nakakapagod. Hindi pa mag sisimula ang game. Nak upo lang ako, iniintay ko sila na may iutos sa akin.

"Saena!" sigaw sa akin at hindi siya isa sa mga staff, team siya ni Jaze. Sa dinami dami ng team, team pa ni Jaze? Ano bang meron at palagi kami pinag lalapit ng tadhana. Nakakainis na ha.

"Po?"

"Pabigyan naman ng tubig si Jaze kapag pumunta siya dito. He needs it." sabi niya habang baka tingin sa cellphone niya.

"Sige po."

Wala pang nagaganap na laro dahil may nag che-cheer dance pa. Gabi na nga din pala, tapos mamaya may mga artista din na pupunta dito bago mag simula. Basta maraming ganap dito.

Nakita ko na naman si Jaze na patakbo papunta sa akin. Hinanda ko na ang tubig na ibibigay ko sakaniya.

"Wow, ready na agad?" tanong niya agad sa akin.

"Pina-ready lang nila." napangiti naman at napailing sabay inom sa bote.

"Wala bang goodluck d'yan?" namilog ang mga mata ko. "Bakit wala kang kasamang camera man? Wala ka pang mic."

"Malamang, hindi ako ang mag iinterview sainyo ngayon. 'Yung artista."

Sayang at hindi ako, balak ko sana isama ang puntahan ang pamilya ko para ma interview sa TV, nandito din sila Faye at ang Mama niya. Mahilig din pala ang kuya ni Faye sa ganito ang nag pra-practice sa ibang bansa.

"I-goodluck mo na lang ako." ang sabi niya at itinuon ang kamay sa bakal na naka harang.

"Ayoko."

"Arte mo." sinamaan ko siya ng tingin.

"Sige, matatalo ako nito." pakunwaring naiiyak niyang sabi.

"Bakit gusto mo ba matalo?" seryoso kong tanong sakaniya.

"Hinde pero---"

"Oo na! Good luck na, good luck pare." ngumiti siya sa akin umalis siya at humarap sa akin nag flying kiss pa kaya agad ko hinawi ng paulit ulit ang hangin.

Sa bawat pag balik ng mga sasakyan ay parang dadalhin ako ng mga hangin, ang bilis nila. Ang bigat ng bawat takbo nila, parang kasama ako ganun 'yung pakiramdam.

Hangang sa isang ikot na lang sila, nakita ko ang sarili ko nakangiti habang inaabangan kung sino ang mananalo. Nang ma realize ko ay agad ako tumalikod, ano ba itong ginagawa ko? Hangang sa may tumawag naman sa akin kaya agad ako pumunta don.

Nang hihingi lang pala ng tubig, agad ako bumalik sa pwesto ko, napatalon ako nang bigla sumigaw ng malakas ang mga tao.

May nanalo na!

Lumapit ako agad sa camera man para itanong.

"Kuya? Sino nanalo?" tanong ko naman at hindi niya ako pinansin. "Kuya!"

"Si Louie! Hindi na ako nagulat."

Napasinghap naman ako, grabe ang galing niya siguro talaga?

"Pang apat si Jaze sa naka punta sa finish line, pang dalawa naman si Cobie, pang tatlo si Gerome." ay, sayang I mean...he did his best. Tumakbo naman ako malapit dun sa pwesto ko kanina.

Kitang kita ko sa malaking screen ang nag sasaya si Louie sa panalo niya. Wala pading tigil ang malalakas na sigaw ng mga tao, mamaya ay mag speach pa iyan si Louie.

Ilang oras na ang nakalipas at uwian na, maraming media ang naka habol sa bawat consestant para makausap tungkol sa pag kapanalo nila. For sure binabalita na din sa TV 'yan.

Endless | Warmth 1 | Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon