Chapter 28

1.5K 24 14
                                    

Kinausap ko si Mama nang mabuti tungkol sa offer ni Jaze sa akin. Malaking kumpanya ang hawak nila Jaze at for sure malaki din ang kikitain namin at mas lalo pang makikilala kapag pumayag ako sa gusto nya.

Business lang, nothing else, business lang. Business.

Hindi ko tinawagan ang number na binigay nya at dumiretsyo ako sa hotel para dun na sabihin diba mas maganda.

Pumunta ako sa counter at maayos at malumanay akong winelcome ng mga staff dito na kinasaya ko naman.

"Welcome ma'am."

"Nasaan po si Jaze Noolan?" diretsyo ko namang tanong.

"He's not here po right now." sagot naman nung staff kaya napatango na lang ako.

"Pwede po ba tawagan?" tanong ko.

"Of course ma'am, wait a minute."

Ilang minuto ang nakalipas at nagulat ako na nandito na agad si Jaze, agad nya akong dinala sa office nya para dun kami mag usap na dalawa.

"Jaze, business lang ang pag uusap natin." paalala ko agad sakanya nang maka upo na ako.

Isang segundong katahimikan bago siya nakasagot.

"You're right, let's start." masayang sabi niya. Pag tapos ng mahabang usapan ay naisipan nya akong ilibot sa buong hotel.

Pumayag naman ako, malaki din kasi at interesado talaga ako.

Nag simula kami sa rooftop.

"You're a special person so, meron ka nang very very special spot." inalis ko ang tingin ko sa view at tinignan ko siya. Nakahawak ang kamay nya sa dibdib nya bandang puso.

Pinanlisikan ko sya ng mata.

"Tumigil ka nga."

"Meron naman talaga, yung ma-aakit yung mga pupunta sa hotel." muli akong tumingin sa view habang nakikinig sakaniya.

"Pwede ka mag bakasyon dito, habang buhay and free basta ikaw." napaisip naman ako.

"Pwede ako mag sama?"

"Yes."

"So, libre din si Jiro." nag katitigan kami at nawala ang ngiti nya naiilang siya at tumingin ulit sa iba.

"No, ikaw lang." para bang wala sa mood na sabi nya at gusto ko matawa. "Anong gagawin nyo sa hotel." mahinang tanong nya at kinapalan ko na ang mukha ko at sinagot ko na ito.

"Mag babakasyon?"

"Of course, you can have the VIP room, at ikaw lang mag isa dun." napailing ako habang nakangiti.

"Bakit mag kahiwalay pa kaming dalawa ni Jiro, we're living together sa isang condo." nakita ko naman ang pag ka inis nya.

May dalawang kwarto dun sa condo na yun! Gusto ko lang asarin si Jaze.

"Puro ka Jiro." inis nyang sabi at nag walk out at napanganga ako. Syempre hindi ko siya susundan at naupo na lang ako.

Tumigil siya at bumalik sa pwesto nya kanina.

"We're living together before, at sigurado ako na hindi nya mapapantayan ang pag sasama natin noon sa isang bahay." he cleared his throat. "Lalo na nung isang gabi ng pasko."

I gasp, hindi ko inaasahan na sasabihin nya yon. Agad ko na gets yun dahil alam ko kung anong nangyari sa amin nun.

May nangyari.

"Nag seselos ka ba?" diretsyo kong tanong kay Jaze.

"Of course, bakit hindi ako mag seselos? Mag kasama sa isang bahay yung mahal kong babae at yung lalaking matagal ko nang pinag seselosan?" nagulat ako sa sinabi niya.

Tumayo ako.

Napupunta na sa past ang usapan na ito.

"Ituloy mo na ang tour." sabi ko, umaasa na maiiba na ang topic pero nag matigas siya.

"We're alone together, Saena. This is the perfect time para pag usapan ang lahat." namilog ang mga mata ko at napa atras ako.

"Trabaho lang dapat ang dapat pag usapan."

"Saena—"

Hindi ko alam, natatakot akong pag usapan ang nakaraan naming dalawa, punong puno ng takot ang buong katawan ko. Hindi pa ako handa, ang makaharap nga sya ngayon ay hindi pa din ako handa.

"Aalis na ako."

Sa tatlong taon, ang tanging ginawa ko ay hindi harapin ang problema kaya siguro natatakot akong harapin ulit.

"Saena, let's continue the tour. I'm sorry." nag patuloy akong mag lakad.

"I'm tired." ang tanging sinabi ko.

Pinanood ko syang humabol sa elevator pero mabuti sumara na.

Tapos na, wala na sigurong dahilan para mag kita pa kaming dalawa tinanggap ko na ang alok nyang collaboration. 

Pag ka uwi ko ay hindi na nakayanan ng katawan ko at umiyak na ako. Tuwing binabalik ang nakaraan, bumabalik din ang troma na ginawa sa akin nun. Kaya natatakot akong harapin lahat.

Sana hindi na lang siya nag sinungaling. Sana nag pakatotoo na lang siya.

O sana, tinatapangan ko ngayon para hindi na ako nag kakaganito ngayon?

Baka kailangan ko lang harapin lahat para hindi na ako iyak nang iyak ngayon? Gusto ko na bumalik sa probinsya, ayoko na dito gusto ko na lang ulit takasan ang lahat.

Minulat ko ang mata ko, nakatulog pala ako kakaiyak.

Tinignan ko ang oras at alas 10 na ng gabi. Nakaka inis.

Pumunta ako sa balcony para dun mag palamig, wala pa din si Jiro panigurado ay nag paparty na yun kung saan saan. Mabuti nga din yun dahil magiging mag isa muna ako dito at makakapag muni muni.

Aaminin ko, gusto ko pa talaga siya, mahal ko pa talaga siya. Gusto ko maging kami ulit pero natatakot talaga ako sa sasabihin ng mga tao kapag naging kami ulit.

Madumi na ako sa paningin ng pamilya ni Faye. Natatakot akong harapin ang lahat.

Endless | Warmth 1 | Completed Where stories live. Discover now