Chapter 9

2.1K 41 15
                                    

Halos isang linggo na kaming ganito ni Jiro, inanyayaan pa niya akong pumunta sa graduation niya pero hindi ako naka-punta dahil sa busy schedule sa trabaho. Pero nag congrats ako sakaniya sa facebook.

"Malapit na tayo Ma'am." pabirong sabi sa akin ni Jiro, parehas na kasi naming tanaw ang building.

Bumaba na ako, nagulat naman ako nang bigla niyang hubarin ang helmet ko. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"6 sunduin mo na ako, tas punta tayo sa bahaty nila Faye." kahit may helmet ang ulo niya ay alam na alam kong ngiting ngiti siya.

"Sige, 3:30 nandito na agad ako." sabi niya at inabot sa akin ang bag ko. Patakbo naman akong pumasok dahil baka late na ako.

"Good morning." bati sa akin ng isa sa mga staff kaya binati ko din sila pabalik. May mga nakaka close na talaga ako dito.

Habang nag hahanda naman para sa shoot namin ay may tumawag sa akin, nag papsalamat nga ako at dito naman ako sa studio mag rereport, malamig pati.

"Oy, Saena. Punta ka daw sa filed mamaya sabi ni Sir Richard."

"Ako ulit reporter?" tanong ko.

"Ah, siguro. Basta punta ka daw 3:30." tumango namam ako sakaniya. Sumigaw naman si direk na mag iistart na daw.

Wait, medyo malayo 'yung filed dito sa studio ah? Kaya ba 'yun ni Jiro? Kakayanin ba ng n-max niya 'yun? Mag communite na lang ako, tutal mag extra naman e.

"Good job!" sigaw ni direk. "Malayo ang mararating mo Saena." napangiti naman ako.

"Thank you po direk."

Napatingin ako sa oras, tumutulong din kasi ako sa mga staff, minsan taga ayos ng mga props taga gawa ng props ganun kaya minsan gabi na ang uwi ko.

Sakto naman na natapos ako nang maaga dumiretsyo na ako agad sa filed kung saan madalas ginaganap ang racing. Narating ako 3:10

Hinanap ko si Sir Richard pero kumunot ang noo ko dahil nakita ko ang myday niya. Nasa bora si Sir e! Ano ba 'yan, pinag tri-tripan ba ako---

Natigil ako nung bigla may tumawag sa pangalan ko.

"Saena, you're finally here." kumunot ang noo ko. Si Jaze?

"Wait, ikaw ba ang nag papunta dito sa akin?" tanong ko.

"Yep, ginamit ko pangalan ni Sir Richard para pumunta ka talaga." napailing ako. Kahit pangalan niya ginamit niya pupunta pa din ako.

Umupo siya sa isang upuan at tumayo ako sa harap niya.

"Bakit mo pala ako pinapunta dito?" tanong ko sakaniya.

"Wala lang, hindi na kasi tayo nag kikita," wow mag shota ba kami? "Or, baka na tayo kahit kailan mag kita."

"Ha? Anong pinag sasabi mo."

"May boyfriend ka na pala, Timothy told me everything. He even removes your helmet for you." namilog ang mga mata ko napalunok ako hindi ko alam ang isasagot ko. Ramdam na ramdam ko din ang unting unti pag init ng pisngi ko.

Umupo ako sa tabi niya at ramdam ko ang tingin niya sa akin.

"Hindi ko siya boyfriend, kaibigan ko lang siya. Nag papatulong siya pumorma kay Faye." napatingin ako sakaniya.

"Talaga? Pinopormahan niya si Faye." hindi niya mapakaniwalang tanong at tumango ako. Mukhang ginagamit niya din ako para mapalapit kay Faye? Baka gusto niya din si Faye.

Huminga ako ng malalim. "Kilala mo si Faye?" akala ko fan lang sila ni Jaze.

"Of course, I know her. She's my friend."

Endless | Warmth 1 | Completed Where stories live. Discover now