Chapter 14

1.7K 31 2
                                    

Chocolates, blueberry cheesecakes, bulaklak, gifts, cute stickers, at mga kung ano anong regalo na magagamit ko nang matagal.

At ilang months na pang liligaw sa akin ay sinagot ko na din siya hindi ko makakalimutan ang priceless niyang reaction nun. Gabing gabi 'yun at nasa sea side kami, wala mas'yadong tao at sumigaw siya. Hindi ko talaga makakalimutan 'yun.

Malapit na din ang pasko, at ang relasyon namin ay naging private, sinusulit namin ang mga oras na p'wede kaming mag kasama na walang mga matang naka tingin sakaniya. May mga tampuhan, pero nakakasigurado ako na mahal na mahal namin ang isa't isa.

"Ako na ba ang mag susundo sa'yo? Gagamitin ko 'yung lumamg car ko." napangiti naman ako habang nag liligpit ng gamit dito sa may CR.

"Ikaw bahala." kinikilig ko namang sagot sakaniya.

"On my way. I love you."

"I love you."

So, ganito pala kapag may boyfriend na talaga? Masaya at hindi ko maipaliwanag nararanasan ko na ang mga bagay na napapanood ko lang sa movie dati.

Malapit na palang mag pasko, masaya akong kasama ko siya sa darating na pasko at sana kasama ko padin siya sa new year.

Pag kalabas ko naman ay nakita ko na agad ang kaniyang kotse dun, luma na daw e mukhang bago nga. Patakbo akong pununta dun at agad na pumasok sa sasakyan.

"I have something for you." masayang sabi niya at may kinuha sa back seat ng kotse. Kahit sinagot ko na siya ay parang nililigawan pa din niya ako. Parehas pa din nung nang liligaw siya at ngayong kami na.

Binigyan niya ako ng plushie na favorite kong character sa isang anime series.

"Wow! Ang cute nito. Ano ka ba Jaze nag abala ka pa." ang sabi ko sakaniya habang naka tingin sa plushie.

"Everytime na mamakita ako ng mga bagay na favorite mo, binibili ko na agad." sinamaan ko siya ng tingin.

"Huwag ka masyadong gumastos sa akin, ayos na sa akin 'yung quality time. Hindi 'yung bonggang bongga, basta nand'yan ka ayos na." ngumiti.

"I'll do what ever I want."

"Tumigil ka nga d'yan, hinhinan mo." paalala ko sakaniya. Nag paalam siya sa akin na hindi kami makakapag spend ng time together dahil busy siya at naiintindihan ko naman.

Pag ka baba ko ng sasakyan ay sinalubong ako ni Jiro.

"Sae!" tawag niya at patakbo na pumunta sa akin kaya naman tumigil ako.

"Oh?"

"Kaya pala hindi ma nag papahatid at sundo sa'kin kasi may bago na!" pabiro niyang sigaw sa akin. "So, hindi mo na ako tutulungan kay Faye?"

Natawa ako sa tinanong niya sa akin.

"S'yempre, tutulungan pa din kita. T'saka halata naman ang pag ka seryoso mo kay Faye." nakita ko ang ngiting tagumpay niya.

"Hay nako, salamat. Baka next next year or next year hindi na ulit kami mag kita." nawala naman ang ngiti sa labi ko at hindi mapigilang mag tanong.

"Huh? Saan ka pupunta?" tanong ko sakaniya.

"Ah, sa coffee shop. May inoffer mama mo sa akin e. Tapos nag pm naman sa akin 'yung may ari. S'yempre sino naman ako para tumangi, kailangan na din maka tulong sa pamilya e." paliwanag naman niya. "Pero kung magustuhan din ako nu Faye, tatanggihan ko na lang tas mag hahanap ng trabaho dito. Kahit mahirap."

"Baliw ka sa pag-ibig ano?"

"Basta si Faye e, nakaka baliw talaga." nag tawanan kami at nag paalam na akong papasok na sa bahay. Pag ka pasok ko ay narinig ko na ang masasayang salita nila.

Kasama na naman si Roselyn sa top students.

"Hay nako! Makaka kuha ka ng scholarship for sure!" sigaw ni Mama habang hawak hawak ang nakuhang medal ni Roselyn.

"Aba, sigurado na 'yan. Napaka galing e, worth it pag aralin." pag kapasok ko ay natigil ang pag sasaya nila at napunta ang tingin sa akin.

Unti unti ko na din naintindihan kung bakit ganun sila sa akin.

"M-magandang gabi po."

"Oh? Mag hugas ka na ng plato." napalunok ako at tumango na lang.

Habang nag huhugas ay pinag sasabihan ako ni Mama sa mga bagay bagay.

"Ano Saena? Kailan christmas bonus niyo? Bigay mo sa akin lahat ha? Ipapa bongga ko ang pasko natin." napangiti naman ako at ito na ang tamang pag kakataon para sabihin sakaniya ang naisip ko para sa pasko.

"M-ma, naisip ko po sana na mag tagaytay tayo ngayong pasko---"

"Hay nako, ikaw ang mag tagaytay mag isa mag hahanda kami dito." nawala ang ngiti sa labi ko at bumalik sa pag huhugas ng plato.

"Dami mo pang ka artehan e ang pangit naman ng suggestions mo, hay nako mag hugas ka na lang nga d'yan. Ewan ko ba bakit pa kita inanak." napahinga ako ng malalim at pinigilan ang luha na tumulo.

Gusto ko lang naman na mag ka-sama sama kaming lima e. Kahit hindi nila ako totoong anak, kahit isang beses lang kasama ko sila.

Naka ilang buntong hininga ako bago makapasok sa kwarto ko, malungkot at dinidibdib ang sinabi niya kanina.

Binuksan ko ang cellphone ko at kusang ngumiti ang mga labi ko dahil nakita ko ang chats ni Jaze with picture pa na kasama na niya ang team niya. At may joke pa.

Anong tawag sa bear na walang tenga?

Edi B.

Napailing na lang ako at nag reply sakaniya.

Ngayon naman ay mag ka call kami, kaming dalawa at napag desisyonan ko na sabihin sakaniyabang problema dito sa bahay. Pinipilit niya din nanan ako.

"We are partner, Saena. Don't keep secrets from me. Lalo na kung may problema ka. Let's fix that together."

"I'm sorry, parang nakakahiya lang kasi i-share." nahihiyang sabi ko naman sakaniya.

Alas tres na at nandito pa din ako sa labas, kausap siya.

"I understand them, hindi nila ako tunay na anak. Maybe I'll spend mg Christmas alone." nahihiyang sabi ko naman.

"I'm here, Saena. You're not alone sasamahan kita kahit saan mo gusto." napatango ako. Sinabi ko naman sakaniya lahat dahil comfortable na ako sakaniya pag usapan ang bagay na ito.

Now, he's the person I trusted the most. Sa loob ng ilang bwan na kaming dalawa ay parang nasa ulap ako. Pinaramdam niya sa akin na hindi ako mag isa. Ang swerte ko naman ata sa first boyfriend ko.

"Jaze. . ." tawag ko sa pangalan niya.

"Hmm?"

"No secrets ha?" ang sabi ko naman at dalawang minuto ata ang nakalipas bago siya sumagot. "Jaze?"

"Y-yes, of course. No s-secrets." nauutal niyang sabi. "Matulog na tayo, baka sigawan ka na ni Sir Richard bukas. Good night I love you." mabilis niyang sabi.

"Good night, I love you." sabi ko pabalik at dahan dahang pinindot ang end botton.

Endless | Warmth 1 | Completed Where stories live. Discover now