Chapter 30

1.6K 23 8
                                    

Habang nag kukuha ng order ay naagaw ang aking pansin ng lalaki na pumasok, saglit ko siyang tinignan at umalis para gawin na ang order nila.

"Jane, oh order ng table 4." ngumiti si Jane sa akin at tinanggap ang papel na binigay ko sakaniya.

"Si Jaze oh, favorite place nya siguro to." rinig ko na ang mga bulungan ng customers dahil sa pag dating ng nilalang na to.

"Sports car nya oh."

Dumiretsyo ako sa office ko at nakita ko dun si Jiro, natutulog ayoko naman syang istorbohin kaya lumabas ako ulit, pag kasara ko naman ng pinto ay sumulpot si Jaze sa harap ko na parang multo kaya napatalon ako at napa atras.

"Mag sabi ka naman." ana ako sakaniya at ngumiti lang siya sa akin.

"I'm sorry, did I scare you?" tanong niya sa akin.

Hindi ako sumagot at umiwas na lang ng tingin.

"Wala dito ang counter." sabi ko na lang sakaniya.

"Naka order na ako."

"Bakit ka nandito?" tanong ko sakaniya.

"Can we continue the tour?" mahinahon ang boses niya at ramdam ko ang titig nya sa akin.

Sasagot na sana ako nang may biglang tumawag sa phone nya. "Oh, excuse me." hindi siya tumalikod sa akin, tumango ako at ako na ang umalis.

Pero naririnig ko ang usapan nila kaya dahan dahan akong nag lakad.

"Jaze, where are you? Naka uwi ka na daw ng Pinas."

"Yes, naka uwi na ako, Ma."

"Where are you? Wala ka sa condo mo." kunwari nahulog ang ballpen ko.

"Nasa cafè ako, don't worry babalik din ako dyan."

"Okay, hindi pa naman nag sisimula ang dinner. See you later, son."

"Okay." pinatay nya na ang tawag habang ako ay nag lalakad pa din palayo sakaniya.

Teka teka, so ibig sabihin umalis siya ng Pinas at kakablik lang? Hindi pa siya umuwi sa bahay nila.

"Saena, what do you think?" tumigil ako sa pag lalakad ko at humarap sakaniya.

Dumiretsyo ba siya sa cafè pag kalapag ng airplane? Ewan ko, malay natin.

"B-bukas siguro." kailangan nya mag pahinga.

"Okay, I'll pick you up. Saan pwede?" namilog naman ang mga mata ko.

"Dito na lang." ngumiti ako sakaniya at tuluyan na siyang nilayasan pero narinig ko ang mga hakbang nya palapit sa akin. Pero nag patuloy ako sa pag lalakad kunwari walang naririnig. Narinig ko ang pag buntong hininga nya at ang hakbang na kanina ay palapit ngayon ay palayo na.

Humarap ako sakaniya ulit at binigay na sakaniya yung order nya na take out.

Pinanood ko siyang umalis at sumakay sa sports car nya at mabilis na umalis. Kinabukasan naman ay nag ayos ako para sa tour na yun.

Naka cargo demin pants ako na kulay baige at sweater na kulay puti na may konting design, syempre ayoko naman mag pa ka formal sakaniya baka isipin nya date to. Tour lang naman, tour lang.

Dumating na siya dala dala na naman ang sports car nya na dalawa lang ang seat, driver seat lang at passenger seat.

Lumabas siya sa sasakyan at ngumiti sa akin. "Let's go?" tumango ako at sumakay na sa passenger seat.

Tahimik lang kaming nasa byahe, naalala ko tuloy nung maayos kaming dalawa, kapag nasa sasakyan niya ako, minsan hawak hawak niya ang kamay ko. Kayang kaya nya daw mag drive ng isang kamay lang.

Kinakain kami ng katahimikan ngayon.

"So," pinutol nya na ang katahimikan. "I heard na nag usap na kayo ni Faye." napatango ako. "You and her are friends na ulit?"

"Oo."

"That's good." ngumiti siya at napatingin ako sakaniya, nakangiti siya habang naka tingin sa daan.

Huminga ako nang malalim.

Handa na ko na ba bigyan ng isa pang pag kakataon ang relasyon namin? Handa na ba ulit akong pumasok ulit? Hindi ko alam, wala ata akong tiwala sa sarili ko.

Inalis ko ang tingin ko sakaniya, nilagay ko sa daan.

Baka mapagod siya kakahabol sa akin at tigilan na lang ako? Baka mag sawa sya sa akin dahil masyado akong mabagal.

Nasa hotel na naman kami mapangiti naman ako na inaayos na ang spot ng café namin dito. Hindi siya nag sisinungaling, binigay nya sa amin ang napaka gandang spot yung maakit talaga ang mga pupunta dito.

"That's your spot. Ganda ano?" sabi niya sa akin na naka tayo sa tabi ko.

"Yes, maganda nagustuhan ko. This is the first collaboration of the café. Thank you." hindi ko mapigilan ang maging masaya. Syempre sino bang hindi sasaya? Isang napaka gandang opportunity ito para sa amin.

"You're always welcome." sabi nya at mas lalo pa akong napangiti gusto ko siyang yakapin gusto ko siya yakapin yung hindi na sya makahinga sa sobrang higpit.

"So, let's continue the tour?" tumango ako at sumunod sakaniya.

Habang nag lalakad naman ay nag salita na naman siya. "I'm sorry, dun sa last week na nangyari sa atin nung first tour. Hindi ko muna ipag pipilitan sayo na pag usapan yung past. If that's making you uncomfortable, I won't bring it up."

Nag init naman ang pisngi ko.

Nasa rooftop na naman kami at gabi na.

Hinahangin ang buhok ko kaya paulit ulit ko inaayos ayoko naman ialis ang mata ko sa magandang city view.

"Ang ganda." bulong ko.

"Yes, masaya ako na tinanggap mo talaga yung collaboration." mahinahon nyang sabi at ngumiti ako. 

Tumingin ako sakaniya na nakatingin din sa city view at agad din naman inalis ang tingin ko sakaniya. Ang dami kong gusto malaman sakaniya ngayon.

"Bakit ka pala tumigil sa pag karera ng kotse?" tanong ko sakaniya. Mukhang nagulat siya sa tanong ko at ramdam ko ang mata nya sa akin.

"I want to focus sa company namin, nag retired na si Papa, so syempre sa akin ang baksak, one of my reasons." napatango ako, pero one of his reason? Meron pa?

"One of your reasons?" hindi ko mapigilan ang mag tanong.

"Are you sure you want to know?" tanong niya at napatingin na ako sakaniya.

Ngayon tinanong nya yan ay gusto ko na talagang nalaman yung reason.

"Ilan ba reasons mo? I mean, napaka ganda ng career mo dun.."

"Dalawa lang naman, do you really want to know?"

Tumango ako at nag inintay ng sagot nya.

"Wala na yung favorite reporter ko tuwing may race ako." namilog naman ang mga mata ko sa narinig ko.

Ngumiti siya. "Well, I really love it, tuwing lalabas yung pangalan ko sa labi mo. It makes me powerful, it's my inspiration. Parang kada karera na sasalihan ko mananalo ako."

Bumilis naman ang tibok ng puso ko dahil sa narinig ko. Ang init ng pisngi ko, nang hina ang tuhod ko.

Nag iwas ako ng tingin.

"Are you hungry? My treat." tumango na lang ako at nag papasalamat ako kay Lord dahil iniba na nya ang topic.

Endless | Warmth 1 | Completed Where stories live. Discover now