Chapter 13

1.8K 39 14
                                    

Lumipas ang mga araw, mas lalo lang nabuo ang galit ko sakaniya. Hindi pa din niya ako pinapansin. Bahala na, bahala na si Batman.

Nag luluto ako ng lunch ng mga kapatid ko at dadalhin sa school nila.
Nang bigla namang tumunog naman ang cellphone ko, agad ko kinuha ang bulsa ko.

Kumunot ang noo ko nang makita ang pangalan ni Jaze. Pinatay ko na lang din at nag focus na lang sa niluluto. Inilagay ko din ang cell phone ko sa lugar na hindi ko maririnig.

Ibinigay ko na kay Mang Nanding ang mga lunch box nila para ibigay sa school. Sumalubong naman sa akin ang paulit ulit na pang ring ng cellphone ko.

Mag kakilala na kami halos anim na bwan na o mas mataas ba d'yan. At hanggang dun na lang kami, bahala siya.

Pero dahil marupok ako ay binasa ko na mga chats niya at may voice message pa, pero hindi ko padin sinagot ang mga tawag niya.

"Please, sagutin mo ang tawag ko." nag mamakaawang sabi niya.

"Kapag hinde, I'll come over." pinatay ko na ang cellphone ko at dali daling tumingin sa bintana.

Napa irap ako, edi pumunta siya wala siyang mapapala dito. Bahala siya sa buhay niya. Pag lipas ng sampung minuto ay nagulat ako nang may bigla bumibisina sa labas kaya tinignan ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita na nandito ang isa sa mga kotse niya, kabadong kabado ang dibdib ko dahil sa nakikita ko ngayon.

Mas lalo pa akong kinabahan nang lumabas siya sa kotse niya, naka facemask naka shades naka cap at pinag titinginan siya ng mga tao dahil sa ganda ng sasakyan niya.

May dala dala siyang bulaklak. Nang dumapo ang kamay niya sa gate ay tumigil na ako kakapanood sakaniya at dali daling pumunta sa kwarto ko para makapag lagay manlang ng lip balm o masuklay ang buhok ko.

Habang nag susuklay ako ay narinig ko ang katok niya sa pinto at tinatawag ang pangalan ko.

"Saena? I know you're here." shet, bakit naman kasi may pa ganyan pang nalalaman.

Agad akong lumabas sa kwarto ko at humarap sa pinto kahit hindi pa naman bukas. Inilapit ko ang tainga ko sa pinto para marinig ang mga binubulong niya.

"Fuck, ang init may facemask pa, I can't fucking breathe---" binuksan ko na ang pinto at nag kunwaring walang alam sa nang-yayari.

"Saena!" anas niya at nakahinga ng maluwag, tatanggalin niya sana ang facemask niya pero agad ko na siyang hinila papasok sa loob at agad na sinara ang pinto.

Nilock ko at pag kaharap ko sakaniya at tanggal na lahat ng kineme sa pag mumukha niya. Nagulat din naman ako nang bigla niya akong yakapin.

"I missed you. . . so much." nag init ang mga pisngi ko pero inilayo ko siya sa akin.

"Talaga? Pero hindi mo pinansin 'yung chats at calls ko sa'yo, tapos dun sa show na nag guest ka hindi mo din ako pinansin? Pinag lololoko mo ba ako, Jaze?" dire-diretsyong sabi ko sakaniya. Balak ko nga sana na mag kunwari na hindi ako apektado sa pinag gagawa n'ya, pero gusto ko ng sagot.

Baka din dahil marupok ako.

"I'm sorry, kung p'wede ko lang talaga sabihin sa'yo." namilog ang mga mata ko.

"Tell me."

Huminga siya ng malalim at hinawakan ang kamay ko pero hindi ko na pinag damot sakaniya 'yun.

"T-too personal, but promise I'll give you a valid reason soon." sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi ko alam, Jaze."

"Fine, alam ko naman na alam mo 'yung picture natin na nag hahalikan sa concert. My manager warned me na lumayo sa'yo." binawi ko ang kamay ko sakaniya.

"Pero hindi ako kilala ng manager mo."

"Yeah? He said 'the' girl. He doesn't know you, alam mo naman ang mang-yayari kapag nalaman ka nila." huminga ako ng malalim.

"Dapat sinabi mo sa akin, kahit sa call, kahit sa texts man lang." ang sabi ko naman sakaniya.

"I'm sorry, Saena. They're watching every step I do sa dalawang linggo na 'yun. I'm really sorry I made you feel that way." napakamot siya ng kaniyang ulo. "Naiintindihan ko kung galit ka sa akin at hindi mo tatanggapin lahat ng sinasabi ko. I truly understand."

Shet, ang bilis na naman ng tibok ng puso ko, pakiramdam ko naririnig niya. At ang pisngi ko naman ay nag aapoy na ata sa sobrang init.

"And, kapag nalaman ng mga tao na ikaw 'yun. B-baka madamay ang trabaho mo. A-alam mo naman diba 'yung sitwasyon ko?" nahihiyang sabi niya.

Yeah, I know sikat kasi siya. Naiintindihan naman, naiintindihan ko na. Ang hirap talaga maging isang sikat na tao.

"I understand you, Jaze---" nagulat ako nang bigla niya akong yakapin, natagpuan ko naman ang sarili ko na niyayakap siya pabalik.

I can feel his heart beat. . .

Tumitibok para sa akin.

"Thank you, Saena. I love you so much." humiwalay siya sa yakap namin at kinuha ang kaninang hawak hawak na bulaklak. Ngiting ngiti siya at halatang kinikilig din.

"I'm also came here to tell you this." napalunok ako at tinanggap ang bulaklak.

"Ngayon, liligawan kita."

Wow? Hindi man lang ako tinanong kung gusto ko ba mag paligaw.

"Hindi mo man lang ba ako tatanongin?" pabirong sabi ko sakaniya at ngumiti pa.

"Liligawan kita dahil gusto ko, I'll prove myself to you. Sabihin mo lang kung uncomfortable kang ligawan kita, I will never do things na nag papa uncomfy sa'yo." sinsirang sabi niya na mas nag pa apoy pa ng aking pisngi.

Gusto ko mag tago dahil sa nararadaman ko, unang beses ko lang mararanasan ang lahat ng ito.

At dahil sakaniya lahat.

Lumipas ang ilang oras at sabi ko sakaniya hangang 4 lang siya p'wede mag stay dahil uwian na ng mga kapatid ko pag dating ng 4:30. Sinabi ko din sakaniya na mahigpit ang mga magulang ko kaya naman. Mabuti ay naniwala siya sa akin at sinunod ako.

Nag stay muna siya sa bahay at hindi ako dinala sa labas, gusto niya daw na kaming dalawa na lang muna, baka din daw kasi may makakilala ulit sakaniya at ma-issue na naman siya. S'yempre, pumayag ako 'yun din nanan ang gusto ko, t'saka ayoko din namang na mapunta siya sa gulo, lalo na at dahil pa sa akin.

Mukhang nahulog na talaga ako sakaniya. Lalo na nung pinakita niya ang side niya na ito. Hindi ko alam na ganito siya pag dating sa pag ibig. Akala ko hindi siya seryoso at isa ding gagong lalake. Nag kakamali ako.

Binigyan niya ang liwanag ang madilim kong mundo, parang siya na tuloy ang magiging dahilan kung bakit gusto ko gumising kada araw.

Ngayon, gusto ko nang maranasang mas mahalin ng katulad niya.

Endless | Warmth 1 | Completed Where stories live. Discover now