Chapter 29

1.4K 25 7
                                    

Tapos na, pumayag na ako sa collaboration siguro naman wala na siyang dahilan para guluhin ako? Oo sana nga hindi na niya ako guluhin.

Nasa may staff room ako nag checheck ng mga comments sa socials namin at narinig ko ang pag bukas ng pinto pero hindi ako tumingin dun at tinutok sa laptop at nag busy-busyhan.

"S—"

"Go, away. Can't you see? Nag tratrabaho ako, tsaka wala na siguro tayo dapat pag usapan pa ano? Tinanggap ko na yung collaboration at—" nag angat ako ng tingin.

"Pinag sasabi mo?" si Jiro lang pala, napa irap ako at sumandal sa upuan ko.

"Ano na naman?" tanong ko sakaniya.

"Wala may kukunin lang ako." binigyan nya ako ng nakaka asar na tingin habang nakuha ang kung ano sa box. Tumutok ulit ako sa laptop at umaasa na hindi na nya papansinin ang pinag sasabi ko kanina.

"Ibabalik ang nakaraan, ibabalik ang pinag mulan. Umaasa." inis ko siyang tinignan nang simula siyang kumanta.

"Stop."

"Mababalik ang nakaraan, ibabalik ang pinag mulan—" inirapan ko siya at nag iwas ng tingin.

"Favorite song mo ba yan?" tanong ko.

"Oo naman, nakanta lang e." sagot nya ay may pang aasar sa boses niya.

"Ohh, kaya pala." humarap siya sa akin.

"What do you mean?"

"Umaasa ka pa din kay Faye, di ka ma ka get over." hindi siya naka sagot at inirapan ako.

Ay gaga, totoo siguro.

Napairap din ako at sumagot sa mga comments. Normal na sa amin yan, asarin ang isa't isa.

Lumipas ang isang linggo, walang Jaze na dumating, walang Jaze na umorder, walang Jaze na nangungilit sa may office ko.

Walang presensya ni Jaze.

Huminga ako nang malalim at umupo sa may isang upuan malapit sa may entrance. Tumayo ako at tinanggap na ang lahat. Okay okay, hindi na siya mangungulit, siguro nga tama si Jiro work work lang talaga hindi yung relasyon.

Wala na ang mga staff namin kaya kaming dalawa na lang dito, hindi ko alam kung kami na lang ba talaga or ako na lang baka kasi umalis na siya.

Tumayo ako para pumunta sa entrance at paltan na ng close pero nagulat ako nang may palapit dito na tatlo na mag kakaibigan.

Si Faye..

Agad ako tumakbo sa loob ng staff room at natagpuan ko si Jiro dun mapayapang nag aayos ng mga gamit.

"Jiro, punta ka nga sa counter." kumunot ang noo niya sa sinabi ko sakaniya.

"Huh? 8 na gaga close na tayo." napalunok ako.

"M-may humabol."

Huminga siya nang malalim at tumayo. "Sige na sige na, last customer na yan ah gusto ko mag beauty sleep." napasinghap ako sa sinabi nya at umalis siya sa staff room.

Pinanood ko sya at natigil siya nang makita nya kung sino, ewan ko ba matatawa ba ako or maawa or kakabahan para sakaniya.

Tumingin siya sa akin at pinakyuhan ako. Pinigilan ko ang tawa ko at pinanood siyang iapproach ang tatlo.

"H-hello, good evening. May order na po ba?" tanong ni Jiro.

"Yes." Pinakinggan ko sila at agad na ginawa ang order nila. Sumilip ako saglit at nakita ko na nag bubulungan sila.

"Is that Jiro?" tanong nung isa kay Faye at tumango lang si Faye.

"Damn, he's hot." anas nung isa at gusto ko matawa.

Endless | Warmth 1 | Completed Kde žijí příběhy. Začni objevovat