Chapter 10

2.1K 36 13
                                    

Selos, bakit nga ba siya mag seselos e ang ginagawa niya lang naman ay maramdaman kong comfortable ako sakaniya, ewan ko baka nga ginagawa niya lang 'yun para sa career niya.

"Hoy, babaita. Kanina ka pa tulala d'yan. Sinasayang mo oras ko. Akina sweldo mo." agad akong napatango kay Mama, binalik niya ako sa reyalidad nang sigawan niya ako..

"Bayaran mo ang 'yang si Nena sa natitirang 2k kapag pumunta dito ha?" kumuha siya ng 2k sa binigay ko sakaniya. "Ayan, binwas ko na sa parte ko. Baka kasi tuluyan ka nang maging butot balat."

Kahit masasakit ang sinabi niya sa akin ay masaya padin ako dahil hindi nabawasan ang parte ko sa sweldo ko. Mamamasyal sila ngayon sa perya, hindi ako kasama pero ayos lang hindi ko din naman mararamdaman ang saya if ever sumama ako sakanila.

Abala ako sa pinapagawa sa akin ni Sir Richard sa kwarto ko nang bigla tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman kinuha, parang nasunog na naman ang pisngi ko nang makita ko ang pangalan niya.

Wala akong magawa at sinagot ang tawag niya.

"H-hello?"

Like, kung nag seselos talaga siya it means gusto niya ako diba? Sandali, ano bang magugustuhan niya sa akin? E, pag bato ng bote lang naman ang tanging ginawa ko sakaniya, anong magandang ginawa ko?

S'yempre, Saena hindi mo alam kasi lumaki ka sa toxic na pamilya kaya puro mali at pangit lang ang alam mo tungkol sa sarili mo.

"Hey, busy ka ba?"

Napatingin ako sa ginagawa ko at iniligpit, next next week pa naman deadline nito e.

"Ah, hindi. Bakit?" tanong ko sakaniya.

"Tinatanong ko lang." napairap naman ako.

"Sus! Bakit ka pa tumawag ayan lang naman pala itatanong mo!" inis kong sabi sakaniya.

Narinig ko ang pag tawa niya na mas kinainit pa ng pisngi ko, baka pwede na mag prito ng itlog. "I just want to hear your-" hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang biglang may tumawag sa akin mula sa labas.

"Sae!"

"That's Jiro, isn't?" nanlaki ang mga mata ko dahil biglang sumeryoso ang boses niya.

"O-oo."

"Sae!"

"'Ge na, puntahan mo na. I'll shut the call, baka kasi maka istorbo pa ako sainyo."

"Jaze-" bigla niyang pinatay ang tawag.

Agad naman ako napa tayo at pinuntahan si Jiro na kanina pa tawag nang tawag. Nasa gate siya at dala dala ang helmet ko. Nagulat naman ako dahil may cute stickers na ito.

"Uy! Ang ganda ha?" ang sabi ko naman at binuksan ang gate.

"S'yempre, gawa ko 'yan." natawa naman ako at kinuha sakaniya.

"Tara sa filed? Nood tayo practice ni Jaze? Nandun si Papa p'wede daw tayo pumunta." bigla naman pumasok sa utak ko ang pinapagawa ni Sir Richard.

Hay na ako bahala na.

"Baka nandon si Faye, diba friends sila ni Jaze at 'yung pamilya nila? Final practice daw ngayon." wow, final practice.

"Ah, sige sasama ako papalit lang ako ng damit, wait." agad akong pumasok sa loob, nag pabango at lumabas na agad.

Konti lang ang tao, mag katabi kami ni Jiro sa malapit na view. Ito daw ang first time niyang maka panood ng ganito at sa filed pa, puro ilegal kasi ang napapanood niya nang mata sa mata.

Natapon naman ng konti ang kinakain ko nang yugyogin ako ni Jiro dahil nakita niya ang kotse ni Jaze, o mas kilala na ngayong red car.

Nag sorry naman siya agas at nag focus na lang.

"Nasaan si Faye? Hindi ko makita."

"Baka nasa V.I.P" sagot ko naman sakaniya.

"Ay, sayang."

Lumabas si Jaze mula sasasakyan, ano ba naman 'yan bumilis ang tibok ng puso ko. Ngumiti siya sa akin na mas lalo pa kinabilis, at nawala naman ang ngiti niya nung bumaling siya ng tingin kay Jiro. Nakaramdam naman ako ng hiya dahil dun.

Pumasok siya sa sa sasakyan, rinig na rinig ko ang padabog niyang pag sara ng pinto.

"Mukhang bad mood si Boss Jazs ngayon ah?" napalunok naman ako sa sinabi ni Jiro.

Bumilang ng tatlo 'yung may hawak ng mic, pinanadar na ni Jaze ang sasakyan niya, habang palayo ay mas bumibilis. Kalapit namin 'yung nag gagawa ng record niya. Napatingin ako dun.

"Boss! Mas bumilis si Jaze ngayon!" sigaw niya.

"Talaga? Like, hindi katulad nung nakaraang record niya?"

"Oo, boss. Parang flash aba."

Kinabahan ako, baka may mangyaring masama sakaniya? Baka maaksidente siya.

No, proffesinal siya alam niya ang ginagawa niya. Hangang naka isang ikot naman s'ya at nag palakpakan ang team niya, pati si Jiro ay napa-palakpak din.

"Galing talaga ni Jaze." bulong niya sa'kin habang pumapalakpak.

"Oonga." sang-ayon ko.

"This is nice, Jaze! Sana madala mo iyan sa litiral na laban." tinanggal ni Jaze ang kaniyang helmet.

"Of course, I will. P'wede na ba umuwi?" tanong ni Jaze.

"Yes naman! You deserve the pahinga you need." tumalikod si Jaze at inilagay ang helmey niya sa loob ng kotse at pumunta sa VIP area. Kakausapen niya siguro sila Faye.

"Sayang, hindi ko nakita si Faye." bulong sa akin ni Jiro.

"Makikita mo siya kapag may pinagawa ulit siyang project sa akin."

"Umay!" anas niya at nag ka yayaan na kaming umuwi pag tapos ng ilang minutong pag gagala sa ay napag desisyonan na naming umuwi.

Naka akbay siya sa akin, para kaming mag kapatid na dalawa. Parang, sakaniya ko nararamdaman ang pakiramdan na may pamilya. Kay Jiro.

Hindi kami nag usap ni Jaze, ayun na ang huling usap namin ngayong araw.

At---

"Babaita!" sigaw naman sa akin ni Mama pag kapasok ko palang sa gate.

"Putangina, ano? Ano, Saena? Hindi mo binayaran si Nena? Walang hiya ka!" hala, nakalimutan ko.

"S-sorry po, nakalimutan ko po kasi."

"Nakalimutan, baka naman ginastos mo? Gabing gabi na oh? Akala mo hindi namin naririnig ha? May kausap kang lalaki d'yan sa labas!" sinampal niya ako at napatungo ako.

"B-babayaran ko naman po."

"Ano, may papa-buntis ka nang maaga katulad dun sa kapatid ko? Putang ina, mag da-dagdag ka na naman ng mga palamunin dito katulad mo?"

Palamunin? E, ako nga lahat dito sa bahay, madalas 'yung mga perang pinag hirapan ko ang ginagastos nila.

"H-hindi po."

"Huwag mo na 'yan bigyan ng chance 'yang lalaki na 'yan kung ayaw mo mawalan ng bahay!" napahikbi naman ako.

Bakit hindi siya ganito sa ibang kapatid ko?

Tumalikod siya at inis na inis na nag lakad. "Yang mga pera mo na binibigay, kulang pa 'yan sa pag papalaki ko sa'yo!"

Bakit parang hindi niya ako anak?

Kung tratuhin niya ako parang napulot niya lang ako sa daan.

Pumasok na ako, sa hindi inaasahan ay narinig ko ang usapan nila Mama at Papa.

"Bakit kasi hindi mo na lang sabihin ang totoo d'yan kay Saena? 23 years old na iyan, Krismae." bumaksak ang balikat ko.

Endless | Warmth 1 | Completed Where stories live. Discover now